Fog & Dew 27

69 14 3
                                    

En.Pi's Point of View:

"Sa tingin niyo gagana 'yang plano niyo?" ang tanong ko nang masabi na nila Jupiter ang plano nila para makilala namin kung sino ang may pakana.

"Oo naman, sigurado ako na gagana 'tong plano natin." ang paniniguradong tugon ni Jupiter.

"Tsaka napag-alaman naman na din namin na may CCTV na naka-install sa bawat entrance and exit ng mga buildings sa university, and hayaan niyo na ako ang magpahanap sa mga nakasabay ni Claude sa rest room." ang sabi naman ni Inno.

"Okay, I trust you guys, I know I can count on you. Ayoko lang na mas lumala pa dito ang mangyari if hindi natin mahuli agad ang taong puno't dulo nitong incident na 'to. Ayoko na dumating sa point na buhay na ni Claude 'yung nakataya, kasi I guess that is really too much." ang sabi ni En.Pi.

"Don't worry, hindi naman natin hahayaan na dumating pa sa point na 'yon ang lahat, we both know the story of Tito Luke and Tito Arwin. They've struggle so much, and I know na ayaw mo nang humantong sa gano'n ang lahat." ang sabi ni Marty.

Gabi din nang araw na iyon ay pinayagan na akong makalabas ng ospital dahil sa mabuti naman ang kinalabasan ng mga test na ginawa sa akin, walang internal bleeding at iba pa na pwedeng ikabahala. Pero ang pinagtataka ko lang ay hanggang sa punto na nakalabas na ako ng ospital ay hindi na bumalik si Claude tulad nang sinabi niya na babalik siya noong umalis siya para umuwi. Hindi ko maiwasan na hindi mag-alala kaya agad akong nag-message sa kanya sa messenger pero kahit seen ay hindi niya ginawa.

"Ayos ka lang? May nararamdaman ka ba?" ang tanong ni Dada Luke.

"Ah, wala naman po, iniisip ko lang po si Claude, hindi po kasi bumalik today tulad ng sabi niya na babalik siya." ang tugon ko, at tinapik ako ni Dada Arwin sa balikat ko.

"Baka naman may kailangan lang siyang asikasuhin sa bahay nila, tsaka pwede mo naman siya tanungin bukas kapag pumasok ka na, iisang klase lang naman pinapasukan niyo 'di ba?" ang sabi ni Dada Arwin, at napagtanto ko na tama sila kaya nakangiti akong tumango sa kanila at inalis sa isipan ko ang sobrang pag-aalala ko kay Claude. Agad na din akong sumakay sa sasakyan para makauwi na din kami agad at makapagpahinga pa.

Nang malapit na kami sa bahay ay natanaw namin na tila may taong nakatayo sa labas, at habang papalapit kami ay mas naaninag ko kung sino ang nakatayo sa labas ng bahay namin. "Anong ginagawa ni Tadeo dito?" ang bigla kong nasabi.

"Kilala mo siya?" ang tanong ni Dada Luke.

"Opo, pinsan po siya ni Claude." ang agad kong tugon.

Inihinto ni Dada Arwin ang sasakyan sa tapat ni Tadeo at pagkatapos ay agad din akong bumaba ng sasakyan. Pagbaba ko pa lamang ay nakita ko na agad ang pamumugto ng mga mata ni Tadeo at halatang may problema siya sa mga sandaling iyon.

"Tadeo, anong ginagawa mo dito? Malalim na ang gabi, at tsaka bakit parang kagagaling mo lang sa pag-iyak, may problema ba?" ang usisa ko sa kanya.

"Nick, ano kasi eh..." ang hindi niya matuloy na sabihin at napahawak na siya sa kanyang kanang braso na tila pinipigilan nito ang maging emosyonal. Nakababa na din noon sila Dada at tila naghihintay lang din noon sa mga sasabihin ni Tadeo.

"Sabihin mo may nangyari ba kay Claude? Tadeo, please magsalita ka, may nangyari ba kay Claude?" ang tanong ko sa kanya.

"Naglayas si Claude..." ang agad na sinabi ni Tadeo at nakita ko ang pag-agos ng luha niya nang sandaling sabihin niya iyon na para bang nagi-guilty siya sa nangyari.

"Naglayas? Pero bakit? Anong dahilan ni Claude at naglayas siya sa inyo?" ang usisa ko at pilit na ikinakalma ko ang sarili ko dahil mas gusto kong maunawaan ang sitwasyon at ayokong tumalon agad sa isang konklusyon na hindi ko pa naman alam ang tunay na dahilan.

Rain.Boys VIITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon