Kung hindi ko lang bitbit si Jema ngayon, kanina ko pa sila nabatukan.

Ang dudumi ng utak e!

Habang papunta kami sa kwarto nila, mas sinisiksik pa ni Jema ang sarili sa leeg ko.

"You okay?" I asked her.

"Mm-hmm." She just hummed as an answer.

Pagdating sa kwarto, ibababa ko na sana siya sa bed niya pero mas hinigpitan pa niya ang pagkakakapit sakin kaya medyo natawa ako.

"Hey, you need to rest. Let me take you down." I told her but she shook her head.

"Can we just stay like this?" She asked like she's a five year old child and I can sense that she's pouting.

Hindi ako agad nakasagot at nakatitig lang ako sa kanya.

"L-like this? Mahihirapan ka lang kung ganito ang pwesto natin hanggang mamaya Jema. Mas okay pa dyan sa bed. It's more comfortable." Sabi ko sa kanya kaya lumuwag na ang pagkakahawak niya sakin at kusa siyang humiga sa bed. "Ayaw mo bang magpalit muna? Baka lamigin at magkasakit ka pa." Tanong ko pa.

Tumingin muna siya sakin bago sumandal sa headboard ng kama niya.

"Okay but can you get my clothes for me? I can't feel my body. Nandyan lang naman sa right side yung closet na pinaglalagyan ng mga damit ko." Nanghihina niyang sagot at pilit na ngumiti.

Hindi na ako nag-abalang sumagot at dali-dali pumunta sa closet niya. Nakakita ako ng tie dye hoodie kaya yun agad ang kinuha ko at Adidas jogger pants and of course her undies. Nagdala na rin ako ng towel pampunas niya.

"Here." Inabot ko sa kanya yung mga damit at tinanggap niya naman ang mga ito. "I'll just go outside so you can change your clothes the—"

"No. Just stay here, p-please?" She pleaded.

Did she just did that? She really wants me to stay huh.

"Okay okay. I'll just turn my back." Tumalikod ako at hinayaan ko siyang makapagpalit.

Hindi ako mapakali dahil sa nangyari kanina so I decided to talk.

"Margarett, I just want to say sorry. Hindi ko sinasadyang mahulog ka. I know I became careless." Basag ko sa katahimikan at napayuko naman ako.

"Wala kang kasalanan dun Deans. Actually it's the resort itself. Hindi masyadong ligtas yung sinuot nilang life vest sakin kaya nung nahulog ako, natanggal yun kaya ayun ang nangyari. Don't blame yourself for what happen and besides, you even saved me. Thank you for that." Sunod-sunod niyang sabi habang nagbibihis.

Kahit na halos mawala ang buhay niya kanina, mas pinili niyang umintindi at patawarin ako.

I really love this girl.

"As you say so. Don't worry, babawi ako sayo."

"Lagi naman." Sagot niya sabay tawa.

Yeah. Even though maliit na bagay lang ang nagawa kong mali, babawi pa rin ako sa kanya.

After three minutes, she allowed ne to turn my back. She's already wearing the hoodie and her hair is already dried up.

"Paano ka? Ganyan ka na lang?" Tanong niya habang sinusuri ako.

Umiling ako. "Babalik na ako sa room namin. Doon na lang ako magpapalit atsaka para makapagpahinga ka na."

"No. You're not going anywhere." Seryoso niyang sabi kaya medyo nakaramdam ako ng kaba.

My Immortal Crush  Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang