Chapter 20

439 75 8
                                    

Marien

"Dinuguan, eh ikaw?" sagot ko sa tanong niya habang nakatutok pa rin sa pags-slice ng radish sa gilid ng lababo. Nakatalikod ako sa kaniya dahil nasa island counter siya at nakaupo sa stool habang pinapanood akong nagluluto

"Anything that doesn't have carrots" narinig ko siyang napatawa ng mahina kaya napalingon ako sa kaniya at napangisi rin

"Ayaw na ayaw mo talaga sa carrots no?" Tanong ko at ipinagpatuloy ang ginagawa. Umalis ako saglit at lumapit sa stove para tignan ang linuluto kong ulam namin para mamaya, nang makitang malapit na iyong maluto ay pinahinaan ko ng konti ang apoy at bumalik sa ginagawa ko kanina

Nasa bahay ako ngayon nila, wala kasi si tita Adele kaya inaya niya akong samahan muna siya dito, wala rin naman akong magawa sa bahay kaya agad akong pumayag at pumunta rito. Ngayon lang din kami nagkita ulit kasi pagkatapos ng araw ng pasko, umalis sila at pumunta ng probinsya para doon magcelebrate ng bagong taon kasama ang iba niyang kapamilya sa side ni tita Adele. Noong isang araw lang sila umuwi, pagkatapos ng araw ng bagong taon

"I hate the taste and.. it's looks" Bahid sa tono ng kaniyang boses ang pandidiri kaya napangisi ulit ako. Hinalo ko ang kamatis, bombay at radish pagkatapos ko itong ilagay lahat sa bowl, pagkatapos ay linagyan ko ng konting asin at dalawang kutsarang suka, hinalo ko ulit ito at nang matikman ay tinakpan ko ito ng pinggan at inilagay sa island counter sa harap ni Archi. Ngumisi ako sa kaniya nang mahagip siya ng aking paningin

"Malapit na 'tong matapos, konting hintay nalang kakain na tayo" Tinapunan ko siya ng tingin at ngiti

"Nagugutom na ako, Ri" Bahid sa kaniyang boses ang pananabik. Nang bumaling ako sa kaniya ay nakapatong na ang kaniyang ulo sa island counter at ang mukha niya ay nakaharap sa bintana. Naramdaman niya sigurong nakatingin ako kaya umangat siya ng tingin sa akin kasabay ng pagkunot ng kaniyang noo

"Tikman mo nga" Sabi ko. Lumiwanag naman kaagad ang kaniyang mukha at nagmamadaling umalis sa kinauupan na parang bata. Kinuha niya ang kutsara mula sa kamay ko nang makalapit at agad tinikman ang linuto ko. Nakatingala ako sa kaniya habang siya naman ay nakatayo sa likod ko, tuluyan akong humarap sa kaniya nang tumingin siya sa akin at lumawak ang kaniyang ngiti

"Pwede na.." Aniya. Kumunot naman ang noo ko sa sinabi niya

"Pwede na sa ano?" Tanong ko

"Pwede na mag asawa" Nakangisi niyang sabi. Tinampal ko naman ang kaniyang braso sabay tulak sa kaniya papalayo sa akin, ito talaga kung ano-ano sinasabi. Umalis naman kaagad siya habang nakangisi parin at sinimulang ihanda ang mga plato at baso sa mesa

Nang tuluyan nang maluto ay pinatay ko kaagad ang apoy, kumuha ako ng pot holder at binuhat ito at pinatong sa kahoy na pabilog para hindi umitim ang mesa, nasa mesa na rin ang rice cooker kaya umupo kaagad ako at ganun din siya. Pagkaupong-pagkaupo ko ay napatingin ako kaagad sa kaniya nang lagyan niya ng kanin ang aking plato, napangiti naman ako sa ginawa niya at pinanood lang siya hanggang sa lagyan niya ng ulam ang aking plato

"Kain ka na" Nakangiti niyang sabi bago kumuha ng sarili niyang kanin at ulam. Ilang sandali ko siyang pinanood bago sumubo.

Alam kong kanina pa siya nagugutom pero inuna pa talaga niya ako, na ikinagulat ko naman. Hindi ako sanay sa mga ginagawa niya sakin ngayon, una iyong mga sweet gestures niya, palagi niya akong nginingitian, palagi ko rin siyang nahuhuling nakatingin saakin at yung hindi ko talaga makakalimutan yung mga pag halik niya sa noo ko! Minsan napapaisip ako kung nagpapakita ba siya ng motibo o ganiyan lang talaga siya. Ganiyan din kaya siya sa mga kaibigan niyang babae? Nasaktan ako sa isiping iyon,pero mukhang wala naman siyang mga kaibigang babae, hindi ko alam wala naman siyang pinapakilalang mga kaibigan niya sa akin. Baka 'KA-IBIGANG' babae..

Casquiera Series #1:Sands Of Time Where stories live. Discover now