Chapter 6

697 138 7
                                    

Marien

Unknown:

I'm home :)

1:23pm

Alas 8 na ng gabi nang mabasa ko ang isang text. Napaisip naman ako na si Archi iyon ngunit tinanong ko muna.

To:

Who's this?

8:46pm

Agad kong pinindot ang send. Naghintay ako ng ilang minuto bago ko natanggap ang reply

Unknown:

It's Archi :(

8:47pm

Natawa naman ako sa emoji na sinend niya, linagay ko rin siya sa contacts ko bago nagreply.

To: ARCHItect

Sorry. Ngayon ko lang napansin

8:47pm

Iyon ang huling text ko sa kaniya. Noong araw din yun ay ang huli naming pagkikita. Hindi ko na siya nakita pa nitong mga nakaraang araw dahil siguro busy rin siya sa parating na midterms nila.

"Matagal pa ba yan?" Bored na tanong ni Aki habang nakasobsob ang kaniyang itsura sa lamesa ng gazebo.

Si Emay naman ngayon ang wala, siguro kasama si Yohan o nag aaral para rin sa midterms.

"Pwede ka nang umalis kung gusto mo" sabi ko habang gumagawa ng notes upang mapadali ang pagaaral ko

"Ayoko nga" Masungit niyang sabi.

"So ano.. tutunganga ka lang dyan? Mag aral ka oi" Tinusok ko siya ng ballpen sa noo kaya napaayos siya ng upo. Bumelat muna siya sa akin bago linabas ang mga notes niya. Walang gana niyang binabasa iyon ngunit hinayaan ko nalang siya hanggang sa makatulog siya.

Ginising ko siya bandang alas 12 dahil lunch na. Tumungo kaagad kami sa cafeteria, naroon na si Emay sa pwesto na palagi naming inuupuan wala siyang kasama doon kaya pagkaupo ko sa tabi niya ay tinanong ko kaagad siya

"Jowa mo?" Tanong ko sa kaniya nang di lumilingon. Tumayo na rin si Aki upang bilhin ang aming lunch at naiwan kaming dalawa.

"Nag-aaral. Next week narin midterms nila eh" Sabi niya bago bumuntong hininga. Tumango nalang ako, agad namang pumasok sa isip ko si Archi. Dinukot ko ang cellphone ko mula sa aking bulsa at agad na tinignan ang messages.

From:ARCHItect

Goodnight

Sunday 9:15pm

From:ARCHItect

Hey

Monday 11:00am

From:ARCHITect

Goodluck on your exam next week!

Wednesday 7:04am

Gulat na gulat ako habang paulit ulit na binabasa ang tatlo niyang messages. Hindi ko napansin ang messages niya nitong mga nakaraang araw dahil tutok na tutok ako sa pag-aaral.

Agad naman akong nag tipa ngunit nagdalawang isip muna bago ito sinend. Kagat labi ako habang hinihintay ang kaniyang reply hanggang sa tumunog ang aking cellphone at lihim akong napangiti sa nakita.

To:ARCHItect

Salamat. Goodluck din!

12:18pm

Casquiera Series #1:Sands Of Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon