Chapter 15- Pam

353 25 1
                                    

Sarawat's Pov

Nung nakarating na kami sa harapan ng condo ay agad ko syang ginising, nagulat sya ng malaman nyang mahigpit yung pagkakayakap nya sa'kin mula sa likod.

Agad syang bumaba, akala ko ay papasok na agad sya sa condo pero hinintay nya pa pala akong ipark yung motor ko.

Pagkatapos ko itong ipark at pinuntahan ko na sya sa may main door ng building, aakbayan ko na sana sya ng biglang...

"Sarawat!!!" Sigaw ng babaeng pamilyar sa'kin yung boses.

Nagulat ako sa nakita ko, at lalo akong nagulat ng bigla nya'kong niyakap.

"Pam?!"

Tine's Pov

Nagulat ako ng may biglaang yumakap kay Sarawat na babae, sino kaya tong babaeng to? Die-hard fan nya kaya to?

"Pam?!" Tanong ni Sarawat sa kanya sabay bitaw sa yakap nilang dalawa.

Ahh, kakilala nya pala. Tinignan ko sya at sumenyas ako na mauna na'ko sa kanya.

"Teka lang, Tine sandali!" Sigaw nya pero di ko na sya pinakinggan.

Ang kapal din naman ng mukha nung babaeng yun, bigla bigla nalang nanyayakap. Kita nya namang may kasama yung tao, pero kaibigan nya naman yun. Pero kahit na kasi, may kasama yung tao tapos bigla mong yayakapin. Pwede ba yun?

Shuta, teka ba't ako nagiging ganito? Opss no, hindi ako nag seselos. Nope hindi mangyayari yun, pero bat ba kasi bigla nyang niyakap si Sarawat? Argh, makapagbanyo na nga lang.

After ko mag banyo, kinuha ko phone ko and as usual nag instagram na naman ako.

And pagka open na pagka open ko palang, agad kong nakitang nag ig story sya. Hindi ko alam kung baket pero agad kong pinindot yung story nya.

Agad na bumungad sa'kin yung mukha nung babaeng biglang yumakap sa kanya kanina, it was a selfie, linagyan nya ng caption na "Hacked HAHAHA".

Ewan ko lang pero, biglang uminit ulo ko. Bakit ba'ko nagiging ganito these past few days? Argh, ayoko ng mag-isip, gagawin ko nalang yung mga assignments na pinapagawa sa'min.

After a few hours, malapit ko ng matapos assignment ko kaso nasira bigla yung scientific calculator ko, that's why i gotta use the calculator on my phone.

But just like anybody, hindi calculator yung pinindot ng kamay ko kundi "Instagram".

And tama kayo, nakita ko na namang nag ig story na naman sya. Iniwasan ko ito at tiningnan ko yung ig story ng iba, kaso ngalang. Itong bwakanang inang kamay to, napindot yung story nya, Argh!

Kaya wala akong ibang choice kundi tiningnan ko nalang.

He's at Jollibee, agad koong chineck yung oras sa phone ko kasi di ko alam kung anong oras na.

It's already 11pm, and hindi pa pala ako nakakakain ng dinner. Chineck ko ulit yung story nya and nalaman kong bago nya pa palang story yun, it was posted 2mins ago.

Shet, baka kung nakita nyang nag view ako. Baka sabihin nyang stalker nya'ko, ang assuming pa naman nun.

Nag crave siguro yung babae ng Jollibee kaya pinabili nya si Sarawat? Ang kapal din naman ng mukha nyang mag crave ano? Sya pa yung bumisita tapos sya pa magccrave? Tapos yung binisitahan nya pa yung pinabili nya ng cravings nya?

Ang kapal lang talaga ng mukha nya, shet ito na naman ako. Ba't ba kasi ako nagagalit sa kanila? Kung utusan nya si Sarawat edi okay, kaibigan nya naman yun. Or baka Girlfriend nya, tsk wag ko na nga sila isipin.

But I'm hungry, that's why i checked my fridge. Pero wala itong laman, kaya napagdesisyonan kong lumabas nalang at pumunta sa pinakamalapit na Jollibee. Malapit lang kasi yung condo building namin sa isang branch ng Jollibee dito. Nasa kanto lang.

I grabbed my wallet at sinuot ko sapatos ko, ready na sana akong lumabas ng may biglang kumatok sa pinto. Agad akong tumakbo at sumilip sa peephole ng pinto, kaso likod nya nalang naabutan ko. Pero sigurado ako kung sino yun, I know him. Likod nya pa lang alam kong sya na.

"Sarawat" sabi ko sa sarili ko at binuksan ko agad yung pinto.

Nagulat ako ng mapansin kong may isinabit sya sa doorknob.

It was a Jollibee Kiddie Meal na nakalagay sa plastic, agad ko itong kinuha at binasa yung naka dikit na note.

"Please don't be mad, she was just a friend"

:)

@StudentAndrea

Stare (2gether The Series Fanfic) [Tagalog] {Completed}Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon