SIXTY SIX

8.4K 206 9
                                    

J E M A's


" We're home po " sigaw ni Deanna ng makapasok kami sa condo lumabas naman sila Nanay galing sa guest room nagmano naman kami

" Ang dami nyo atang dala " puna ni Nanay ng mapansin ang mga dala namin

" Opo nay, naggrocery po talaga kami para sa hapunan natin " sagot ko naman

" sige na umakyat na muna kayo at magbihis ako na ang bahala dyan " sagot ni Nanay umiling lang ako

" tutulungan po kita nay " sagot ko

" sige anak kung yan ang gusto mo mauna na ako sa kusina doon na kita aantayin " sagot ni nanay tumango lang ako saka naglakad papunta sa room namin

" Tutulong din ako love " sabi ng fiance ko

" Okay na kami ni nanay doon love bonding na namin yun please, makipagkwentuhan ka nalang kina tatay at Mafe " sagot ko ngumiti naman sya kaagad

" sige na nga namiss ko rin makipagkwentuhan sa kanila " sagot nya sabay na kaming bumaba sya dumiretyo sa living room ako naman sa kitchen

" nay anong naitutulong ko po? " tanong ko

" hiwain mo nalang yung mga nabalatan ko anak " sagot ni nanay tumango naman ako

" kumusta naman ang pinuntahan nyo ni Deanna anak? " tanong ni nanay

" Okay lang po nay, nasimulan na po yung plano sa kasal po namin " sagot ko naman

" Mabuti naman anak, baka sa susunod na araw uuwi narin kami babalik nalang kami ulit " sagot ni nanay bigla naman akong nalungkot sa narinig ko

" Bakit nay sawa na po ba kayo dito? o may problema po ba? " nagtatampong tanong ko ngumiti naman si nanay at pinisil ang pisngi ko

" ikaw talagang bata ka, hinding-hindi kami magsasawa ng tatay mo na nandito at saka walang problema kailangan lang namin bumalik dahil sa mga naiwan naming napanim ng tatay mo at yung trabaho nya sa bukid " sagot ni nanay

" pero babalik naman po kayo kaagad diba? " tanong ko ulit

" hindi pa nga kami nakakauwi anak pabalik na agad hehe " pagbibiro ni nanay ngumuso lang ako

" syempre nay tinatanong ko na para siguradong babalik kayo hehe " sagot ko

" Oo naman anak babalik kami " sagot ni nanay ngumiti naman ako

" tawagin mo na sila at makakain na tayo " dugtong ni nanay tumango lang ako saka pumunta sa living room nadatnan ko naman silang tumatawa sa pinapanood nila

" pasensya na po sa istorbo pero ready na po dinner hehe " pagbibiro ko tumawa naman sila at tumayo

" Hay mabuti naman ate at kanina pa ako nagugutom " sagot ni bunso inikutan ko lang sya ng mata

" wag ako Mafe lagi ka naman talagang gutom " sagot ko ngumuso lang sya natawa nalang si tatay

" grabe ka kay Mafe love " sabat ni Deanna tawa lang ang naisagot ko

" hindi ka pa ba nasanay sa biruan namin love  hehe " sagot ko tumawa lang sya pinaghila naman nya ako ng upuan. Si tatay ang nag-lead ng prayer saka kami tahimik na kumain

" Deanna bakit parang hindi pa umuuwi ang Daddy mo? " tanong ni tatay

" B-Busy po kasi sya tay bihira nga lang po kami magkita kung nandito sya sa Pinas " sagot ni Deanna

I'm the Boss but she's my Big BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon