Kumain at nagkuwentuhan lang kaming lahat bago magdesisyon na mag-uwian. Si Kyra ang nauna na dahil may lakad daw siya.


"Sana all." Bulong sa akin ni Tallie nang makitang kausap ko si River. Natawa naman ako. Susunduin kasi ako ni River dito kaya hindi pa ako umaalis.


"Saan ka?" tanong sa akin ni Jayce.


"Susunduin ako ni River, pakilala ko kayo." Sabi ko. Tumango naman siya. Gusto na rin niya makilala si River bago siya umalis.


"Gala tayo kasama River." Sabi ni Leon.


"Pwede naman. Sabihan ko?" tanong ko.


"Pass ako, may lakad pa kami nina Mama." Sabi ni Jayce na inaasahan ko na.


"Punta kami ni Tallie kay Aliyah, e." Sabi naman ni Benj.


"Oo, puta kasi ng dalawang 'yan, e. Gagawin pa akong third wheel." Umirap si Tallie.


"Siyempre," inakbayan siya ni Benj. "Habang buhay ka ng third wheel." Sambit ni Benj kaya nagbangayan na naman silang dalawa.


"Ako na lang sasama!" nagtaas ng kamay si Leon. Para namang tanga 'to.


"Eepal ka pa kila Zari, huwag ka na! Wala ka bang date?" tanong sa kaniya ni Tallie.


"Meron, pero mamaya pa, e. Wala akong mapuntahan." Tumawa si Leon. Akala ko naman ay wala siyang date. Sasabihin ko na sanang himala pero meron pala at naghihintay lang siya ng oras.


"Huwag ka nang umepal!" asik ko kaya nagtawanan kami. Bumuntong hininga naman siya at nagsimulang magdrama.


"Sige. Pakihatid na lang ako sa may malapit na bilyaran." Pabiro siyang umirap na parang babae.


Naghintay lang kami saglit hanggang sa dumating na si River. Lumabas na kami at sinalubong siya. Bumaba siya ng sasakyan niya. Ngayon ko lang napansin na ang laki ng sasakyan niya. Ford pa nga, gago. Kulay itim ito. Ang pogi, hayup. Pogi na nga 'yung sasakyan, pogi pa 'yung may ari.


Napangiti ako nang makitang nakaporma siya. Black denim jacket with his plain white shirt inside paired with his tattered jeans. Mabuti na lang, nakaporma rin ako. I'm wearing a red crop top shirt paired with my high-waisted black jeans. Ang ganda ko today, alam ko 'yon.


"Hi," bati niya sa akin nang nakangiti. Napangiti rin ako.


"Hi." Kumaway pa ako sa kaniya kaya natawa siya. Nag-iwas na ako ng tingin at agad hinila sina Tallie papalapit. Baka mahalata pa ni River na kinikilig ako. "River, si Tallie, Jayce, at Benj, mga kaibigan ko."


"Musta, pre," nakipag-apir sina Benj at Jayce kay River. Si Tallie naman ay kumaway sa kaniya. Si Leon ay umakbay na kay River kahit ang liit niya kumpara sa bebe ko.


"Nice to meet you, manliligaw ni Zari!" Nagtawanan naman kami sa sinabi ni Tallie.


"Pre, wala ka bang ire-reto na Lasallian dito," inakbayan ni Benj si Tallie. "Kawawa naman, e, walang love life." Napangiti ako nang makitang tumawa si River.


"I have friends. Gusto mo?" tanong ni River kay Tallie.


"Huy, hindi! Ayaw ko!" tumawa si Tallie, namumula na. Kinikilig na 'to kasi umaasang may ire-reto nga sa kaniya.


"Leon, si Ryle na lang." Tumawa si River. Natawa rin si Leon pero umiling.


"Huwag, hindi into serious relationship 'yon ngayon." Sabi ni Leon. Tumango naman si River.


Changes of Tomorrow (Serendipity series #1) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon