22

299 19 25
                                    

Chapter 22: Brother

"Bakit kaya nag-change course bigla si Rachi?"

That's we've been hearing on some of our blockmates since the start of semester. Shainon's been feeling bad about that, kaya lagi ko na lang sinasabi sa kaniya na iyon naman talaga ang nais na kurso ni Rachi.

At the first place, what made him took law before? Iyan ang katanungan na wala pa ring kasagutan sa akin.

"Pwede ba tayong dumaan sa med building mamaya, Jin? I miss Chi," Shainon said out of the blue habang naglalakad kami patungong library.

Napabuntong hininga ako.

It's been a week since the start of us being sophomores. Naalala ko pa noong unang araw ng pasukan, wala sa listahan ng kurso namin si Rachi. Nang makita namin siyang nakasuot ng pang-nursing, doon namin napagtanto na nag-shift pala siya. And eversince then, hindi pa namin siya nakakausap kahit si Shainon. We've seen him afar, but it's as if he's avoiding our paths or it's just coincidence?

"Okay," nakangiti kong tugon kay Shine.

Lagi na kaming magkasama ni Shainon ngayon. We've been branded as bestfriends by our blockmates dahil hindi na raw kami napaghihiwalay.

Bestfriends, huh?

But me and Shainon are both aware that it's one-sided in my part. Funny that we're both handling it maturely. Especially in my side. Ang hirap na mahal ko siya, pero nandirito pa rin ako bilang kaibigan niya.

Well, as long as Shainon wants me to stay at wala namang ibang umaaligid.

"Goodmorning, magsasauli po ng book," magalang na sabi ni Shainon sa librarian at inabot ang hiniram niyang libro.

He loves reading a lot.

Noong summer, after naming magbakasiyon at one week before magpasukan, nakatanggap ng mensahe ang mga magulang ko sa mga magulang ni Shainon. The Akagi's invited us for a tea. Sa unang pagkakataon ay nakaapak ako sa mansiyon nila and saw that they are a very traditional Japanese family.

The air around their mansion shouts strictness at mula sa mga katulong hanggang kila Shainon mismo ay nakasuot silang kimono. I was intimidated by his parents, pero mukhang magkagaanan naman sila ng loob ng mga magulang ko. Doon ko rin nalaman na naging blockmates pala sa college ang Daddy ko at ang Daddy ni Shainon kung kaya magkakilala sila. They are not lawyers though, minana kasi ni Mr. Akagi ang kumpaniya ng lolo at lola ni Shainon. Maybe iyon ang pinangangambahan ni Shainon. His parents agreed he took law, pero mamanahin pa rin niya ang business nila.

Must be hard.

Jun was bored nang naroon kila Shainon, pero nang dinala kami ni Shainon sa kwarto niya na puno ng libro ay halos ayaw na niyang umalis doon. Nasabi pa nga niya na kung wala raw siyang pasok ay kung maaari ba siyang dumalaw roon. I said no, but Shainon was happy to said yes kaya wala na akong nagawa.

Them being bookworms.

Habang busy pa rin siya sa pakipag-uusap sa librarian, napagpasiyahan kong mag-ikot-ikot muna sa library. I went to a shelf kung saan makikita ang mga libro tungkol sa mga batas. I'm busy scanning pages nang makarinig ako ng mga hagikhik sa gilid.

Wala lang sana sa akin iyon, pero nang marinigan ko ang isang pamilyar na boses ay natigilan ako. Binalik ko ang hawak na libro sa kinalalagyan nito kanina. Nilagay ko ang dalawang kamay sa aking bulsa at marahang naglakad papunta sa gilid.

When I took a peek, I saw Rachi with Raphy. Naka-upo silang dalawa sa gilid habang si Rachi ay nakaunan sa balikat ni Raphy. Raphy's reading a book that's making both of them giggle. Naningkit ang mga mata ko sa kanila.

Friend, huh?

So maybe he shifted course not because about what happened between us, but because of that friend of his? This Rachi. Sa tingin niya sa nakikita ko ngayon mapaniniwala pa akong magkaibigan lang sila? Ha! I'm not that dumb.

So what now? That guy is his new fuck buddy? Or baka matagal na at pinagsabay pa kami?

My jaw clenched.

Mabigat ang loob na umiwas ako ng tingin at bumalik na kung nasaan si Shainon. Maybe all this time, ako ang napaglaruan. Well fuck, oo ako ang nag-offer sa kaniya na maging fuck buddy kami, okay. Pero kung may Raphy na rin naman pala, bakit pa siya pumayag? At ano ang sabi niya noon? Na gusto niya ako? Ha!

Baka siguro nagalit siya sa akin hindi dahil ginawa ko siyang substitute kay Shainon, kundi dahil nalaman ng Raphy na iyon kung ano ang meron kami. Nasaktan daw siya. Ha!

Baka mali lang ako, but whatever the truth I don't want it anymore.

"Jin! Akala ko umalis ka na at iniwan ako," Shainon worriedly said pagkabalik ko.

Yakap niya ang ilan na namang libro na sa malamang ay hiniram niya.

"Magagawa ko ba naman iyon?" I teasingly said making him blush all of a sudden.

Such a tease.

"T-Tara na nga."

Nauna siyang lumabas at palihim naman akong natawa bago sumunod. I never looked back. Rachi's not the one I'm chasing for love. It's Shainon's back I am looking right now. From the start, it's his love I've been chasing.

Narito ako sa daan na ito ngayon dahil kay Shainon, nothing more. What I felt for Rachi before is pure lust, just wanting comfort. That was wrong I know, but that's over now. Rachi ended it himself so I'll do my best for Shainon. I was rejected but I'll still effort my way.

That's what a real man should do.

Our days goes on like that. The three of us crosses paths sometimes, but me and Rachi only spares glances at each other. Him and Shainon remained friends. Kapag magkausap sila ay tahimik lang ako sa tabi. We had our shares of hi's and hello's, pero hanggang doon na lang iyon.

Shainon's too dependent of me now. He shares problems with me especially on his family. Ramdam daw niya kasi na nanlalamig na ang mga magulang niya sa isa't-isa. I am always there for him, never leaving his side. To be exact, I've became the best of bestfriend for him. Alam ko na ramdam pa rin niya na may nararamdaman pa ako, but I made it comfortable with him. I'm not gonna lose him.

Pero umaasa pa rin ako. My chase won't end, I'll chase all my life. I only want him.

Until that year. Our last year in college. Tragedy fell upon Shainon's family. His parents died on a unexpected accident and later on revealed na nagkapamilya pa pala ang ama niya sa iba. Well, arranged marriage lang pala ang meron sa mga magulang niya, and his father always had someone he loves. Natago niya ng mabuti sa pamilya nila iyon.

That became a turning point between me and Shainon. I've been patient for four freaking years. Hindi ko aakalain na masisira lahat dahil sa isang tao.

When a half-brother came on Shainon's life, everything change in just one snap.

To. Be. Continue.

AN:
Be Naughty With Me's timeline is here. Medyo dramahan na natin. Turning point for ShaiJin that will lead to turning point for RaJin. Ready?

Surprise! Surpise!

Oh, wala akong sinabi na ShaiJin or RaJin ang ending, ha? Marami pang mangyayari. Sana lang matanggap niyo ang hatol ng ating abogago. 😆 Gaya nga po ng sabi ko, planado na ang kwentong ito, may ending na. <3

P.S.
To those who haven't read Be Naughty With Me, nasa kabilang estasiyon na po ito (Read my note sa Be Naughty With Me story for info). Free naman pong mababasa. May labstory sila Shainon at Jin doon. Lols.

P.P.S
Iniimbitahan ko rin kayo guys sa aming Hatoria page sa FB. Name is: Hatoria: Home of Myllar's. May handog po ang mga writers ng isa sa pinakamagaling na bxb writer dito sa watty na si Ate xakni_allyM na mga one-shot stories starting Dec. 23-25. Naroon din po ako at ang ilang mga magagaling na writers e.g. : Elusive, Sumyiir, Miaowu, Higanbana, Levantandose, Rodniverse, Pinagpala, Francis Alfaro, Michael Juha, at maraming-marami pa hindi lamang LGBTQ writers. May pa-raffle kami sa best story review ng one-shots namin so kaya check niyo na ang group namin.

Salamat!

🌈 BLS3: Chasing Your Love (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon