CHAPTER XIX: The Party

988 26 9
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHAPTER XIX: The Party


          Semi-casual ang dress code nang gabing iyon. Suot ang mga damit na pinahiram sa akin ni Emil, mabilis na hinanap ng mga mata ko sina Arjay at Peter.

"Nasaan na ba 'yung mga 'yun? Ang sabi ko naman sa kanila, huwag nila akong iiwan, e," bulong ko sa sarili. Pailing-iling lang ako hang hinahanap sila. Ang mga pasaway na 'yun, ang hirap hanapin. Kanina pa rin ako nasasakal sa suot kong ito. Hindi naman kasi ako sanay sa ganitong mga suot lalo na't hindi naman bagay sa akin.

Unti-unti nang kumakapal ang dami ng tao. Kasabay no'n ay ang paglakas ng mga ingay dahil sa tugtugan at kwentuhan ng mga dumalo. Hindi pa rin talaga ako sanay sa ganitong okasyon. Mabuti pa talaga ay umuwi na lang ako kung hindi lang din magpapakita 'yung dalawang 'yun.

"There you are," bati sa akin ng isang lalaki na halos katangkaran ko lang rin. Naka-coat siya ng itim habang naka-long-sleeve ng puti na binagayan ng itim na ribbon.

Napakunot lang ako ng noo dahil sa pagtataka. Kilala ko ba 'tong tao? Naging kliyente ko na ba 'to? Sa tanda ko, hindi naman dahil namimili naman ako kung sino ang parokyano ko.

"Mukhang nagkakamali ka 'ata. Hindi kasi kita kilala. Saka pauwi na rin kasi ako. Maiwan na muna kita," nakangisi kong sabi at saka akmang uuwi na.

"Pauwi?" pagtataka niya at saka nangunot ang noo. Tumango lang ako. "Eh, hindi pa nga nag-uumpisa ang party, uuwi ka na kaagad. Halika, sumama ka sa akin. Ipinasuyo ka rin kasi ng kaibigan ko," paliwanag niya.

Lalo akong nagtaka sa turan niya. Sa huling tanda ko, dalawa lang ang naging kaibigan ko rito. At kung hindi ako nagkakamali, ako lang din ang kaibigan nila. At hindi rin sila makikipagkaibigan sa hindi nila ka-level.

"Wait. Sino bang kaibigan 'yan? At bakit naman ako sasama sa 'yo? Eh, hindi nga kita kilala," tanong ko dala ng pagtataka.

Hinablot niya bigla ang kamay ko at saka ako hinila sa gitna ng maraming tao.

"Huwag ka nang maraming tanong pa. Basta sumama ka na lang sa akin," aniya at saka ngumiti nang malapad.

"Kung babayaran mo ba naman ako, okay lang," bulong ko sa sarili.

"May sinasabi ka ba?" pagtataka niya.

Ngumiti lang ako sa kanya habang umiiling.

Kaya ko namang pigilan siya pero may kung ano sa akin na gustong malaman kung sino ang tinutukoy niyang tao. Minabuti ko na lang ding sundan siya dahil sa wala rin naman akong ibang gagawin dito kung hindi ko makikita 'yung dalawa.

"Saan mo ba ako dadalhin? At saka hindi mo pa sinasagot ang tanong ko sa 'yo. Sino ba 'yang kaibigan na tinutukoy mo?" pangungulit ko.

Nagpatuloy lang siya paglalakad habang hindi sinasagot ang mga tanong ko. Bingi ba ito? O deadma lang sa tanong ko?

Pleasure For Hire (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon