opinion ko sa pag-ibig thingy !

376 4 0
                                    

OPINION KO SA PAG-IBIG

Paano ba malalaman kung mahal mo na yung isang tao? Mahal mo na ba siya kung hindi nabubuo ang araw mo kung hindi mo siya nakikita? Mahal mo na ba siya kung masaya ka sa tuwing nakakausap mo siya? O, mahal mo na ba siya kung sa tuwing kasama mo siya ay may iba kang nararamdamang saya? Paano nga kaya? Kaibigan lang ba o pag-ibig na talaga?

Sabi nga nang iba, sa dinami-dami ng tao sa mundo ay isa lang ang nakalaan para sa iyo. Maaari kang manligaw ng kahit na gustuhin mo pero isa lang ang sigurado akong seseryosohin mo at mamahalin mo nang todo. Maaari kang magkanobyo o magkanobya kung ilanman ang naisin, puwedeng sabay, pero isa lang sa kanila ang tunay na mahal mo. Sigurado akong may mamimilosopong magtatanong na, "paano ang mga muslim? Hindi ba sa kanila puwedeng mag-asawa ang mga lalaki ng kahit ilanman ang naiisin basta kaya lang buhayin? At di ba sa kababaihan, magulang ang kadalasan ang nagpapasya kung sino dapat ang kanilang ibigin at kung hindi sila susunod, sila'y itatakwil? Ang masasabi ko lang, ang umiibig pa rin ang magpapasya kung ano ang dapat gawin at sino ang dapat ibigin. Sila ang magpapasya, mapa-kultura man o hindi. Walang makakapagbago sa tao kundi ang sarili nya mismo.

Pag dating sa pag-ibig, para sa akin, may dalawang klase lang ng tao: ang totoo at ang mapagkunwari. Ang totoong tao ay yung mga taong hindi basta-basta nasasabi ang nararamdam sa kanyang iniibig. Torpe man sila kung tawagin, seryoso naman sila pagdating sa kilos at gawa. Hindi man nila masabi ng deretsahan, kaya naman nilang ipakita ang sensiridad at tunay na pagmamahal sa minamahal. Tulad ko. Sa kabilang dako, ang mapagkunwaring tao ay yung mga taong nilalaro lang ang pag-ibig. Sila yung mga taong kaliwa't kanan, harap't likod ang karelasyon. Minsan "sex" lang ang habol mapa-lalaki man o mapa-babae. Tamaan na tatamaan. BAto-bato sa langit ang tamaan sapul. Yun na yun eh. Hindi na ako magsasalita pa dahil kuyugin ako ng mga natamaan ko.

Alam kong may kakapalan ang mukha ko dahil alam kong wala ako sa lugar upang magbigay ng mga ganitong opinyon. May kakapalan sapagkat kahit kailan ay hindi pa ako nagkakanobya ni isa. Dalawa pa lang ang niligawan ko basted pa pareho. Nakakatawa pero yun ang totoo. Minsan nga, naiinggit ako sa mga magkasintahang masayang naglalakad sa harap ko. Magkahawak kamay. Magkaakbay. Matamis at malagkit na nagtitinginan. At kung minsan, naglalampungan. Pag nakakakita ako ng mga ganung magsyota, napapailing na lang ako sabay ngiti. Iniisip ko na lang na darating din ang oras na ako naman. Iniisip ko na magkakanobya rin ako sa takdang panahon. Ang tanong, kelan kaya yon?

Sa ngayon, may bagong babaeng nagpapasaya sa akin. isang babaeng hihugutan ko nang inspirasyon at lakas. Sa katunayan, binabalak ko nang magtapat at sabihin ang tunay kong nararamdaman pero wala pa akong sapat na lakas ng loob para sabihin. Marami nang pagkakataon ang dumaan pero aking pinalampas dahil ramdam ko na hindi pa yun ang oras. Kung meron man siyang karelasyon sa ngayon ay ok lang. Masakit man at nakakainip, kailangang tanggapin at maghintay. Kung saan siya magiging masaya, masaya na rin ako.

HANGGANG DITO NA LAMANG PO AT MARAMING SALAMAT...

A/N : Ayan na po :) nagUD na po ako..
madame ho iyan.. total naman malapit ng ma-1K ang VIEWS nito kahit ampanget naman ng mga jokes tapos ang kokorni xD ... SALAMAT PO ;) KAMSAHAMNIDA! ANYONG HASEO SA LAHAT NG NAGBABASA NITO :))

Random JokesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon