THIRTY ONE

10.9K 286 123
                                    

Jema's Pov

Paggising ko kinapa ko si Deanna nagulat ako na wala sya, mhmh nakakapagtaka naman na ang aga nyang bumangon ngayon.

Kaya after kong ginawa ang rituals ko bumaba na rin ako, saan nagpunta yun at wala dito sya ang nakainom kagabi pero nauna pa syang bumangon

I'm sure nasa room parin nila sila Lola at Lolo kasi maaga pa talaga. Hay Deanna Wong nasaan ka ba?

Nagprepare nalang ako ng breakfast saka ako bumalik sa room namin tinignan ko ang mga gamit nyang pang-office nandito naman o baka hindi nya lang dinala?

Mhmh puntahan ko nalang kaya sya sa office, para makabawi ako sa nagawa ko kagabi. Tama puntahan ko nalang sya

Pagbaba ko wala parin sila Lola nag-iwan nalang ako ng note sa table saka lumabas sinalubong naman ako ni Mang Berto

" Goodmorning Ma'am Jema saan po tayo? " bati ni Mang Berto ngumiti lang ako

Goodmorning din po manong sa office po ni Deanna ang aga nya po kasing umalis baka hindi pa sya nagbreakfast sagot ko naman

" Ang swerte talaga ni Boss Deanna sayo ma'am napakabait nyo po at maalalahanin " sabay ngiti ni manong

Nako manong hindi ako mabait masungit kaya ako hehe tumawa lang sya

" Hindi naman po halata ma'am hehehe " nagtawanan nalang kami ni Mang Berto

Pagdating sa company ni Deanna dumiretyo na ako sa office nya kumatok ako bago pumasok pero pagbukas ko kumunot ang noo ko wala si Deanna dito, so nasaan nga talaga sya?

Umupo lang ako sa couch nagbabaka-sakali na may pinuntahan lang sya hanggang sa bumukas ang pintuan akala ko si Deanna ang papasok pero hindi si Celine nagulat naman sya ng makita ako

" Bes biglaan ata ang dating mo? " takang tanong nya

Oo ang aga kasing nawala ni Deanna kaya ang alam ko pumasok na sya sagot ko

" Halla bes hindi ba nasabi ni Boss Deanna na hindi sya papasok ngayon? " tanong nya na kinagulat ko so kung hindi sya pumasok saan sya nagpunta?

Ano? wala naman syang sinabi na hindi sya papasok? may need ba syang i-meet na investor?

" Wala bes actually pinare-schedule nya lahat ng appointment nya today, akala ko nga baka bonding time nyo " sagot nya kaya kumunot ang noo ko ganun ba kaimportante ang pinuntahan nya?

Hay ganun ba bes? eto may dala akong breakfast sayo nalang sabay ngiti ko

" Thanks bes kahit alam kong para naman ito sa jowa mo hahaha " pang-aasar nya inikutan ko lang sya ng mata

Imbes na asarin mo ako dyan magpasalamat ka nalang bes sabay irap ko tumawa lang sya

" Hehe ang seryoso mo bes, oo na salamat dito bestfriend " sabay kurot sa akin nailing nalang ako

Sige na bes tawagan mo ako kung papasok si Deanna ha

" Oo bes alam ko naman na inlove na inlove ka dun hehe " inirapan ko lang sya

Gaga ka talaga sabay hampas ko nagpout naman sya

" Go na bes baka nandun lang naman sa condo nyo si Boss Deanna masyado kang paranoid haha " kantyaw nya sa akin

Sige salamat ha sa pang-aasar mo ewan ko ba kung paano kita naging bestfriend sabay irap ko nailing lang sya at tumawa nagbeso na ako sa kanya bago naglakad

I'm the Boss but she's my Big BossWhere stories live. Discover now