FIFTY FIVE

9.5K 228 23
                                    

J E M A 's


Nandito na ako sa restaurant pero parang lutang parin ang isip ko sa mga sinabi ni Deanna tungkol kay Roma

Ang hirap paniwalaan na sobrang desperada si Roma na magkaanak sa fiance ko kaya nagawa nya ang mga bagay na ganun

Ibig sabihin nun malala talaga ang sakit nya noon, pero ang tanong okay na kaya sya ngayon? Nagamot na kaya ng tulungan ang obssessive compulsive disorder nya?

Paano kung buhay nga ang batang yun? Paano kung hilingin ng batang yun na mabuo ang pamilya nya? Iiwan kaya ako ni Deanna para sa kanya?

" Ma'am dinalhan na po kita ng snack " nakangiting bungad ni Roma hindi ko alam kung anong mararamdaman ko sa mga nalaman ko lalo at nasa harap ko sya pinilit ko namang ngumiti

" Salamat Roma, how about you nagsnack ka narin ba?  " magiliw na tanong ko naman ngumiti lang sya at umiling

" Hindi pa po ma'am, inuna ko lang po kayong dalhan " paliwanag nya tumango lang ako

" How don't you join me " aya ko sa kanya

" Nako hindi na po ma'am makaistorbo lang po ako sa inyo " nahihiyang sagot nya ngumiti lang ako

" No its okay I insist wala rin naman akong kasabay kasi, kumuha kana ng snack mo at samahan mo ako " sagot ko naman

" S-Sigurado ka po ma'am? nakakahiya po kasing sumabay sa inyo " she replied ngumiti lang ako kailangan kong makuha ang loob nya

" Of course sige na hintayin kita " sagot ko tumango lang sya at naglakad palabas ng office inayos ko naman ang mga gamit ko sa table

Ilang sandali lang ay bumalik na sya at may dalang pizza at pineapple juice

" Birthday mo ba? Mukhang manlilibre ka hehe " pagbibiro ko tumawa naman sya

" Hehe hindi naman po ma'am nakakahiya lang po kasing wala akong dala na ibang food " sagot naman nya ako naman ang tumawa

" Well okay lang naman sa akin kahit ano, hindi ako pihikan galing ako sa simpleng pamilya " sagot ko kumunot naman ang noo nya

" Ang hirap naman po atang paniwalaan na galing ka po sa simpleng pamilya, ang bata mo pa po pero may sarili la ng business " namamanghang sagot nya

" Actually may gusto lang akong patunayan at ipaglaban, at itong business na ito hindi naman sa akin " sagot ko naman halata naman na nabigla sya

" Kahit na po ma'am part ka parin nitong restaurant isa ka parin na may-ari nito " sagot naman nya

" Siguro nga, maiba ako ng usapan. Ikaw ba may pamilya pa dito o may kapatid ka ba? Sa tingin ko kasi sayo masyado kang independent " she cleared her throat and look away

" O-Oh s-sorry Roma I should not ask personal stuffs " pagpapatuloy ko ngumiti naman sya

" U-Uhm its okay ma'am, may family po ako nasa abroad nga lang sila ako lang po ang bumalik dito " sagot nya so totoo pala ang sabi ni Deanna na mayaman sila na plinano nya ang lahat


" Wow, maybe there's a reason why you came back. Syempre mas okay ang buhay sa ibang bansa with your family I mean mas malaki ang kita doon " sagot ko naman tinignan nya lang ako

" Uhm nakakasawa na rin kasi ang buhay doon ma'am saka mas okay parin sa akin dito " sagot naman nya

" At syempre alam ko rin na galing ka sa may kayang pamilya coz you can afford to stay in abroad but i'm curious kung bakit pinagpalit mo yung buhay mo dun kaysa dito i'm sure mas maganda ang work mo doon " sagot ko naman nag-iwas naman sya ng tingin

I'm the Boss but she's my Big BossTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon