Chapter 16

489 109 2
                                    

Marien

"Basta bukas ako uuwi. Mag ingat kayo dyan ha? Huwag puro cellphone, maya maya matulog na kayo. Gumising ka ng maaga bukas at ipagluto mo si papa. O sige, bye" Nang marinig kong binaba na niya ang tawag ay agad kong tinignan ang cellphone ko bago ito ipinasok sa bulsa ko. Tinawagan ko ang kapatid kong si Rys at nagpaalam sa kaniya na bukas pa ako uuwi, naitext ko na rin si papa at nagpaalam sa kaniya kaya wala na akong ikinabahala

Dapat ay kanina pa kami nakaalis pauwi, kaso nagpumilit itong madilta kong kaibigan na sumali raw kami sa Collins party na gaganapin mamaya, nagyaya rin kasi iyong si Hans kaya nang malaman ng malditang si Emay ay agad nagmakaawa sa aming tatlo. Pero hindi na kailangan dahil gustong gusto naman ng dalawang lalaki na uminom ngayon lalo na't ililibre pa sila ni Hans slash Cole, ewan.. di ko pa alam kung ano talaga yung name niya

"Excited na ako! Geez kamiss uminom!" Tili niya at nauna nang pumasok pagkabukas ko ng room namin. May dala naman kaming tent pero mas pinili kong mag check in kami dahil alam kong lasing na lasing mamaya si Emay, batid ko ay may kilala siya rito at alam kong magkakaroon din siya mamaya ng maraming kaibigan. Ang dalawang lalaki  ay nag check in rin, kaso nasa dulo rin yung room nila kaya malayo sa amin. Siguro mga 14 rooms ang agwat namin sa kanila

Pagpasok ko ay agad kong ini-lock ang pintuan bago nilapag ang bag ko sa maliit na sofa katabi lang ng pinto, tumingin ako sa palibot at nasabi ko kaagad na simple lang itong room na kinuha namin. Nasa dulo ang queen size bed at kaharap nito ay isang flat screen tv, siguro mga 32 inches lang ito, ang closet ay katabi lang ng kama habang ang cr naman ay malapit lang sa pintuan katapat nito ang isang glass table na may dalawang upuan. Kulay beige and brown ang kulay ng walls habang gray, black and white naman ang mga furnitures.

"Sumbong kaya kita kay lola onang paguwi natin" Nagbibiro kong sabi. Umirap naman kaagad siya sa akin at agad na pumasok sa cr habang dala dala ang kaniyang towel

"Alam mo namang mas malala pa iyon sa akin pag dating sa inuman" Natatawang sigaw niya saka sinarado kaagad ang pintuan. Napailing nalang ako nang maisip kung saan talaga siya nagmana

Pagkaupo ko sa sofa ay agad kong binuksan ang bag ko para kumuha ng susuotin mamaya, buti nalang ay may mga extra pa akong damit na dinala pero lahat ng iyon ay pang beach talaga. Pinili ko nalang 'yung v neck  floral dress na kulay yellow na hanggang taas ng tuhod at pinaresan ng kulay brown na leather shirt na crop top. Ito sana ang susuotin ko pauwi pero dahil hindi naman matutuloy ay ipagparty ko nalang. Ilang minuto pa akong nakaupo roon nang bumukas ang pinto ng cr, pagkalabas niya ay agad akong pumasok dala dala ang tuwalya ko, hindi naman ako maliligo kasi nakaligo na ako kanina kaya half bath nalang.

Pagkalabas ko ay nakabihis na siya at tinutuyo ang kaniyang buhok habang nakaharap sa pahabang salamin katabi ng sofa, napatingin naman ako sa cellphone ko at tinignan ang oras, nang makitang malapit na palang mag alas 7 ay agad akong nagbihis at dinalian lahat ng galaw ko. Pagkatapos kong magbihis ay pumunta ako sa harap ng salamin at pinusod sa dalawa ang aking buhok, ngumiti ako sa sarili kong repleksyon bago kinuha ang aking cellphone.

"Oh liptint, ang putla mo para kang may cancer" Natawa niyang sabi sabay lapag ng liptint sa mesa, kinuha ko naman kaagad iyon at humarap ulit sa salamin. Nakita ko kaagad ang sarili ko at napansing maputla pala talaga ako, eh paano ba kasi at pulbo lang ang dala ko nakalimutan ko 'yung liptint ko sa bahay hindi ko naman talaga ginagamit iyon dahil sabi ni mama noon ay nakakasira raw iyon ng labi kaya nasanay akong minsan lang gamitin iyon.

Nang naayos ko na ang sarili ko ay binalik ko na ang liptint niya pero tinaggihan niya ito at sinabihan akong ilagay ko nalang daw sa sling bag ko ginawa ko naman kaagad iyon at pinasok din ang cellphone at susi ng room. Meron din naman siyang spare key kaya inilagay niya na ito sa bulsa ng maong shorts niya bago pinatay ang mga ilaw at tuluyang isinara ang pinto ng room.

Casquiera Series #1:Sands Of Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon