CHAPTER XVIII: This Shall Pass

Start from the beginning
                                    

Tumayo siya mula sa pagkakaupo at saka hinawakan ako sa balikat. Nakangiti siya sa akin. Bakas sa mukha niya ang isang taong mapagkakatiwalaan na lubos ko ngayong pinagtataka. Hindi ako sanay na makita siyang ganyan. Madalas kasi ay panggagagong mukha lang ang nakikita ko sa kanya.

"Pumunta ka. Ako na ang nagsasabi sa 'yong pumunta ka," utos niya sa akin.

Napailing na lang ako at saka bahagyang nangiti. "Hindi ko pa 'ata talaga kaya. Nagdadalawang-isip pa ako. Ibig sabihin, ipapahiya ko lang ang sarili ko sa harapan niya," sagot ko.

"Ang tanong. Siya ba ang pinunta mo roon?" tanong niya.

Umiling ako bilang tugon.

"'Yun naman pala, e. Maliit ang mundo para hindi kayo magkita sa kahit anong lugar. Itong event na 'to, minsan lang 'to sa buhay mo kaya um-attend ka. Magkakaroon talaga ng pagkakataon na magtatagpo pa rin ang landas niyo. Hindi lang ito ang una," paliwanag niya.

"Bakit sa mga ganitong bagay, magaling ka? Kahit na ganyan ka, mapagkakatiwalaan ka pa rin pala talaga," natatawa kong sabi.

Mahinang binatukan niya ako sa ulo. "Gago! Hamak na mas matanda naman ako sa 'yo kaya mas may alam ako sa 'yo. Papunta ka pa lang, pabalik na ako."

Nangunot ako ng noo dahil sa turan niya. "Eh, 'di ba, tatlong taon lang naman ang agwat natin? Sa ibang experience ka 'ata lamang sa akin."

Muli, binatukan niya ako sa ulo. "Siraulo ka, ah! Nakakadami ka na, ah!"

"Sa tingin mo ba? Sa dami ng nakaka-sex kong matatanda, hindi nila ako pinangangaralan? Sa tuwing naaalala ko tuloy kung paano nila ako pagsabihan habang nagse-sex kami, kinikilabutan ako. Alam mo ba 'yung para kang nakikipag-sex sa magulang mo?!" nandidiri niyang sabi at mabilis na iwinawaksi ang naiisip.

"Eh, sila naman kasi ang tipo mo. Ayaw mong maghanap ng halos kaedad mo lang," payo ko sa kanya.

Walang anu-ano'y lumapat muli ang kamay niya sa ulo ko. "Ano bang problema mo?! Bigla ka na lang nambabatok!" sigaw ko.

"Syempre kailangan ko ng pera. Sa tingin mo ba, ang mga taong halos kaedad ko lang, kaya ng tustusan ang pangangailangan ko? Mag-isip ka nga. Ano pang dahilan at naghanap ako ng halos dekada ang agwat sa akin kung kaya naman pala akong tustusan ng kaedad lang natin?" aniya.

Napatango na lang ako sa ideya. Sa tinagal-tagal ko na rin pala sa ganito, wala akong nakasiping na malapit sa edad ko. Madalas ay mga sampung taon na ang agwat sa akin. Tutal, sila naman 'yung tipong kayang magbayad ng kaunting aliw.

"Sabagay. Puro ka nga pala sugar daddy," pagsang-ayon ko na lang.

"Sa totoo n'yan, nagsimula lang din naman ako sa mga kaedad ko lang. Pero napagtanto ko lang din na hindi pala magtatagal ang gano'n. Ang mga tulad natin, masyadong ambisyoso. Kung hindi ambisyoso, praktikal. Porket mga nagsisimula pa lang kaya hindi kayang gumastos para sa aliw," mapait niyang sabi.

"Kaya ba kayo naghiwalay ng una mong boyfriend?" tanong ko.

Naalala ko kasing bago pa ako tumira rito, may kinakasama na siyang halos kaedaran lang niya. Hindi niya sa akin nakwento ang buong detalye kaya hindi na rin ako nag-abalang mangialam pa.

"Sino ba naman kasi ang gustong makasama ako na tanging katawan lang ang kayang ibigay? Nakakatawa, 'di ba?"

Nakatunganga lang ako, naghihintay sa karugtong ng kanyang kwento. Lahat siguro ng tao ay mayroong kwento ng nakaraan na naging malaking bagay sa kasalukuyang sila.

"Graduate kasi siya, e. So may trabaho, may pangarap. Tapos ako, tambay. Puro gimmick. Pariwara nga kung ilarawan niya. Pero isipin mo 'yun, siya lang din kasi ang bumubuhay sa aming dalawa kasi ang tanging nagagawa ko lang ay paligayahin siya. Ang tanga ko lang mag-isip na akala ko, ako lang ang may kayang gumawa no'n," huminga siya nang malalim.

Pansin ko ang pagtiim ng kanyang bagang, hudyat na nagpipigil siya sa pag-iyak.

"Naghanap siya ng iba. Ano'ng laban ko roon kung 'yun may trabaho at kayang gawin ang ginagawa ko, 'di ba? Doon lang ako magaling, e. Kaso kaya rin pala ng iba," mariin niyang sabi.

Tinapik ko siya sa balikat. "Okay lang 'yan. Bata ka pa rin kasi," balik ko sa kanya ng mga sinabi niya kanina.

"Bakit ba kasi napunta sa akin ang topic? 'Di ba, tungkol sa inyo ni Henry ang pinag-uusapan natin?"

Nagkibit-balikat na lang ako. "Aba malay ko! Bigla ka na lang nagdrama r'yan tungkol sa buhay mo. Ako lang naman 'tong nakikinig sa mga kwento mo," dahilan ko.

"Pero sinasabi ko sa 'yo, pumunta ka sa party niyo. Huwag mo munang isipin kung sino ang makikita at makakusap mo roon. Isipin mo lang na nandoon ka para magsaya, okay?"

Tumango ako bilang tugon. Ngayon, ang gusto ko na lang ay matapos ang linggong ito.

Pleasure For Hire (BoyXBoy)Where stories live. Discover now