ONE HUNDRED NINETEEN

4K 142 38
                                    

J E M A's



" Nayyyy! wala pa ba ang asawa ko? " nahihirapang tanong ko




" Anak on the way na sila ni Celine, yang sarili mo ang isipin mo anak, kayo ng anak mo. " pakiusap ni nanay





" Kung bakit kasi umalis pa ang asawa mo kung alam na malapit ka ng manganak. Dapat sa mga ganitong sitwasyon nasa tabi mo na sya" sagot naman ni tatay





" Tay naman nagka-emergency sa company nila ate Deanna intindihin mo nalang hindi naman ginusto ni ate Deanna na wala sya ngayon. " sagot naman ni Mafe buti nalang at naiwan ang family driver namin




" Tama na ho darating ang asawa ko. " sagot ko naman tumango lang sila




Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa hospital, bigla-bigla kasing nakaramdam ako ng sakit sa aking tyan kaya ang sabi ni nanay mas mabuti narin kung pumunta kami dito.





" Ma'am Jema two days pa po bago ng due date nyo, ano pong nangyari? " tanong ni doc





" Bigla nalang kasing sobrang sakit ng tyan ko doc, yung pakiramdam na parang hihimatayin na ako sa sakit. " sagot ko tumango naman sya




" I-aadmit na kita para maobserve ko kayo ni baby. " sagot ni doc tumango naman ako




" Nay wala pa po si Deanna? " mahinang tanong ko hinawakan naman nya ang kamay ko




" Malapit na ang mga yun anak, mabuti pa magpahinga kana muna. " sagot ni nanay tumango naman ako at pinikit ang mga mata ko




Sobrang sakit parin ng tyan ko, hang in there baby can't wait to see you.



D E A N N A's




" Boss kalma baka maaksidente tayo, kung gusto mo ako na ang magdadrive. " suggest ni Celine umiling naman ako




Ang lamig ng pawis ko, nanlalamig ang buong katawan ko ng tumawag si nanay at sabihin ang sitwasyon ng asawa ko




Kasalanan ko to kung bakit pa ako pumasok sa office.



" Boss makakarating din tayo, kaya kumalma ka baka kung anong mangyari sa atin dito sa daan" pakiusap ni Celine napabuntong-hininga ako



" Natatakot ako Celine baka may mangyari sa mag-ina ko habang wala ako sa tabi nila. " sagot ko at napabuntong-hininga



" Boss magdasal ka lang hindi makakatulong sayo kung mag-iisip ka ng negative, busy lang sila tita kaya hindi masagot ang tawag mo. " sagot nya tumango-tango naman ako at pinilit kinakalma ang sarili ko



Lord ikaw na ang bahala sa mag-ina ko.





" Tinawagan ko na si Tots boss dadalhin yung ibang gamit nyo doon, susunod sya. " sabi nya tumango naman ako




" May naiisip ka na bang pangalan ng anak ninyo? " tanong ni Celine





" Gusto ko kasing ang asawa ko ang magpangalan sa baby namin. " sagot ko sa kanya




" Gusto mo bang ako na ang mgdrive boss? " tanong ni Celine umiling naman ako




" Hindi na, okay lang ako hindi lang maiwasan na mag-alala ako para sa mag-ina ko. " sagot ko narinig ko naman ang buntong-hininga nya



" Kumusta naman yung lakad mo kasama nung malanding nilalang? " tanong nya kumunot naman ang noo ko



" She wants us to work together in the company alam mo namang hindi pwede diba? Jema hate her so much, I can't hurt my wife hindi ko yun magagawa sa kanya " I replied




" Naku boss kahit naman ako noh kung ako ang nasa posisyon ni Jema hindi ko talaga gugustuhing makatrabaho mo yung gagang yun parang di gagawa ng mabuti yun kapag kasama ka nya  " sagot ni Celine




" Hindi ko alam kung anong gagawin ko, lalo na kung magpull-out yung mga investors, their family is powerful. " sagot ko sa kanya



" so wala kang choice kundi pumayag sa kagustuhan nya? paano ang bestfriend ko hindi yun matutuwa sayo. " sagot nya napasulyap naman ako sa kanya





" Hindi ko na alam ang gagawin ko, I need to save the company pinaghirapan yun ng great grandparents ko, pero ayaw ko ring masaktan ang asawa ko sa mga desisyon ko. Wala naman akong hangad kundi bigyan sya at ng magiging anak namin ng magandang buhay pero paano ko gagawin yun kung nasa alanganin ang company ngayon " malungkot na sagot ko sa kanya



" Boss naniniwala ako sayo na magkakaroon karin ng solusyon sa problema ng company pero sa ngayon kailangan ka ng mag-ina mo. " sagot ni Celine tumango-tango naman ako





Pagdating namin sa hospital dumiretyo na kami kung saan ang room ng asawa ko.



" Loveee okay ka lang? " nag-aalalang tanong ko tumango naman sya


" O..Okay lang ako, hindi na ganun kasakit yung tyan ko. Bes salamat sa pagsama sa asawa ko. " sagot nya ngumiti lang si Celine at tumango




" Ano ba kasing ginawa mo sabi ko naman bawal ka ng masyadong gumagalaw? " tanong ko sa kanya at naupo sa tabi nya



" Magluluto sana ako love ng biglang sumakit yung tyan ko kaya sinabi ko na agad kay nanay kaya eto dinala na nila ako dito. " paliwanag nya tumango-tango naman ako at hinalikan ang noo nya




" Anak hang in there baby okay. " I said and kissed her tummy


" Nanay anong sabi ni doc? " tanong ko at inalalayang mahiga ang asawa ko


" O-obserbahan pa daw sya pero dito na daw sya hanggang sa manganak para mas matutukan ni doc. " sagot ni nanay tumango naman ako



" Deanna mag-usap tayo saglit. " sagot ni tatay at naglakad palabas sinundan ko naman sya


" Tay ang seryoso mo naman, huwag mo namang takutin yang asawa ko. " mahinang sagot ng asawa ko ngumiti lang ako at hinalikan ang kamay nya



" Shhh magpahinga ka lang dyan love akong bahala kay tatay. " bulong ko at hinalikan ang pisngi nya bago naglakad palabas




" Tay pasensya na ho kung wala ako kanina. " sagot ko tumango-tango naman sya


" Deanna hindi ako galit sayo ha, pero ang nais ko lang manatili ka naman sa  tabi ng asawa mo sa ganitong sitwasyon. Oo nandito kami pero iba parin kapag nandyan ka, kailangan ka ng asawa mo sayo sya huhugot ng lakas sa ganitong pagkakataon. " sagot nya tumango-tango naman ako



" Opo tay sorry po talaga kung wala ako kaninang tinakbo ang asawa ko sa hospital, sorry po kung inuna ko yung trabaho ko hindi ko po alam na ganito po ang mangyayari. " sagot ko tumango-tango naman si tatay at tinapik ang balikat ko




" Sanay sa hirap ang anak ko Deanna, masaya sya sa mga simpleng bagay. Huwag kang mapressure sa pagbuo ng pamilya nyo dahil ang masayang pamilya yun ay ang kompletong pamilya, yung pamilya na magiging pahingaan mo, yung pamilya na buo simple pero masaya. Di nabibili ng pera ang kasiyahan. " sagot ni tatay bago ako iniwan napabuntong-hininga naman ako


Kinukulang na ata ako ng oras sa asawa ko at sa magiging anak namin, masyado na akong nasubsob sa trabaho.

I'm the Boss but she's my Big BossWhere stories live. Discover now