Saan ko nga kasi narinig ang WDLG'S? That name is so fam-

"Jema!" She cut off my thoughts.

"Ay jusmeyong marimar!" Napasigaw din ako ng gulatin ako ng baliw kong kaibigan. "Bakit ka ba nanggugulat ha?!"

"Hindi kita ginugulat. Kanina pa kita kinakausap pero no response. Kasalanan ko ba kung lutang ka?" Pinantayan niya ang pagiging mataray ko at tinaas ang kilay.

"Jusko ka talaga Kyla. Ano bang sinasabi mo kanina?" Pagbabalik ko sa usapan at umupo muna saglit.

Wala pa kasi ang iba dito including Deanna, Bea and Ponggay kaya hihintayin muna naming makumpleto kami. And 6:45 pm pa lang naman so they still have 15 more minutes.

"Saan nga ulit natin nakita tong WDLG's?" Tanong niya habang nakahawak pa sa baba.

"Yan din ang iniisip ko kanina Ky. It sound familiar kas-" Someone didn't let me finish.

"Yan yung pangalan ng restaurant na malapit sa firm natin." Ate Jia cut me off.

Pero hindi ko lang yun dun narinig.

Hmm...

"Malalim na naman ang iniisip mo Jema. Bakit parang ang big deal naman yata ng nasa utak mo?" Tanong ni Kyla na nakahalumbaba.

Hindi ko siya sinagot at pinakaisip ko kung saan ko narinig yun.

WDLG'S...

WDLG'S...

WDLG'S...

Aha! Doon ako dinala ni Bea then she told me that they are the one who owns it.

"I knew it! Sina Bea ang may-ari ng WDLG'S." Kumunot ang mga noo sa sinabi ko at takang tumingin sakin.

"Huh? Are sure Jems? Baka naman yung doon lang sa Pilipinas at hindi dito." Sabi ni Eya.

"Hindi ako nagkakamali. Sa kan—" May sumingit na naman sa usapan.

"Tama si Jema. We owned all the WDLG'S Restaurants, Hotels, Condominiums and a lot of buildings not only in the Philippines but around the world." Inis kong nilingon ang pinanggalingan ng boses pero agad ding nagbago ang ihip ng hangin nang makilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun.

Siguro nakatulog toh kanina. Mukha siyang bagong gising e hehe.

"Wow! Sobrang yaman niyo na siguro noh." Manghang saad ni Kyla na nanlalaki pa ang mata.

"Haha hindi naman." Pahumble na sagot ni Bea.

"Dapat libre na lang kami nyan sa WDLG'S." Pagpaparinig ni Kyla kaya binatukan ko siya.

Ang kapal ng mukha e! Parang hindi niya boss ang kausap niya.

"Hindi ka na nahiya." Giit ko sa kanya.

"It's okay Jems haha and no problem Ky. Basta sabihan niyo lang kami kapag pupunta kayo sa WDLG'S Branches." Taas-babang kilay na sagot ni Deanna kaya naghiyawan sila sa saya.

Tumabi naman siya sakin. "Hey."

"Ayan e. Humohokage na si CEO Wong haha!" Pang-aasar ni Yumi na ikinatawa ng iba.

Hindi ko sila pinansin at tinignan ang katabi ko. "Hi. Bakit ngayon lang kayo?"

"Yan kasing si Ponggay ang hirap gisingin kaya natagalan. Did you wait for too long?" Medyo may pagkadismaya ang boses niya kaya ngumiti muna ako sa kanya para ipakitang okay lang.

My Immortal Crush  Where stories live. Discover now