Chapter 25- I Like You Too

298 21 3
                                    

Tine's Pov

It's been a week since nangyari yung pag-amin sa'kin ni Sarawat, and I'm still processing everything. Hindi ako makapaniwalang naging ganon ako kamanhid na hindi ko agad na pansin.

I thought he was just doing that sweet stuff para sa fake boyfriend thing pero hindi pala, and I regretted punching him twice on the face.

Nagulat lang naman kasi ako kasi bigla niya akong hinalikan, anger took over. Lalo na nung umamin siya, a felt a slight pain when I saw the blood from his lips brought by the punch I gave him.

Kaya agad akong tumalikod at umuwi mag-isa.

Pero it's been a week na rin na hindi ko sya nakikita, hindi niya na ako sinusundo, hindi na sya nag paparamdam.

Nakakamiss yung presensya niya.

Gusto kong kalimutan yung halik niya kaso hindi ko malalimutan, it's been bothering me this past few weeks.

Magical Time Skip~

3 weeks later

Tatlong linggo na yung nakakadaan pero hindi ko parin siya makita dito sa University, and I want to deny it but I can't...

I miss him.

I've never felt this way before lalo na sa mga boys, girls are always my type. But then everything changed the first time I saw him in the Field.

And that directs me to a conclusion...

I therefore conclude, I like him too.

"Hoy, tulala ka na naman jan" sabi ni Ohm habang nilalapag yung tray na may pagkain sa table namin. Lunch time kasi ngayon at sila lang yung pina-order ko.

"Wala, may iniisip lang." Sabi ko naman, habang paupo na silang tatlo.

"Si Sarawat na naman yan noh?" Sabi ni Fong. And yep, alam na nila. I told them everything, and I'm glad that they're okay with it. Akala ko pa naman mabububog ako.

"Tanungin mo kaya si Man, andun siya sa kabilang table oh" sabi naman ni Phuak.

"Mamaya na, kakain muna ako" sabi ko at nagsimula na kaming kumain.

Nang patapos na kaminv kumain ay biglang nagsalita si Fong,

"Hoy Tine, paalis na si Man. Habulin mo!" Sabi niya at agaf akong napalingon sa likod at tama nga siya, kaya agad kong tinapos yung pagkain ko at tumakbo ako papunta kay Man habang nginunguya ko pa yung pagkain ko.

"Man sandali!" Sabi ko habang hinahabol ko siya. At agad naman siyang tumigil at lumingon sa'kin.

"Oy Tine, pasensya ka na di kita agad napansin. Bakit ano kailangan mo?" Tanong niya.

"Ah t-teka lang" hinihingal kong sabi.

"Nakita mo ba si Sarawat? Hindi ko na kasi soya nakikita this past few weeks eh" sabi ko na nagpagulat sa kanya.

"Di ka ba niya sinabihan? Akala ko alam mo na since close na close kayo." Sabi niya na nagpakaba sa'kin.

"Ang alin?" Tanong ko sa kanya

"Tinawagan siya ng papa niya last week, pinapa-asikaso sa kanya yung mga papeles niya at passport niya. Papupuntahin kasi siya ng Dad niya ng Thailand, his Dad wants him to continue his studies there." Sabi niya na nagpagulat sa'kin.

"Wait what? Akala ko ba he's not in good terms with his Dad? Ba't ngayon sinusunod niya na agad yung mga gusto ng Dad niya?" Naguguluhang tanong ko.

"I guess hindi niya talaga sinabi sayo 'to, he received a news from his mother na nagka-cancer Dad niya, and he has only 3 months left. Kaya nung tumawag yung Dad niya sa kanya last week, they both apologized at each other then his Dad told him his last wish before he dies." Sabi niya.

"Ano daw yung wish ng Dad niya?" I said, I was already holding back my tears.

"He wants Sarawat to continue his studies at Thailand, he wants to see him holding a bachelor's degree at Thailand."

That alone already broke my heart, he was already carrying a big stone in his back and I just rejected him. I'm so stupid!

"Do you know where he is now?" Tanong ko sa kanya, and he just looked down

"Andito siya kanina sa school para magpaalam sa'min, and to clear some things at the school cashier. I don't know if he's still here, coz his flight leaves at 5:30 pm" sabi niya at naramdaman kong parang nabuhusan ako sobrang lamig na tubig.

"But if he's still here, I know where he should be, puntahan mo lang baka andun siya" sabi niya na nagpasigla sa'kin.

"Saan?!" Agad na tanong ko sa kanya.

"Sa rooftop ng Building namin" sabi niya at agad akong nagpaalam at tinakbo ko agad yung building nila.

I was running nonstop, I have to chase him. I have to confess to him.

:(

@StudentAndrea

Stare (2gether The Series Fanfic) [Tagalog] {Completed}Where stories live. Discover now