Chapter 1- First Glance

1.8K 46 4
                                    

Tine's Pov

Andito ako ngayon sa condo ko habang hinihintay ko yung mga kaibigan kong susundo sa'kin.

Sila Fong, Phuak, at Ohm.

Excited nga pala ako ngayong araw nato dahil its our first day of being a college student, medyo kabado ako pero nangingibabaw parin sa'kin yung excitement.

Excited ako kasi balita ko, maraming chicks sa papasukan naming university ngayon.

Knowing me, i like girls so much. Naka ilang girlfriend na nga ako eh, kaso ni isa sa kanila walang nag tagal.

Kaya nag-dadasal ako na sana sa pagkakataong to mahanap ko na yung talagang para sa'kin.

Bigla akong napatigil sa pag-aayos ng gamit ko nang biglang mag ring yung phone ko, it was Fong calling.

Agad ko itong sinagot,

[Oh, nasan na kayo? Ba't ang tagal nyo?] sabi ko sa tawag.

[Sorry pre, nagkaproblema kasi yung sasakyan ni Ohm. Ayaw na umandar.] sagot ni Fong.

[Ha?!] gulat na sabi ko

[Hakdog] walang hiyang sabi ni Fong.

[Parang tanga ang puta, eh pano na yan ngayon? Malalate tayo nyan! Mag bibesekleta nalang ako] nag-aalalang sabi ko.

[Wag na, eto na oh. Umaandar na yung sasakyan nya, naririnig mo ba?] inilapit nya sa makina ng sasakyan ang telepono para marinig ko.

[Oo, naririnig ko. Hindi ako bingi, sunduin nyo na ako at baka ma late pa tayo sa first day of college natin] sabi ko at pinutol na ang tawag.

Inayos ko yung buhok ko at nilagyan ng wax, upang hindi ito magulo ng hangin mamaya. May nag doorbell na at alam kong sina Fong na yun, kinuha ko na ang bag ko at kaagad na nag lagay ng pabango. Para naman ma attach sa'kin yung girls kung sakaling aamuyin nila ako.

Pag bukas ko ng pinto ay agad kong nakita sila Fong, Phuak, at Ohm.

"Oh, anong tinitingin-tingin nyo?" Masungit na tanong ko sa kanila.

"Wala, eto naman oh. Tara na" sabi ni Phuak at pumunta na kaming apat sa parking lot ng condo. Agad kaming sumakay sa sasakyan Ohm, mga kanta agad ng "Parokya ni Edgar" yung pinatugtog nya.

Yes, paborito ko yung banda na yun. Well, yun lang din kasi yung palagi kong pinapakinggan HAHAHAHAHAHA.

Pagdating namin sa University ay agad na chineck yung I.D naming apat at pinapasok na kami ni Kuya Guard. Agad naming nahanap yung Room namin, and yes parehas kami ng course apat.

Law yung kinuha namin, wala lang HAHHAHAHAHAHA trip trip lang namin. Balita kasi namin maraming chicks dito sa course na 'to eh kaya eto yung kinuha namin HAHAHHAHAHA.

Papasok na sana kami ng bigla kaming hinarang ng Prof. na babae, nasa 50's na ata sya. Medyo maputi narin kasi yung buhok nya.

"Kayong Apat! Ba't late kayo?! Hindi ba mahalaga sa inyo ang oras?!" Galit na salubong nya sa'min.

"Sorry po Ma'am medyo na traffic po kasi kami" pagpapaliwanag ni Phuak.

"Kasalanan ko ba yun?!" Sigaw nya sa'min.

"Sinisi ba namin kayo?" Sagot ni Phuak na nagpatayo ng balahibo ko.

Puta, mukhang makakaranas kami ng matinding parusa ngayon ah. Halata naman sa mukha ni Ma'am na higit pa sa parusa yung aabutin namin sa kanya.

At tama nga yung hinala ko, naparusahan kami. Pinatayo kaming apat sa harap ng field habang kagat kagat yung dulo ng ruler, at dapat hindi namin yun ibaba hanggang sa itinakdang oras ni Ma'am.

Nagtatawanan lang kaming apat dahil sa nakuha naming parusa, ngunit na tigil kami sa pagtatawanan ng may mapansin kami sa field.

"Pre! Andaming chicks oh!" Sigaw ni Phuak at hindi nya ata namamalayang nabitawan nya na yung kagat nyang ruler.

Tumingin kaming tatlo sa direksyong itinuro nya at tama nga sya, ang daming chicks. Kaso may napansin ako, mukhang may hinahabol silang lalake na nasa unahan.

Tinignan kong mabuti kung sino yung hinahabol ng napakaraming babae, nasa unahan sya at matangkad. Natigilan ako ng biglang huminto ang lalakeng yun, nakatitig lang talaga ako sa kanya.

Mas lalo akong nagulat nung lumingon sya sa direksyon ko, at tinitigan ako ng matagal. Yung titig na para bang nakakatunaw...



Yung titig nya yung dahilan kung bakit sya ang unang lalakeng nagpalakas ng tibok ng puso ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Yung titig nya yung dahilan kung bakit sya ang unang lalakeng nagpalakas ng tibok ng puso ko...


Bukas pa po yung susunod kong update, kasi medyo inaantok na po ako HAHAHAHAHAHA. Sana po nagustuhan nyooooo, i love you all!

@StudentAndrea

Stare (2gether The Series Fanfic) [Tagalog] {Completed}Where stories live. Discover now