36

355 25 43
                                    

Chapter 36: Death

Isang malakas na sapak ang sumalubong sa akin pagdating sa hospital kung nasaan si Rachi. Hiroki Itou's rage weakened my knees not because I am afraid of him, but because Rachi being in this place already made me weak. I don't care anymore, I just want to see him now.

"Jin!"

"Walanghiya ka!" Hinatak ako ni Hiroki sa kuwelyo. "Ang lakas ng loob mong pumunta rito pagkatapos ng lahat! Alam mo ba kung anong klaseng lagay ang mayroon siya nitong nakaraan? Oo nga pala, paano mo malalaman dahil tinalikuran mo ang taong kahit kailan ay hindi nagsawang mahalin ang walang kwenta na kagaya mo!"

He punched me at nalasahan ko ang dugo na lumabas mismo sa aking bibig. Parang mga punyal ang mga salita niya na tumagos sa aking puso. Tama siya, wala akong kwenta.

"Ano ba! Stop punching him! Sino ka ba?" Shainon shouted at Hiroki sabay alalay sa akin patayo.

"Alam mo ba kung gaano kahirap na makita siyang naliligo sa sarili niyang dugo?" Hiroki said almost a whisper that made me choke on my own saliva. "Alam mo ba, ha? Ang makita ang taong mahal na mahal mo sa ganoong lagay?"

Ilang beses akong kumurap-kurap mapigilan lamang ang muli kong pagluha. Imagining Rachi lying on the floor bathing on his own warm blood almost made me burst. Natakip ng nanginginig kong kamay ang aking bibig.

"I-I need to see him. I h-have to see him..."

"Jin..."

Shainon gripped me so hard. Hindi na rin nanlaban pa si Hiroki at napasalampak na lamang sa sahig ng pasilyo ng hospital. I heard his low sobs. Napahigop ako ng hangin sa aking baga dahil pakiramdam ko'y mahahawa ako sa pighati niya.

"Kuya!"

Mabilis akong umalis sa pagkahahawak sa akin ni Shainon at nagmadali na naglakad patungo sa kapatid ko na noo'y lumabas sa isang kwarto. Nasa likod niya si Sanjou na seryoso ang mga tingin sa akin. I didn't bother looking back at him, nasa kapatid ko lamang na noo'y umiiyak na ang aking paningin.

"J-Jun? Where is he?" Humawak ako sa mga balikat ng aking kapatid. "Please, t-tell me he's fine."

Ngunit taliwas sa inaasahan ko ay mas umiyak ang aking kapatid. I heard Shainon gasped and Hiroki's low sobs became frantic cries. Marahang umiling si Jun sa harap ko.

"Sorry, Kuya... It's too late."

No. No. That can't be true. Rachi won't leave me like that. I refuse to believe!

Umiling ako sa harap ng aking kapatid at hinawi sila paalis sa aking harap para makapunta sa kwarto kung saan sila lumabas. I heard them calling me, pero dire-diretso lang ako.

My world almost stopped nang sa pagpasok ko sa silid, ang nakahigang katawan kaagad ang aking nakita. Nakatakip ito ng puting tela and the body looks so peaceful lying there. My body trembled as tears streamed down my face. Tahimik at marahan akong humakbang palapit sa katawan na iyon.

"Please, it can't be Rachi..." I silently prayed.

Nang makaabot ako sa harap ng katawan, halos ayaw kong iangat ang aking kamay para hawiin ang tela na nakatakip sa mukha ng katawan. Natatakot ako. Paano kung siya nga ang naroon? How would I take it? The guilt, the pain, the regrets...

"Jin..." I heard Shainon behind me.

Alam kong gusto na rin niyang makita kung si Rachi nga iyon, but he wants me to be the first to confirm it. Ilang beses akong lumunok kahit hindi na maawat ang mga luha sa pagpatak. I can hear my heartbeat making me deaf.

Nang mahila ko na ang tela na nakatakip, my knees weakened dahilan iyon para mapaluhod ako. Shainon's loud cries echoed to the four corners of the white room at sigurado ako na naroon na rin silang lahat. Pakiramdam ko, tumigil sa pagtibok ang aking puso nang makita ko ang nakapikit na mukha ni Rachi.

"Chi?" I tried calling his name with my stained voice. "I'm here... so p-please, wake up, huh?"

My trembling hand caressed his pale cheek. Ang lamig niya. Ang laki ng ipinayat niya at ang mga mata niya'y halatang dumaan sa ilang araw na walang tulog. His pinkish lips is now as white as a paper. I can't feel his breathing and that what broke me more.

"No! No!" Tumayo ako at niyakap ang katawan niya. "I'm sorry, Chi! I'm sorry! Please wake up!"

I hugged him so tight at kahit ramdam ko ang paghila ni Jun sa akin ay hindi ako paawat. I refuse to believe that he's already gone. It's my fault. It's my fault so I have to beg for his forgivness. For leaving him all alone all this time. For not giving back his love. For making him chase for me. For making him wait.

"K-Kuya! Kuya tama na... "

"No! Hindi ako aalis hangga't hindi siya nagigising, Jun. Rachi needs me. He needs to see na narito na ako. He doesn't need to wait anymore!" pagmamatigas ko habang humahagulhol.

He's not moving anymore. I know. I feel it dahil yakap ko ang malamig na niyang katawan. Hindi ko lang matanggap. Ayaw kong tanggapin.

"Rachi please..." I pleaded desperately. "I'm here, baby. So please, wake up for me."

"Kuya, tama na... H-He's not going to wake up any —"

"No!" galit kong sigaw sa kapatid. "Paano kung mali ang mga doktor sa akala nila? What if he'll wake up kapag umalis ako rito? Rachi said he'll wait for me! He said —"

Halos mapabaling sa gilid ang ulo ko nang tumama sa aking mukha ang palad ni Shainon. He slapped me so hard I felt my world rotating again. Ang hagulhol ko'y biglang naging impit na pagtangis.

"Don't be dumb, Jin!" Shainon shouted as tears won't stop flowing from his eyes, too. "Patay na siya. Rachi is dead. Nangyari na ang nangyari. He's not with us anymore!"

After he said that, he left the room. Hinabol siya ng kapatid na si Sanjou leaving me and Jun inside. Yakap ko pa rin ang katawan ni Rachi at kahit pinamukha na sa akin, ayaw ko pa rin siyang bitawan. Ayaw kong tanggapin.

"Kuya... " Lumapit sa akin si Jun at hinagod ang aking likod.

"Sabi niya hihintayin niya ako, Jun. He said he'll be there to wait... pero ang gago ko. Hindi ako bumalik. Iniwan ko siya." I traced his cheek with my fingers and I saw my tears dripping on his face. "Bakit bigla na lang siyang nagdesisyon na pumunta sa kabilang buhay?"

"I'll be waiting. You'll come back again, right?"

Those worda gave a seering pain in my heart. Alam kong hindi ko na maibabalik ang sandali na iyon. As long as I live, I'll regret not coming back to him. And I guess, I deserve that.

Sorry. I'm sorry, Chi. Sorry for causing you nothing but so much pain.

Marahan kong niyuko ang aking ulo at binigyan ng halik ang maputla na niyang mga labi. It was cold. It was painful. I'm so late. Too late. His death made me realize that all this time, I'm so wrong.

Masakit pala na maiwan ng walang pasabi. Masakit pala na mawalan ng taong mahal. Higit sa lahat, sobrang sakit pala na magpalaya kahit na ayaw mo pang bumitaw. Ngayon... alam ko na.

Dahil wala ka na.

To. Be. Continue.

AN: In loving memory of Rachi Sakura. You're one of my beloved characters, Chi. Thank you for the experience. I love you. I thought you'll be happier this way. You won't be in pain anymore. :')

Last 4 chapters.

P.S.
Please look forward to Rachi's side story. Not that soon, but it will happen. I already planned on writing it at makikita niyo sa bio ko rito sa Wattpad ang title no'n. I won't keep it a secret to you guys for too long. :) Sana samahan niyo pa rin akong tapusin itong Chasing Your Love, no matter what the ending is. They'll be happy on their own ways. <3

🌈 BLS3: Chasing Your Love (BL) ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon