Chapter 28- Reunion

347 17 9
                                    

Tine's Pov

It's been a month when I recieved that Reunion Invitation, and bukas na yung Event.

I'm kinda excited and I'm also kinda nervous, pinadalhan din kasi sya ng invitation eh. So I suppose that he'll be there.

Nasa mall ako ngayon, namimili ng damit na susuotin ko bukas. Kasama ko ngayon si Phuak.

"Pre, Reunion lang naman yung pupuntahan natin hindi kasal." Pang-aasar niya sa'kin ng makitang nahihirapan ako sa pagpili ng damit.

"Ikaw kahit kelan paki-alamero ka talaga ano? Kung tulungan mo nalang kaya akong mamili dito" sabi ko sa kanya at sa wakas ay nakapili na rin ako.

"Sige na bayaran mo na yan, nagugutom na'ko. Mag Jollibee nalang tayo" sabi niya at natigilan naman ako ng konti.

Andami naming alaala sa Jollibee...

"Hoy, tulala ka na naman dyan. Sana di ko nalang binanggit yung Jollibee, sige na mag bayad ka na" sabi niya at pumunta na kami sa counter.

Makalipas ng ilang oras ay naka-order na kami sa Jollibee, inilagay ko na yung tray sa table namin ni Phuak.

Tahimik lang kaming kumakain ng biglang tumugtog yung kangtang 'Pagtingin'.

Natulala na naman ako.

Napansin ata ni Phuak yung pagkatulala ko at sinubukan niyang agawin yung manok na nasa plato ko. Agad ko namang hinampas yung kamay niya.

"Hm, ayan kasi tulala ng tulala. Ba't ba kasi di ka maka move-on sa kanya? Antagal na nun Tine, ang tagal na." sabi niya habang hinihiwa yung manok na nasa plato niya.

"Hindi mo kasi naiintindihan Phuak eh, nangako kasi siya sa'kin. Hindi niya daw ako iiwan, at ako pa daw din yung uuwian niya." Sagot ko kay Phuak

"Tine alam mo bang hindi lahat ng pangako natutupad?"

"Alam ko Phuak, pero iba kasi si Sarawat eh. Alam ko kung paano sya mangako, tutuparin niya talaga yun" sabi ko naman sa kanya at tinigilan ko muna ang pag-kain ko.

"Tine it's been 7 years, yung iba nating ka batch ikakasal na, yung iba nga may anak na. Tapos ikaw, anjan ka parin, hinihintay mo parin siya." Sabi niya at may punto naman siya.

"Alam mo Phuak, minsan nahihirapan din ako eh. Ang hirap gumising sa bawat araw na alam mong yung hinihintay mong bumalik ay baka hindi na bumalik at masayang lang yung ilang taong paghihintay mo." sabi ko, at tumango lang naman siya.

"Sana'y nakong makarinig ng mga sinasabi nilang "Mahirap mag hintay sa wala" pero alam mo kung alam mo kung ano yung napagtanto ko?" Tanong ko sa kanya.

"Ano?" Maikling sagot niya naman.

"Mas mahirap mag hintay sa parang meron"

Magical Time Skip
1 Day Later

Eto na yung araw na pinakahihintay ko, makikita ko na siya ulit.

Inihanda ko na yung damit na gagamitin ko mamaya sa Event, naka handa narin yung espesyal kong pabango.

I cancelled all my schedules for today, just for this special day.

Just for him.

4:00pm

Nagbihis na ako kahit 6pm pa yung start ng Event, it's better to be early.

'Atty. Susunduin ka ba namin jan?'

Tanong ni Fong sa kabilang linya

'Can you please refrain yourselves from calling me Attorney? Nakaka akward kayo.'

'Oo na, eto naman ang arte arte. So ano susunduin ka ba namin dyan?'

Tanong ni Fong.

'Oo na sge na, sunduin nyo na ko. Basta bilisan niyo sa pag dadrive, ayokong malate  '

'Oo wag ka mag-alala, dahil andito na kamo sa labas ng bahay mo. Nangangalay na ki dito'

Nagulat ako sa sinabi ni Fong kaya agad akong tumingin sa bintana at nakita ko silang tatlo sa labas, kumakaway.

Agad na akong bumaba at sumakay na, dumiretso na agad kami sa venue kung saan gaganapin ang event. Which is sa University lang naman.

Pagdating na pagdating namin dun ay agad kaming sinalubong nang mga kaklase namin dati, and buti nga hindi pa nagsisimula yung program.

Nagpaalam ako sa tatlo na maglilibot muna ako saglit sa University at babalik agad ako pag nag start na yung program.

Pinuntahan ko yung lugar kung saan andaming naganap na masasayang alaala.

It was the place where he first called me 'Expe'.

Umupo muna ako sa isa sa mga benches, specifically yung bench na inuupuan namin palagi.

Lumakas bigla yung simoy ng malamig na hangin, agad ko namang inilagay yung dalawa kong kamay sa magkabilang balikat ko. Nilamig ako saglit.

"Giniginaw ka?" I heard a voice spoke.

And after seven years of waiting, finally... I heard that voice again. I'm sure it's him, because his voice immediately sent butterflies to my stomach.

Agad akong lumingon sa pinanggalingan ng boses, at mas lalong lumakas yung pintig ng dibdib ko ng makita ko sya ulit.

"You're back..." I said then I smiled at him

:)

@StudentAndrea




Pasensya na kayo, antagal kong di nakapag-update. Nabusy ako sa modules ko huhuhu, but as I always say. Mag-uupdate ako pag may freetime ako, so bye byeeeeee

Stare (2gether The Series Fanfic) [Tagalog] {Completed}Where stories live. Discover now