"Halika na dito."

Agad namang nagsalubong ang kilay ko dahil sa inaasta nila ngayon.

Anong meron sa upuan ko?

"Anong nilagay niyo sa upuan ko ha?" tanong ko sa kanila at agad naman silang nagtaka.

"Ha? Wala naman kaming nilalagay sa upuan mo ah." nagtatakang sabi ni Alex.

"E bakit niyo ako pinapaupo sa upuan ko?" nanunuring tanong ko sa kanila.

"Alangan namang magdamag ka diyang nakatayo?"

"Ano ka? Statue?"

"Di wag. Huwag kang umupo at magdamag kang tumayo diyan."

Pang-aasar nilang sabi kaya inirapan ko na lanang sila.

Mga bwisit!

Agad naman akong naglakad palapit sa upuan ko at nakita ko na nakatingin sila kaya ng makita nilang nakatingin ako ay agad silang nag-iwas ng tingin.

Sinuri ko ang upuan ko at hinawakan na din. Nang walang nangyari ay umupo na ako.

Bumalik na rin sila sa kanya-kanya nilang gawain at ako naman ay nangalumbaba sa aking mesa.

Lumipas ang ilang sandali at pumasok na rin ang hudas kasama ang kanyang asungot. Pati si KN ay pumasok na rin at agad akong binati.

"Good morning, Zouie!" bati niya sa akin at binati ko rin siya.

"Good morning!"

Agad naman siyang umupo sa tabi ko at hinintay naming dumating ang aming prof pero napag-alaman naming may urgent meeting daw sila.

At dahil wala akong magawa ay nagtake a nap na lang ako tutal medyo inaantok ako.

"Yes! Success!"

"Hahahaha!"

Nakarinig ako ng bulungan pero hindi ko na inabala pang tingnan ito dahil tuluyan ng pumikit ang talukap ng mga mata ko.

Nagising ako ng makarinig ako ng mga maiingay na boses at nakita kong malapit na palang magbreak time pero as usual ay wala pa ring prof dito sa loob.

Mag-iinat na sana ako ng aking braso pero hindi ko maalis ang kamay ko sa mesa. Nakarinig ako ng bungisngisan at nakita kong nakatingin sa akin ang mga depungal habang pinipigilang tumawa.

Doon ko lang napagtanto na kaya pala ganoon na lang ang asta nila kanina ay dahil may ginawa silang katarantaduhan.

Bakit ba ako umasa na maayos na? Mga bwisit!

"Putangina niyo! Alisin niyo ito!" sigaw ko sa kanila at mas lalong lumakas ang tawa nila.

"Can you tone down your voice?" inis na sabi sa akin ng hudas pero inirapan ko lang siya.

"Manahimik ka na lang diyan, Hudas!" inis kong sabi at binalingan ulit ang mga kaklase ko.

"Alisin niyo ito sabi!" sigaw ko pero umiling lang ang mga animal.

Hades Academy ( Completed )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon