3

562 30 1
                                    

Chapter 3: Party Gone Wild

Napabuntong hininga ako habang sinusuot ang aking relos sa aking kamay at pagkatapos ay pinasadahan ng tingin ang aking sarili sa full length mirror sa aking kwarto. I think I am too formal — wearing a black duster jacket, may nakapaloob na puting plain at manipis na polo. Ang pang-ibaba ay isang itim na fitted slacks habang pinartneran ang mga iyon ng itim din na balmoral boots bilang sapin sa aking mga paa. I guess I am good to go. Kaunting pasada ng aking mga daliri sa aking buhok ay lumabas na ako ng kwarto.

Nadaanan ko pa ang kapatid ko sa sala at nakita itong nagbabasa ng kaniyang textbook. Napangiti ako. There's a good boy.

"Jun, gagabihin ako. You sleep early." paalala ko dito at siya namang pasada niya pagkatapos ng tingin sa akin. He scanned my body for a minute bago marahang tumango at nagpatuloy sa pagbabasa.

Napailing lang ako at lumabas na ng bahay.

Habang nasa daanan patungong campus para sa gaganaping welcome party, hindi ko mapigilan na isipin si Shainon. I wonder, will he wear a kimono again this time? Taliin ang mahaba niyang buhok na kagaya sa chinese? I can't help but smile at myself. I'll make sure that tonight, mapalapit na ako dito.

But that's what I thought.

Nang makarating ako doon, agarang nakita ng mga mata ko ang aking hinahanap. Pero sa hindi ko malaman na dahilan ay hindi siya nag-iisa — what's worst ay ang kausap at kasama pa niya ay iyong makulit na si Rachi. Sumunggab ang dalawa kong kilay ng makitang mukhang nagkakapalagayan na sila ng loob. I mean, Shainon is so relaxed around him. Bakit kapag ako ang sungit niya at tila walang pakialam?

Dala ang inis ay mabibigat ang hakbang na nagtungo ako sa pwesto nila sa parte kung saan hindi gaanong abot ng nagkikislapang ilaw. Dalawa lang sila doon sa lamesa at kapwa may hawak na inumin — a cocktail drink I think.

Tumikhim ako para kuhain ang atensiyon nila at halos sabay silang tumingala sa akin. Nawala ang pagkangiti ni Shainon ng makita ako habang si Rachi naman ay mas lumawak ang ngiti. It feels like the other saw a demon while the other saw an angel. Mas nainis ako dahil sa reaksiyon na iyon ni Shainon. Bakit kanina mukhang mas masaya siya kausap ang makulit na ito, huh?

"You're here! Look at you — you look handsome." si Rachi sabay tayo at hinawakan ako sa braso para igiya paupo paharap sa kanilang dalawa.

I scanned Shainon's appearance pagkaupo ko at tama nga ako, he looked wonderful tonight. Nakasuot siya ng kulay lila na kimono at ang buhok niyang mahaba ay hinayaan niyang nakababa. Shit. He looks like a she  — he's beautiful damn it. Nawala lang ang atensiyon ko dito ng naging maingay ang pagkakalapag ni Rachi ng isang baso ng inumin sa aking harapan. Inis ko siyang binalingan ng tingin.

"What?" inosente nitong sabi. "Drink up."

I clicked my tounge at muli ay tumingin kay Shainon na noon ay inabala ang sarili sa pagtingin sa stage kung saan ay nagsasalita na doon ang student council president para sa welcome remarks, pagkatapos ay tinawag nito ang atensiyon ng Dean para magbigay ng mensahe.

"Oh yeah!" muling sabad ni Rachi dahilan para mapalingon si Shainon sa akin at magtama ang aming paningin. "Look Jin, me and Shainon became friends. Hindi naman pala siya masungit, hindi ba Shai?"

Umigting ang aking panga dahil sa lumukob na inggit. I want to be friendly with him too. I want to make him a pet name too. Ako din — I want to be side by side with him.

"Mm. Yeah." sabi nito at binigyan ng maliit na ngiti si Rachi. "Jin, right? Pasensiya ka na noong unang araw ng pasukan. I'm rude to you." walang emosiyon ang pagpapasensiya nito, pero katuwang kahit ganoon ay amused pa rin ako dito.

"No — it's fine. You can be rude all you want. You can be yourself in front of me." pagpapakatotoo ko dito at hindi masidlan ang tuwa sa aking dibdib dahil nakausap ko na siya. Fuck, ngayon lang talaga ako nakadama ng ganito sa isang tao.

Kapwa sila natigilan sa sinabi ko at mukhang umaliwalas ang mukha ni Shainon sa sinabi kong iyon. My wish was granted. Nagtuloy tuloy na ang usapan namin dahil doon. Kahit pakunti kunti lang at minsan ay may matagal na katahimikan, nabibigyan niya na rin ako ng atensiyon. Hindi na namin napansin si Rachi at ang pananahimik nito hanggang sa dumating na ang oras ng puro pagsasaya at puro sayaw sa gitna ng campus. Nakarami na rin kami ng inumin at hindi namin aakalain na maglalabas sila ng hard drinks noong maghahatinggabi na. Well, nasa legal age na rin naman na kami. Iyon lang, ang mga babae lang ang hindi pinayagan uminom noon at binigyan lang ng ladies drinks.

"Young master, iuuwi ka na po namin."

Mag-aalauna na noon ng madaling araw ng may lumapit kay Shainon na tila bodyguard at pilit itong inaalalayan patayo dahil mukhang tinamaan na ito. Namumungay na ang mga mata at mapula na ang mukha. Kakahila ko nga lang dito mula sa dancefloor ng hinila din siya kanina ni Rachi para sumayaw. He seems to enjoy everything kaya hinayaan ko lang siya na magsaya pero hindi ko winawala ang paningin sa kaniya.

Nang nakatulog na ito sa bisig ng bodyguard, akma kong kukuhain ito dito dahil hindi na sa ayos ang kimonong suot nito. Hell! What if they'll do something to him? He's an eyecandy for a guy.

"Kami na ang bahala sa kaniya, Sir. Salamat sa pagbabantay sa kaniya." magalang na sabi ng bodyguard at binuhat niya ito para makaalis na sila.

Gusto kong sumunod para makasigurado na makakauwi siya ng ayos. Hindi ako mapakali. Hindi ako nagtitiwala sa lalaking iyon. Pero ng marealize ko na wala nga pala akong alam sa buhay nito at mas matagal na niya sigurong kasama ang bodyguard na iyon, natigilan ako. Sino nga ba ako? Ngayon nga lang kami nagkakilala at nagkalapit ni Shainon — I think. Tapos ang kapal ng mukha ko na hinalaan ang tagabantay nito. Looks like he really is from not an ordinary family.

Dala sa utak ang kakaunting balat na nakita ko sa katawan nito kanina, ang mapupungay nitong mga mata, namumulang balat at nang-aakit na labi ay wala sa sarili na sunod sunod akong napainom ng hard drinks. I felt my head spinning and my eyes became dizzy.

"Jin?" isang malagkit at langong boses ang tumawag sa aking pangalan.

Nang lingunin ko ang tao sa aking harapan ay hindi ko alam kong bakit ang langong mukha ni Shainon ang muli kong nakita.

"You came back?" halos pabulong ang pagkakasabi ko noon at wala sa sariling hinila siya sa braso at pinaupo sa aking kandungang.

I sniffed his hair — he smells so damn good. He's taking my sanity away. Nakita ko siyang tumitig sa akin, kunot ang noo.

"Jin, you're drunk." sabi nito.

I chuckled and touched his chin, nawawala na yata ako sa aking sarili.

"And so are you." pagkasabi ko noon, without further ado, I kissed him. I kissed those lips na kanina ko pang gustong halikan.

To. Be. Continue.

AN: Hula niyo? Lasing na nga ba si Jin o hindi? XD

🌈 BLS3: Chasing Your Love (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon