Chapter 19: Aspiring Composers

2K 120 20
                                    

Chapter Nineteen

Nagkatitigan kami ni Jimin bago sabay na napabuntong-hininga. Muli ko na namang nilamukos ang papel na pinagsulatan namin ng panglabing-siyam na lyrics. Basta ko na lang 'to itinapon sa kung saan saka muling kumuha ng sheet.

"Sinong nagsabi sa inyong pwede kayong magkalat sa bahay ko?" Masungit na tanong ni Jin habang pinupulot ang mga nagkalat na nilamukos na papel sa sahig.

Medyo ginawa na naming meeting place ang bahay ng mga Kim. Okay naman sana kina Namjoon, sobrang laki ng bahay nila. Ang kaso, lagi na lang may bangayan don, ang gulo! Lagi na lang kasing nag-aaway sina Namjoon pati yung ingleserang maid niya.

Kaya eto kami, kina Jin nambubulabog. Habang kalat kami ng kalat, pulot naman siya ng pulot kahit panay ang reklamo at sermon.

Pero hindi namin siya pinansin ni Jimin.

"Matatapos ba natin 'to, Cherry? Dalawang linggo na lang." Nag-aalalang tanong ni Jimin na hindi na maipinta ang mukha. Ilang oras na rin kasi naming sinusubukang magsulat ng kanta pero hanggang ngayon ay wala pa rin kaming nagagawang matino. Medyo nakakawalang gana, swear.

Sabay na lang kaming napabuntong-hininga saka walang buhay na sumandal sa sofa. Ilang sandali pa nang maramdaman ko na lang na may kamay na pumatong sa ulo ko kaya napaangat ang tingin ko. Nakita ko naman ang nakangiting mukha ni Yoongi bebe ko.

"Oh?" Gulat akong napaturo sa kanya. "Anong ginagawa mo dito? Kala ko ba gagawa kayo ng kanta ni Hani." Nakasimangot ko pang tanong. Nakakabwisit kasi talaga yung babaeng yon kung makakapit naman sa bebe ko... parang tuko! Tuko na nga maysa-linta pa! Wow, medyo naa-adopt ko na yung ugali ng pinsan kong si Yherry, insecure much!

"Tapos na kami." Nababagot na sagot ni Yoongi saka umupo at nagsumiksik sa espasyo sa pagitan namin ni Jimin.

Napataas naman ang kilay ko. "So may 'kayo' pala?" Hugot lines ko pa na si Jin lang ang nakarinig dahil mahina lang naman ang pagkakasabi ko. Tinawanan lang niya ko kaya sinamaan ko siya ng tingin.

He even mouthed "Bitter." Hindi ko na lang siya pinansin.

"Natapos na namin kanina yung kanta." Dagdag pa ni Yoongi.

Pagkasabi niya non ay lalo kaming nanlumo ni Jimin at tuluyan na talagang nawalan ng kapag-a-pag-asang makagawa pa ng kanta. I mean, ang pagkakaalam ko kasi kahapon lang sila nagsimulang gumawa eh. Tapos heto't malaman-laman ko na lang na tapos na agad sila?! Eh, okay naman talaga sa life! Saya! /sarcasm intended/

"Magmeryenda muna kayo."

Kuminang naman yung mata ko nang masilayan ang gwapong si Jin na may dalang makatulong-laway na meryenda. Burgers and Pizza! Now, this is life! Nag-unahan naman kami ni Jimin sa pagkuha ng pagkain. Si Yoongi naman ay hindi pa rin gumagalaw sa pagkakaupo sa sofa.

"Hindi ka kakain?" Tanong ko habang ngumunguya. Medyo baboy.

Natawa naman si Yoongi saka napailing-iling. "Busog pa ko. Kumain na ko kina Hani."

Hindi ko namang mapigilang mapaismid. Psh. Hani, Hani. Bwisit.

Hindi ko na lang siya pinansin at ibinuhos ko ang buong atensyon ko sa burger na kanina pa nagpapacute sakin at pati na rin sa pizzang kanina pa ko kinakawayan, just waiting for me to stuff them in my sacred mouth.

"Hinay-hinay naman dyan, Cherry. Wala kang kaagaw." Matawa-tawang sabi ni Jin habang mahinang hinihila ang balikat ko palayo sa mga pagkain.

Feeler Much?! [BTS Fanfic]Where stories live. Discover now