Chapter 6: Turuan mo ko!

Start from the beginning
                                    

"Di ko matandaan kung bakit kami magkaaway." Nakangusong reklamo ko sa kanya.

Natawa lang si Namjoon saka muling ibinalik ang topic namin sa paggawa ng kanta.

"So, ikaw, binabase mo sa mood mo ang magiging genre ng kanta mo? At dahil kasalukuyang wasak ang puso mo, magiging malungkot na ang kantang gagawin mo?" 

Tumango naman ako. "Diba ganon naman talaga yon? Kailangang may matindig pinaghuhugutan ng emosyon para makagawa ng kanta?"

"May ibang ganon." simpleng sagot nito.

Napakunot naman ang noo ko dala ng kalituhan. "Ikaw ba hindi ka ganon?"

Umiling lang si Namjoon. "Gumagawa ako ng kanta dahil kaya ko."

Napanganga naman ako saka napapalakpak. "Iba na talented!" Biro ko pa saka nahampas ang balikat ni Namjoon. Natawa na lang din siya sa naging reaksyon ko.

"Pero may mga pagkakataon din namang nakakaapekto ang nararamdaman ko sa mga kino-compose kong kanta. Mas madalas lang talagang hindi ko binabase ang kalalabasan nito sa mood ko." Paliwanag niya pa.

Na-excite naman ako bigla. "Try mo ngang gumawa ngayon." 

"Sige, ano bang gusto mo?"

Wow. ang bilis kausap ni Namjoon.  "Uhmm... Yung mga sweet!!" sagot ko. Hindi ko pa kasi siya naririnig kumanta eh. Ang madalas kasi nilang gawing kanta nila Yoongi, mga rap kaya ayun. Yun na yon. Haha!

Tumango lang siya at nagsimula ng magsulat ng kung anu-ano sa likod ng notebook ko. Bigla na lang niya kasing kinuha yun sa table ko at dun na nagsulat. Paminsan-minn ay nagha-hum ito saka babalik sa pagsusulat. Tapos saka gagawa ng beat gamit ang paghampas-hampas ng kamay sa armchair niya. Ganon ganon lang yung ginagawa niya kaya nagulat ako ng sabihin niyang tapos na yung kanta.

"Agad?! Agad-agad tapos na?" gulat kong tanong saka napatingin sa relo ko. Fifteen minutes?! Seriously?! Pwede ba yon?! 

Well, ayan na nga Cherry. Tapos na ni Namjoon yung kanta tapos nagtatanong ka pa. Aba, Matinde!

Nilabas ko na yung phone ko saka hinanda ang recorder na application. Nilapit ko ito kay Namjoon nang magsimula na itong kumanta.

(Monterlude ---> Mga be, pakinggan niyo! Kakelergsh po ito!)

"I don't wanna kick this at all

I want you to want me, that's all

But we don't know how yeah we don't know how

It sounds great and fresh, shawty ain't it? I'll take you to the mall

Buy clothes, what you wanted any day you can call

We are the one we are the one

I'll pray, I'll stay yeah you make me this way

Girl you make me say"

Napanganga ako dahil... Oh my gee!!! Ganda-ganda poreber ng boses ni Namjoon!! Swear! Ang sweet, magkaka-diabetes ata ako nito!

"Oh round & round, you make me fly 

Now I ain't down & out, you makin' me cry

Yeah girl you got me say

Oh round & round, you make me fly 

Now I ain't down & out, you makin' me cry

Yeah girl you got me say"

Nakatulala lang ako sa kanya hanggang sa matapos siyang kumunta. Nung pinitik lang niya yung noo ko ay saka lang ako bumalik sa katinuan.

"Oh my ghad!" I squealed. 

Natatawa lang si Namjoon sa reaksyon ko.

"Waahh! Sana ikaw na lang yung partner ko dun sa project natin! Ayaw kasi akong ka-partner ni Jimin!" Yung kaninang hyper mood ko gawa ng kanta ni Namjoon ay agad napalitan ng pagkabadtrip gawa ng kaartehan ni Jimin.

"Haha! Halata nga, kasi kada magkikita kami ni Jimin laging yun yung reklamo niya. Kung bakit daw ikaw pa yung nakabunot sa kanya. Mga ganon." Nang-aasar pang kwento ni Namjoon. Hinampas ko naman siya.

"Ang sama mo." Nakangusong reklamo ko.

"Totoo naman." gatong pa nito. Inirapan ko lang siya.

Nag-usap na lang ulit kami tungkol sa paggawa ng kanta. Nasa momentum na kaming dalawa ni Namjoon sweety nang may kumatok sa room namin. Halos lahat ng mga kaklase ko ay napalingon kay Jungkook. Siya kasi yung kumatok.

"Si Namjoon?" Tanong nito.

"Baby bro!!" Irit ko saka dali-daling iniwan si Namjoon at tumakbo papunta sa may pinto kung nasaan ang baby Kookie ko.  Inangkla ko naman ang kamay ko sa braso niya saka siya hinatak papasok at hinila sa pinupwestuhan namin ni Namjoon kanina.

Pagkalapit naming dalawa ni Kookie ay sinamaan pa ako ng tingin ni Namjoon. "Ay! Sorry, Namjoon." Tinuturuan niya kasi ako kanina tapos bigla  na lang akong tumayo saka tumakbo papunta kay baby bro ko.

"Bakit mo hinahanap si Namjoon, baby Kookie?" Usisa ko habang nakahawak pa rin sa braso niya.

"Magkasama kayo?" Hindi makapaniwalang saad nito nang mapansing magkatabi ang upuan namin.

"Ah, oo baby. Nagpapaturo ako ng kanta kay Namjoon." Sagot ko. "Eh ikaw? Maalam ka ba gumawa ng kanta? Turuan mo naman ako! Dali na baby bro!"

Napatingin na lang si Jungkook kay Namjoon pero pinandilatan lang niya ito ng mata.

"Ah- ano kasi Cherry. Uhm... hindi pala ako marunong gumawa ng kanta."

"Ay, ganon?" Bumagsak naman yung balikat ko sa sinabi niya.

"Ehem! Kaya bumalik ka na dito, Cherry. Tinuturuan pa kita." Masungit na sabi ni Namjoon na tinapik pa ang nakatabing upuan sa kanya. Tahimik naman akong bumalik sa upuan ko saka binasa ang ginawang notes ni Namjoonie sweety baby.

Nag-usap lang sila ni Kookie don pero hindi ko na sila pinakinggan nakatuon na lang ako sa mga lyrics na nagawa ni Namjoon. Hindi ko mapigilang bumilib dahil may sense talaga yung mga ginagawa niya. Yung tipong hindi puro kalandian. Isn't it amazing?! Isn't surprising?! Isn't it?!

Nakita ko namang papaalis na si Jungkook kaya nagpaalam na ko. "Bye, baby Kookie! Lovelots! Muah muah tsup tsup!"

Nginitian niya lang ako saka kumaway din at lumabas na ng room.

Inirapan lang ako ni Namjoon at hindi na pinansin. Edi wow! Si Namjoon na may period! Sungit much?!

---------------------------------------------

Halos dalawang oras na kong nakatitig sa kisame. "Uh? Seriously?! What happened kanina?!"

Nasa loob na ko ng kwarto ko ng marealize ko na kinantahan ako ni Namjoon. OH MY GEE! LECHE LANG, CHERRY! Kinantahan ka ni Namjoon. Ng sweet song! SWEET SONG BEH!!! Oh my gosh! I'll die happy! Namjoonie sweety baby!

"KYAAAAAAHHH!" Oh my ghad! I can't contain my feels! OMG! OMG! Hihimatayin ako, swear! Kailangang mailabas ko tong feels na to. Agad naman akong napatayo mula sa pagkakahiga at napatakbo sa harap ng bintana ko.

"Yoongi bebe!"

And I screamed at the top of my lungs. GOSH! Too much raging feels.

------------------------------------------------

©Yanred

Feeler Much?! [BTS Fanfic]Where stories live. Discover now