10

417 23 25
                                    

Chapter 10: Again

Nanatili nang tahimik si Rachi simula sa punto na iyon. Even when we started our project, kinikibo na lamang niya ako kapag kailangan. Okay I admit, I was rude earlier. Pero hindi na rin naman siya alagaing bata, kung kaya ano ang minamaktol niya? So immature.

Napailing na lamang ako at sinilip ang aking cellphone kung may reply na ba si Shainon, pero nakita kong wala pa rin. Naisip ko na baka busy na rin sila ng partner niya kaya hindi na ako nangistorbo pa. Nadaanan ng mga mata ko ang oras sa aking cellphone at nakita na halos mag-aalaskwatro na pala ng hapon. Nangunot ang aking noo at wala sa sariling napatingin kay Rachi na nagsusulat sa sarili niyang parte sa proyekto.

"Hindi ka ba nagugutom? Sorry, I forgot about meryenda," sabi ko na nagpatigil sa kaniyang magsulat.

Itinaas niya ang paningin sa akin at tipid na ngumiti. "Ayos lang, mukhang mas nakatuon kasi ang atensiyon mo sa ibang bagay."

Mas nangunot ang aking noo sa narinig. I licked my lower lip. Muli akong nairita. So this is why he's acting-up all day, huh? My attention again — my attention to Shainon. Napailing na lamang ako at iniwan siya roon para makapaghanda ng meryenda.

I'm still thinking about it. At the first place kasalanan ko ba kung may gusto nga talaga siya sa akin? Hindi ko naman hawak ang puso niya. Look, kagaya ko, si Shainon hindi rin niya alam na gusto ko siya. But I am not acting-up with him aren't I? Napatigil ako bahagya sa paglalagay ng jam sa tinapay nang may napagtanto. Have I mislead Rachi? Baka may mga naging action ako towards him na nagbibigay pag-asa sa kaniya? Pinapaasa ko ba siya?

Then I remembered our first sex. Sure, that was just an accident. Nasabi ko na kalimutan na lamang iyon at alam kong nasaktan siya. Lumayo siya sa akin pagkatapos — wait, naisip niya ba na nagselos ako sa Raphy na iyon? Iyong inakala kong syota niya na taga-med? Damn it. Anong expresiyon ba ang naibigay ko sa kaniya noon? Or should I really ask myself... nagselos nga ba ako?

Winaglit ko na lamang ang mga katanungan na iyon. Ayokong maguluhan. Ayokong may mapagtanto. I only want Shainon; nothing more, nothing less.

Ipinagpatuloy namin ang pagtatapos sa unang bahagi ng aming proyekto ng tahimik. Nagkikibuan kapag kailangan. Kahit nga noong naghahapunan na kami ay maging ang kapatid ko, mukhang nakapansin. Jun is a very good observant, pero hindi naman siya matanungin.

"Matutulog na po ako, kuya."

Alas-otso noon nang magpaalam si Jun na matutulog na. Isang tango ang ibinigay niya kay Rachi na noo'y nagpresinta na maghuhugas ng pinagkainan namin. Napagdesisyunan ko na ayusin na rin ang mahihigaan naming dalawa sa aking kwarto. A bath before sleeping would be good too.

Pagkatapos kong maligo ay agarang nangunot ang aking noo nang makita kong wala na ang mga unan at kumot na inihanda ko para kay Rachi sa aking kama. Mabilis akong lumabas ng kwarto at nakita na inaayos niya ang mga iyon sa sofa.

"Rachi," tawag pansin ko sa kaniya "what are you doing there? Umakyat ka rito at dito matulog sa kwarto."

Ni hindi siya lumingon sa akin pagkatapos kong sabihin iyon, nagpatuloy lamang siya sa sariling ginagawa. As pissed as I already am, bumaba ako at mabilis siyang hinatak. Kinuha ko ang mga unan at kumot pagkatapos ay hinila siya pabalik sa kwarto.

"Jin ano ba!"

"Shut up! Madidisturbo mo si Jun."

That shut him up. Pagkabalik namin sa kwarto ay inumwestra ko sa kaniya ang kama. Binalik ko ang unan at kumot doon na ibinaba niya kanina.

"Sleep," utos ko.

Nakita kong nag-aalinlangan pa rin siya, kung kaya binuhat ko na siya at ako mismo ang nagpahiga sa kaniya sa kama. Gulat na gulat siyang tumitig sa akin.

🌈 BLS3: Chasing Your Love (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon