Chapter 14- Kapit

339 20 0
                                    

Tine's Pov

"Halika na" sabi ni Sarawat.

"San tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya

"Ayaw mo bang umuwi?" Tanong nya pabalik habang tumatawa.

Tine wag kasi tayo mag expect masyado.

"Ah oo, uuwi na. Anong sasakyan natin? May nahanap ka na bang taxi?" Tanong ko na naman sa kanya.

"Sa motor ko"

"Ano?! Baliw ka ba? Hindi moko pinasakay sa motor ni Green, tapos ngayon ipapasakay moko sa motor mo?" Gulat na tanong ko.

"Sus wag ng maraming satsat, halika na" hinila nyako papunta sa motor nya. Hindi nya parin binibitawan kamay ko.

Agad nyang sinuot yung helmet nya sa'kin, kaya wala na akong ibang choice kundi sumakay nalang.

Papaandarin na nya sana yung motor, kaso napansin nyang hindi ako naka hawak sa kanya.

Agad nyang kinuha yung dalawang kamay ko at pinulupot nya ito sa tyan nya.

"Wag kang matakot, babagalan ko lang yung pagpapatakbo" sabi nya at pinaandar na nya yung motor.

Nakakapit parin ako sa kanya, takot din akong bumitaw baka maaksidente kami.

Pero as usual, dinalaw na naman ako ng antok. Naipikit ko kaagad yung mga mata ko nung sinandal ko yun ulo ko sa balikat nya.

Sarawat's Pov

Naramdaman kong sinandal ni Tine yung ulo nya sa balikat ko, agad akong tumingin sa side mirror para malaman ko kung anong nangyari sa kanya.

"Tulog na naman" sabi ko.

Binagalan ko lang yung pagpapatakbo, kaso bigla syang naka bitaw sa'kin. Dala siguro ng antok nya.

Nag park muna ako sa gilid ng kalsada. Agad kong kinuha dalawa nyang kamay at ipinulupot ko ulit ito sa tyan ko, naramdaman ko namang hinigpitan nya yung pagkakakapit nya sa'kin habang tulog sya.

Akala nya siguro unan ako HAHAHA.

"Kapit kalang, wag kang mag alala. Ligtas ka palagi basta nasa tabi moko, hinding-hindi kita iiwan."

Tumingin ako sa kanya, tulog parin.

"Pangako yan" sabi ko at pinaandar ulit yung motor, hanggang sa makarating kami sa Condo.

:)

@StudentAndrea

Stare (2gether The Series Fanfic) [Tagalog] {Completed}Where stories live. Discover now