ONE HUNDRED SEVENTEEN

5.3K 149 43
                                    

D E A N N A's




" We need to talk, you need to meet me. " she texted I sighed and massage my temple






What should I do now? My wife and I are on vacation.






" Love? " my wife called me out






" You look stressed, I brought something for you. " she said and handed me a glass of juice with a pan cake




" Thanks love, baka mapagod kayo ni baby " sagot ko at hinalikan ang tyan nya






" Mas okay daw itong gumagalaw ako hindi yung tulog ng tulog sabi ni nanay " sagot nya tumango naman ako




" May problema ba love? nakatulala ka ng makita kita " sagot nya at naupo sa tabi ko umiling naman ako





" May problema ba sa office mo? madalas ang tawag sayo ni Celine ah " sagot nya at tumitig sa akin




" Huwag mo ng isipin yung sa office love kaya ko namang solusyonan kung may problema man, ang akin lang alagaan mo ang sarili mo first baby natin yan iwas stress okay? " sagot ko tumango naman sya






" Kaso hindi ako panatag kapag napapansin kong tahimik ka love. Nandito nga tayo pero yung isip mo naman nasa office mo. Paano tayo mag-eenjoy nyan? " tanong nya hinaplos ko naman ang pisngi nya






" Okay lang ako love pagpasensyahan mo nalang ako kapag pinapauna kitang matulog. " sagot ko tumango naman sya





" Naiintindihan ko naman ang work mo love baka nakalimutan mong naging secretary mo din ako kaya alam ko kung gaano ka ka-busy sa trabaho mo. " sagot nya




" Pero love huwag naman masyado ha kasi gusto ko kapag manganak na ako hands on tayo sa baby natin so if possible adjust your time ha. " dagdag nya tumango naman ako





" Sige na love maiwan na muna kita, lumabas ka nalang kapag tapos kana sa ginagawa mo doon lang ako kay nanay at Mafe " paalam ng asawa ko tumango naman ako at hinalikan ang noo nya saka sya pinanood na naglakad






Bigla namang nagvibrate ang cellphone ko at nakitang si Celine ang tumatawag.




" Ced may problema ba? " tanong ko sa kanya narinig ko ang buntong-hininga nya





" Boss D yung ibang investors nagba-back out na, nawawalan sila ng tiwala sa atin. " sagot ni Celine





" Kausapin mo sila, sabihin mong haharapan ko sila pagbalik ko dyan " sagot ko





" Susubukan ko po boss, sige po. " paalam nya napasandal nalang ako sa aking upuan




Kailangan kong ayusin ito kundi babagsak ang mga kumpanya.




Kailangan kong palaguin ang company kung gusto ko masecure ang buhay ng pamilya ko lalo na ngayon at magkakaanak na kami ng asawa ko.




Lumabas naman ako at hinanap ang asawa ko, nanood sya sa sala.




" Tapos ka na? " tanong nya inaya akong maupo sa tabi nya agad naman akong umakbay sa kanya



I'm the Boss but she's my Big BossWhere stories live. Discover now