Chapter 30: He has a secret

Start from the beginning
                                    

(Hello?)-sya

(Tita, pupunta po ako dyan bukas.)-ako

(Sige. Hindi nyo naman monthsary ah?)-sya

(Namiss po kita eh.)-ako

(Ikaw talaga, kaya nainlove sayo si Dave eh. Oh sige, agahan mo, ipapasundo pa ba kita kay Dave?)-sya

(Hindi na po, malapit lang naman.)-ako

(Oh sige, goodnight.)-sya

(Goodnight po.)-ako

Hindi na kami nag-usap ni Dave ngayon. Di rin naman nya ako masyadong kinikibo mula kanina.

Kinabukasan ay nagtext lang ako kay Dave ng "good morning" bago kumain ng umagahan at nagwalis bago pumunta kila Dave. "Pa, pahatid po." Sabi ko kay papa nang buksan ko ang pinto ng kwarto nila. "Sige, saglit lang." Sagot nya.

Pumunta na ako sa motor para abangan sya. "Bakit po nakagayak ka?" Tanong ko. "Kung makatanong ka parang ikaw ang nanay ko." Sabi nya habang inaayos ang motor. Tumawa lang ako at sumakay na. "Pupunta ako sa office saglit." Sabi nya. "Bat po pala madalang na kayo mag office ni mama?" Pang-uusisa ko. "May naghahawak naman. Naghahanap lang kami ng partner noon kaya busy. Tsaka nak, mas gusto namin sa bahay, kahit na may gawain eh nakikita namin kayo. Tsaka gusto kong maalagaan ang apo ko." Mahabang paliwanag nya.

"Pa, gusto mo na ba ng apo sa akin?" Tinignan nya ako nang masama pero tumawa lang ako. "Nako, Tasha. Subukan mo lang, lulumpuhin kita." Alam kong nagbibiro lang si papa, pero kapag talaga nangyari yun sure ako kukulo ang dugo nya.

"Magtext ka pag magpapasundo ka." Sabi nya at bumusina bago umalis.

"Hello tita!" Bati ko agad kay tita at nagmano ako. "Si tito po?" Tanong ko. "Umalis eh."

Akmang pupuntahan ko na si Dave nang tawagin ako ni tita. "Tasha." Nilingon ko naman sya. "Po?"

"Halika rito." Pinaupo nya ako sa upuan sa kitchen habang sya ay naghahanda ng meryenda. "Bakit po?"

"May nababanggit ba sayo si Dave?" Tanong nya. "Wala naman po. Medyo malungkot po sya lately tapos mainitin ang ulo pero wala pong nababanggit." Sagot ko.

"Ganun ba? Pwede bang kausapin mo? Nag-aalala rin kasi kami ng tito nya at palaging ganyan ang mood." Sabi nya. "Sige po."

Pinuntahan ko na si Dave sa kwarto nya. Hindi yun nakalock kaya pumasok na ako. Naabutan ko syang nakadukdok sa study table.

"Babe?" Tinapik ko sya sa balikat. Ganito sya kapag may problema, sa upuan sya natutulog at dudukdok sa lamesa. "Babe?"

"Tasha, sorry." Nagtaka naman ako sa sinabi nya. "Gising ka naman eh." Sabi ko. Inangat nya ang ulo nya at tumingin sa akin. "Kagigising ko lang. Nanaginip kasi ako." Sabi nya at nag-iwas ng tingin.

"Ano yun?" Tanong ko. "Wala."

"Ano nga?"

"Wala nga."

"Ok." Tipid kong sagot at naupo sa kama nya. "Babe?"

"Bakit?"

"May nililihim ka ba?" Nakita ko ang pag-iiba nya ng reaksyon. "Wala." Sagot nya.

"Halata namang may problema ka." Kumunot ang kanyang noo at seryosong tumingin sa akin. "Kapag may problema ka sa upuan ka natutulog at dudukdok sa lamesa. Kabisado kita." Sabi ko.

He sighed like he don't have a choice. "You really love me huh?" Tipid akong ngumiti. "No." Sabi ko.

Tumayo sya at lumapit sa akin. "What?" Tanong nya. "I don't love you." Sabi ko at mas lumapit sya. "Say it again."

10 Ways How to Make Him StayWhere stories live. Discover now