CHAPTER IX: What Is Your Intention?

1.6K 46 14
                                    


Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


CHAPTER IX: What Is Your Intention?


          "MA! NASAAN KA, MA?!" sigaw ko sa gitna ng kawalan. Iginala ko ang tingin ko pero wala akong makita. Umuugong lang ang mga sigaw ko sa hindi ko malamang distansya. Marahil ay sa hanggang kawalan.

Mugto na ang mga mata ko sa kaiiyak. Hindi ako sanay maiwang mag-isa. Ni anino ng taong maaari kong malapitan ay hindi ko makita. Gusto kong kumapit kahit kanino dahil natatatakot na ako.

Nangangamba at tuliro.

Nasaan ba ako? Bakit parang ako lang mag-isa?

Mayamaya lang ay nakarinig ako ng mga yabag ng paa. Dumadagundong iyon sa tuwing iaapak nila sa lupa. Nakakagitla kung tutuusin dahil sa bigat ng kanilang paglalakad.

"Sumama ka sa amin, Michael," rinig kong sambit nila sa gitna ng kawalan. Hinanap ko kung kanino ang boses na iyon pero wala akong makita.

Nagsunod-sunod ang pagtawag nila sa ngalan ko. Bumibilis at lumalakas ang bawat bigkas nila. Nakakarindi sa tainga. Tila pinupunit nito ang kaloob-looban ko dahil sa lakas.

Hawak-hawak ang magkabilang tainga, napaluhod ako sa kirot. Parang nanunuot hanggang sa utak ko ang mga bigkas nila.

Ayokong sumama. Hindi ko sila kilala.

"Lubayan niyo ako! Umalis na kayo!" galit kong sabi.

"Ma! Tulungan mo ako." Muli, bumagsak ang mga luha ko. Nakaramdam ako ng takot sa pag-iisa. Hindi ako sigurado sa sarili kong seguridad dahil ako lang mag-isa. Walang handang tumulong.

"Ano bang ginawa ko sa inyo?! Iwanan niyo na ako!" pagsusumamo ko. Pero sa tuwing nakakaramdam ako ng takot, lalo silang nagpupursigi. Tila ikinatutuwa nila ang panginginig ng katawan ko.

"Umalis na kayo!" sigaw kong muli at saka napatayo.

Nagdilat ako ng mga mata. Muli kong iginala ang aking tingin at natagpuan ang sarili sa isang kwarto. Medyo madilim ang kwarto dahil sa iisang ilaw lang ang nakabukas.

Gabi na. Hinawakan ko ang mga mata ko. May mga kapirasong butil ng luha na marahil ay dahil sa nangyari kanina.

Panaginip? Oo. 'Yun na naman. Bumabalik na naman ang lahat. Hinahabol ako ng mga kasalanan ko hanggang sa panaginip. Nilulunod nila ako sa takot hanggang sa hindi ko na kayang makaahon.

Napahawak ako sa ulo ko. "Oh shit!" bulalas ko nang makabalik sa ulirat. "Patay ako. 'Yung shift ko pala. Anong oras na?!" natataranta kong sabi.

"Gising ka na pala," ani ng lalaking biglang sumulpot sa harapan ko. Tiningnan ko siya sa mukha at agad na nabigla nang makilala kung sino siya.

"Dan? B-Bakit nandito ka?" nahihiyang tanong ko.

"Nawalan ka ng malay kanina habang papunta sa library. Luckily, nakasalubong ka namin ng classmates ko bago ka tumumba kaya dinala ka na rin namin dito sa nurse station," paliwanag niya.

Doon ko lang napagtanto kung nasaan ako. Siguro sa sobrang sama na ng pakiramdam ko kanina, tuluyan nang bumigay ang katawan ko. Hindi pa rin gano'n kalinaw ang pagproseso ko sa paligid pero sapat na rin ang naipon kong lakas para makauwi.

"Don't push yourself. Magpahinga ka lang muna. Hindi ka naman sisingilin ng school sa pag-stay mo dito," suhestyon niya nang akma ko nang kukunin ang bag ko.

"Hindi mo naiintindihan. Kailangan kong –"

"Don't worry. I already called Jeff na hindi ka makakarating sa duty mo dahil nasa nurse station ka. Nasabi ko na rin kung ano ang nangyari sa 'yo. Sinabi naman niyang magpahinga ka lang dahil may iba namang pwedeng sumalo sa shift mo," singit niya kaya hindi ko na rin nagawang tapusin ang sasabihin ko.

Nakatayo lang siya sa harapan ko, pinagmamasdan ako. Wala siyang ibang ginagawa pero hindi ako mapakali sa tuwing tititigan niya ako. Parang may kung ano sa kanyang mga tingin na nag-aalangan ako na kumilos sa harapan niya.

"Salamat," maikling sambit ko. Hindi ko rin sigurado kung ano bang dapat kong sabihin sa harapan niya. Wala naman akong perang pwedeng ialok sa kanya para sa ginawa niyang tulong.

"You're welcome," sagot niya.

Sa tuwing nanakaw ako ng tingin sa kanya, hindi niya inaalis ang mga mata niya sa akin. Lalo tuloy akong hindi makakilos nang maayos dahil sa kanya.

"Ahm, pwede ka na palang umuwi. Kaya ko na 'to," wika ko.

"No."

"Ano?"

"I said no. Dito lang ako. Hindi ka pa ganoon kaayos. Baka ako pa ang masisi kapag nagkataong bumagsak ka ulit sa daan. Kinausap ko na rin naman ang nurse na ako na ang bahala sa 'yo. May pagkain akong binili kanina. Kumain ka na muna. Sabi sa akin ng nurse, baka dahil daw sa gutom kaya ka nahimatay. Okay ka naman kasi nang i-check ka niya kanina," aniya.

"Thank you pero sa bahay na siguro ako kakain," pagtanggi ko.

"Is this how you say thank you sa taong tumulong sa 'yo?" mariing sabi niya at saka ngumisi.

Napabuntong-hininga ako. "Okay. Hindi ko hinihingi ang tulong mo in the first place. Kaya kung humihingi ka ngayon ng utang na loob, sorry. Mali ka ng taong tinulungan. Hindi ko kailangan ng tulong," iritable kong sagot.

Tumayo ako pero ramdam ko pa rin ang pangingirot ng ulo ko. Sinabayan pa ng pananakit ng tiyan ko dahil marahil sa matinding gutom.

"Kaya siguro hindi ka sumama sa group study namin dahil sanay kang hindi humihingi ng tulong," wika niya na tila nanghuhuli.

Ngumisi ako sa turan niya. "Ibang bagay 'yun. Wala 'yung kinalaman dito," giit ko.

Napakamot siya ng ulo. "Oh, siya! Kumain ka na muna," aniya at saka hinarang sa mukha ko ang isang supot ng pagkain. "Hindi kita sisingilin kung kakainin mo 'yan. Remember, tao ka. Nagugutom din. Hindi ko pa nababawasan 'yan."

Huminga ako nang malalim at naiilang na inabot ang supot. Puro sandwich ang laman no'n na binili sa kilalang convenience store. Nang pagmasdan ko, saka ko lang naramdaman ang naghihingalo kong tiyan.

Kumuha ako ng isa at saka ibinalik sa kanya ang supot. "Kumain ka rin muna. Baka hindi ka pa nagdi-dinner," pag-aalok ko.

Ngumiti siya at inabot mula sa kamay ko ang mga pagkain. Kumuha siya ng upuan at naupo sa tapat ko habang kapwa kami kumakain. Nakalihis lang ang tingin ko sa pader para hindi ko mapansing nakatingin siya sa akin.

"Baka mabulunan ka n'yan," aniya at saka inabot ang bote ng tubig. Napansin niya sigurong hindi normal ang bawat pagnguya ko sa pagkain. Gusto ko na kasing matapos ito nang makauwi na.

"Thank you," maikli kong sabi at saka nilagok ang inumin.

"Huwag kang mahiya sa akin."

Napakunot ako ng noo. "Bakit mo ba ginagawa 'to sa akin? Hindi naman tayo magkaano-ano? Kung sa iba kasi, paniguradong iniwan na nila ako matapos akong dalhin sa nurse station," pagtataka ko.

"Kasi gusto kita," aniya at saka ngumiti.  

Pleasure For Hire (BoyXBoy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon