Chapter 19

398 75 4
                                    

Marien

"You were so little the last time I saw you but.. look at you now! Such a beautiful young lady, just like your mom" Ani tita Leslie. Napangiti naman ako nang marinig ang papuring iyon galing sa kaniya, napatingin naman ako kay papa nang dumukwang siya palapit para makita ang mukha niya sa cp, nagvi-video call kasi kami. Nasa ibang bansa kasi si tita Leslie, doon na sila nanirahan ng kaniyang pamilya at ngayon lang din kami nakapagvideo call

"Sakin nagmana yan! Oh tignan mo ilong niya, bartolome na bartolome talaga a no?" Natatawang tanong ni papa. Natawa rin si tita Leslie at may kung ano ano pang sinabi kay papa, mukhang mahaba ang paguusapan nila kaya binigigay ko nalang muna itong cellphone ko kay papa bago bumalik sa kwarto ko

"Oh bakit nandito ka pa?" Nagtatakang tanong ko pagkapasok ko ng kwarto. Nadatnan ko si Emay, na nakaupo lang sa kama ko habang nakatingin sa kawalan. Nakasuot na rin siya ng attire niyang glittering satin dress na kulay red, hanggang gitna ng hita niya ang taas 'non kaya sexy ang dating, nakalugay lang din ang buhok niyang hanggang dibdib, kulay blood red naman ang lipstick niya at fierce ang make up niya kaya mas lalong bumagay ang kaniyang dress sa kaniya, pinaresan pa ng kulay black na kitten heel.

"Maayos naman ang damit ko di'ba?" Kinakabahan tanong niya, binalewala ang aking sinabi. Tumayo kaagad siya at hinarap ang sarili sa salamin, inayos-ayos pa ang damit na akala mo naman ay maraming gusot

"Maayos naman, bakit?" Kumunot ang aking noo ng umupo siya ulit sa kama, hindi pa ako nakapagsalita ay tumayo kaagad siya at naglakad ng pabalik balik, galing sa kama papunta sa pinto ng cr pagkatapos ay babalik na naman sa kama at babalik na naman sa cr

"Anong ginagawa mo? Nahihilo ako sa ginagawa mo eh" Hinila ko siya paupo kaya napatingin siya sa akin

"Nag-aalala lang ako na baka.. na baka hindi magustuhan ni Yohan itong damit ko. Nag effort talaga akong humanap ng ganito kamahal at kagandang damit sa shein, please sabihin mong maganda!" Pagmamakaawa niya. Nasapo ko naman ang aking noo, iyon lang naman pala ang problema niya pinakaba pa ako

"Psh! Parang yan lang, pero first time mong na aware sa pananamit mo ah" Pang aasar ko sa kaniya. Napairap naman siya bago tumingin sa akin pababa sa damit ko

Nakasuot ako ng army green na cropped top puff sleeve, naka tuck-in sa white skirt na hanggang gitna ng hita ang taas at white plain air force na sapatos, nakasuot din ako ng necklace na may maliit na kulay gold na heart shaped sa gitna at nilagyan ko nalang din ng ipit na may mga diamond ang aking buhok

"Parang mas gusto ko ng ganyang suot" Naiiyak niyang sabi sabay ngumuso, napairap nalang ako at inaya siyang bumaba nagpaubaya naman siya nang hilain ko siya at parang pranning na panay ayos sa kaniyang suot

"Nak yung bisita mo!"

Agad akong dumeretso sa sala pagkababa ko at bumungad sa akin si Archi, nakatayo lang sa gilid ng sofa habang nakapasok sa magkabilang bulsa ng kaniyang slacks ang kaniyang mga kamay. Namamangha kong sinuri ang damit niya, nakasuot siya ng gray slacks, army green turtle neck sa loob at sinapawan iyon ng no button black coat na hanggang tuhod ang taas. Napasinghap ako nang sinuklay niya patalikod ang kaniyang buhok, mas lalo siyang gumawapo at nagmukha siyang pormal

"Ikaw na bahala dyan sa bisita mo ah?" Paalala ni papa sakin, tumango naman ako bilang sagot "..at ikaw tandaan mo ang sinabi ko" dinuro niya si Archi bago umalis at sinalubong ang mga kaibigan nito sa trabaho

"Anong sinabi sayo ni papa?" tanong ko sa kaniya

"It's a man to man talk, Ri" Nakangisi niyang sabi, nagtaka naman ako baka kung ano ano na naman ang sinabi ni papa sa kaniya pero nawala naman kaagad iyon sa isip ko at iginiya siya papuntang kusina para mag snacks

Casquiera Series #1:Sands Of Time Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon