Napabuntong hininga naman ako. Hindi ko naman siya kayang iwan ng ganito ang kalagayan.

Hindi muna siguro ako papasok ngayon.

Bakit ba hindi na lang magpasalamat ang lalaking ito at nandito ako para tulungan siya. Pasalamat nga siya at nararanasan niya yung ganito dahil ako ay hindi ko man lang naranasang alagaan ako lalo na kapag may sakit ako.

Nakakaawa naman din kung iiwan ko siya dito at konsensya ko pa kung may mangyari sa kanya lalo na't nakita ko na ganito ang kalagayan niya.

Inilapag ko ang bag ko sa isang upuan at agad na hinubad ang coat na suot ko.

Nakita kong nagkumot siya dahil siguro nilalamig siya. Agad akong lumabas para magluto ng soup sa kanya.

Matapos kong maluto ay agad ko itong dinala sa kwarto kasama na rin ang tubig at gamot.

"Vin, kainin mo muna ito oh para mainom mo yung gamot mo." sabi ko pero umungol lang siya.

Pilit niyang idinilat ang mata niya at nang makita niya ako ay nangunot ang noo niya.

"Bakit nandito ka pa? Diba pinaalis na kita?" nanghihina niyang sabi kaya napabuntong hininga na lamang ako.

"Hindi kita kayang iwan ng ganito ang kalagayan mo. Kaya't kainin mo muna ito at para mainom mo na itong gamot mo." sabi ko at medyo umupo siya ng konti. Agad ko naman siyang inalalayan.

"Bakit mo ba ito ginagawa?" takang tanong niya sa akin.

"At bakit hindi ko rin ito pwedeng gawin aber?"

Napaiwas naman siya ng tingin sa akin.

"Bakit mo pa rin ako tinutulungan e isa rin naman ako sa nangbubully sayo." sabi niya.

"Hindi naman kasi ako ganoon kasama para pabayaan ka na lang. Kahit na masama ang ginawa mo sa akin ay hindi ko pa rin maatim na pabayaan ka na lang." simple kong sagot.

Hindi naman na siya nagsalita pa kaya kinuha ko na lang ang soup na ginawa ko.

Hinipan ko ang soup na ginawa ko at isinubo sa kanya. Minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin pero binalewala ko na lamang ito. Matapos ko siyang pakainin ay pinainom ko siya ng gamot.

"Pahinga ka muna. May kukunin lang ako." sabi ko at kinumutan siya.

Tumango naman siya at aalis na sana ako ng pigilan niya ako sa braso. Nagulat pa ako ng dahil sa ginawa niya pero agad naman akong nakabawi.

"Ano yun?" takang tanong ko at pansin ko namang medyo nailang siya. Umiwas pa siya ng tingin bago tumikhim.

"Uhm-t-thank you nga pala a-at s-sorry din s-sa ginawa ko." naiilang niyang sabi kaya napangiti ako.

"Ayus lang. Pagaling ka na." sabi ko at tumango naman siya. Pinikit na rin niya ang kanyang mata.

Agad kong inilabas ang pinagkainan niya at agad na naghanap ng basin at towel. Nang makakita ako ay agad akong bumalik sa kwarto at pinunasan siya.

Pinagpapawisan siya kaya kahit nakakailang ay binihisan ko siya ng pantaas at pinagpatuloy ang pagpupunas.

Nang mapansin kong bumaba na ang lagnat niya ay nag-iwan ako ng note at lumabas na. Medyo maghahapon na rin kasi.

Uwian na ngayon kaya sa dorm na ako dumiretso at naabutan ko roon si Ysa.

"Saan ka galing?" agad niyang tanong sa akin.

Tumikhim muna ako bago nagsalita.

"May inalagaang may sakit lang." simple kong sagot kay agad na kumunot ang noo niya. Pero bago siya makapagtanong ay agad akong nagpaalam na papasok na ako ng aking kwarto.

"Pasok muna ako." sabi ko at tumango naman siya.

Agad akong naghalf bath bago matulog.

Masyado akong napagod ngayon.

To be continued...

Hades Academy ( Completed )Where stories live. Discover now