EIGHTY SEVEN

6.7K 182 25
                                    

J E M A's

" see you later love, spend your lunch with me " sabi ng asawa ko at humalik sa noo ko hinatid nya kasi ako dito sa resto

" opo, hintayin kita dito love. Please drive safely " sagot ko at yumakap sa kanya

" I will love, I love you " she replied

" I love you the most dear, sige na male-late kana sa meeting mo. See you later " sagot ko at mahina syang tinulak papasok sa car nya

Inantay kong maglaho sa paningin ko ang sasakyan nya bago pumasok.

" Goodmorning po ma'am " bati ni Roma ngumiti naman ako at inaya sya sa office kailangan naming mag-usap

" so about sa event Roma, anong balita doon? " tanong ko

" kailangan po natin ng dagdag na tao during the event ma'am marami po kasing aattend na bisita lalo at anak ng businessman ang magbi-birthday " sagot nya tumango ako

" how about sa food ano daw ang gusto nila? May specific ba silang ipapahanda? " tanong ko ulit umiling lang sya

" wala naman po silang sinabi ma'am bukod sa gusto ng celebrant na italian food ang karamihan " sagot nya

" kakayanin kaya natin yun? " tanong ko ngumiti naman sya

" Oo naman po ma'am, ikaw pa ba kakayanin natin yun saka sayang po yun ma'am kung hindi natin makukuha " sagot nya well tama naman sya kung makuha namin ito pwede ko pang bigyan ng short break ang mga tao ko


" Okay basta i-update mo agad ako Roma kung may karagdagan pa silang bilin. " sagot ko tumango lang sya at ngumiti

" ma'am feeling ko nakita ko na yung client " sagot nya kumunot ang noo ko

" Sigurado ka ba saan? " tanong ko

" Ewan ko ma'am basta familiar sya sa akin " sagot nya

" baka naman nagawi na dito sa atin kaya familiar sayo " sagot ko pero napaisip naman ako kung sino

" mhmh ewan ko ma'am baka nga po, may gusto ka po ba ma'am ipaghahanda po kita " sagot nya at inayos ang mga folder na dala nya

" coffee nalang Roma, kumusta pala ang baby mo? " tanong ko napangiti naman sya

" okay lang po sya ma'am, minsan kinukulit nya ako na dumalaw dito hehe " nahihiyang sagot nya

" oh bakit naman hindi mo sya dalhin dito, wala namang problema. " sagot ko nagliwanag naman ang mukha nya

" salamat po ma'am saka na po siguro marami pa po tayong inaasikaso " sagot nya tumango lang ako nagpaalam na sya na magtimpla ng kape sandali

Nagbasa lang ako ng mga emails sa laptop, hindi ata nagtext ang asawa ko kung nakarating na baka nalate na sya at dumiretyo na sa meeting.

" Ma'am nandito na po yung coffee " sabi ni Roma at nilapag sa table ko ang kape na may kasamang cake saka sya lumabas dahil mukhang marami ng customer ang nandito

Hindi ko namalayan na lunch time tatayo na sana ako ng may pumasok, hayyy hindi na talaga sya natutong kumatok

" hey love! " bungad nya at inabutan ako ng bulaklak hinalikan ko naman ang pisngi nya

I'm the Boss but she's my Big BossWhere stories live. Discover now