Chapter 45: A memorable night

49 5 7
                                    

Chapter 45: A memorable night

Tashana's POV

"Pero sabihin mo muna yung dahilan kung bakit ka umiyak." Sabi nya kaya agad akong napalingon. Ilang minuto ang dumaan pero walang nagsasalita sa amin.

"Tasha?" Tawag nya ulit pero nanatili akong walang imik. "Tasha."

"M-masaya lang." Sabi ko sa kanya at naglakad na pero alam kong hindi sya umaalis sa pwesto nya.

"Tasha, halika." Dahan-dahan akong lumingon sa kanya. Nakatayo sya sa pwesto nya habang nakatingin sa akin. Sumenyas sya na lumapit ako kaya ginawa ko ang sinabi nya.

"B-bakit?" Tanong ko. Paglapit na paglapit ko palang ay niyakap nya ako nang mahigpit. "B-babe?" Nararamdaman ko ang mabigat na paghinga nya. "I love you." Base palang sa pagbulong nya ay alam kong umiiyak sya.

"Bakit ikaw ang umiiyak ngayon? Ibibigay mo na sa akin yung regalo diba? Kasi sinabi ko na yung dahilan." Sabi ko habang nakakulong pa rin sa yakap nya. Kung makukulong man ako sa isang lugar, gusto ko sa yakap nya mismo. Hindi ko nararamdaman ang ano mang kapahamakan.

"Ayokong umalis, gusto kong magstay. Kahit na..."

"Di ko nagawa yung deal?" Kumalas sya sa yakap at ngumiti sa akin. "Kung pwede lang na wag na akong umalis, gagawin ko. You may not followed all the rules but..." Pagkadampi ng labi nya sa noo ko ay syang pag-agos ng luha mula sa mga mata ko. "I love you. Kahit gaano ka kapasaway, mahal kita."

"Sana wala ka nalang anak sa iba. Sana.... Sana ako nalang si Ashlyn." Naramdaman ko ang paghaplos ng kamay nya sa likod ko. Sobrang sakit sa isip, napakahirap tanggapin.

"Wag mong hilingin na sana ikaw si Ashlyn. Hindi ko sya mahal, mananatili kang si Tasha. Yung Tasha na minahal ko, yung Tasha na pakakasalan ko, yung Tasha na makakasama ko sa pagtanda." Mas lumala ang pag-iyak ko dahil sa mga naririnig ko mula sa kanya. "Hindi naman sigurado, Dave." Sagot ko kaya napakalas sya sa yakap.

Hinawakan nya ang balikat ko habang nakatitig sa akin. "Bakit? Ayaw mo ba?" Tanong nya. "Gusto." Sagot ko.

"Pero walang kasiguraduhan, Dave. Baka paglipas ng ilang taon, mahalin mo si Ashlyn. May anak kay, anong laban ko?"

"May laban ka, kasi mahal kita." Nanlalabo na ang paningin ko dahil napupuno na ng luha ang mga mata ko. "Hindi yun sapat!" Sigaw ko.

Naglakad ako palayo habang umiiyak. Sa bawat pagpunas ko ng luha, mas kumikirot ang puso ko.

Pumunta ako pwesto ng motor at naupo sa ilalim ng puno. Hinayaan ko na muna ang sarili kong umiyak nang umiyak dahil sa naiisip ko.

May kumalabit sa akin kaya pinunasan ko agad ang luha ko. "Bakit?" Tanong ko. Parang nangungusap ang mga mata nya na sinasabing wag na akong umiyak. "Uwi na tayo?" Sabi nya at tumango ako.

Inabot nya sa akin ang panyo at sumakay sya sa motor tsaka sinuot ang helmet. "Halika na. Wag kang matutulog ah, mahuhulog ka." Sabi nya. Pagkasakay ko ay sinuot ko ang helmet at kumapit sa katawan nya.

Baka ito yung huling yakap sa ngayon at matagal pa ang huli. Baka nga hindi na maulit.

Pagkauwi namin ay nakabukas ang gate at halatang naghihintay sila mama. Bumaba ako sa motor habang si Dave ay nakatayo lang.

"Hoy!" Nilingon ko sya pero blangko lang ang emosyong pinapakita ko. "Yung regalo." Sabi nya. Inabot nya sa akin ang maliit na paper bag at hinalikan nya ako sa pisngi. "Goodnight." Sabi nya at mabilis na pinatakbo ang motor.

Pagpasok ko ay nasa sala si mama habang nakaharap sa laptop. "Bat ngayon ka lang?" Tanong nya. "Medyo traffic po eh." Sagot ko.

"Tasha, nandyan ka na?" Tanong ni papa mula sa kwarto. "Opo." Sagot ko. "Ipagtimpla mo ako ng kape." Sabi nya.

Nilapag ko muna sa sofa ang paper bag at pumunta sa kitchen. Nagtimpla ako ng kape at pabalik na ako nang nagsalita si mama. "Nak, kuha ka nga ng spaghetti dyan." Sabi nya. "Teka lang po, idadala ko lang kay papa." Sagot ko.

Pagkatapos ng utos nila ay aakyat na sana ako pero nagsalita muna si mama. "Aalis kami bukas, wala ka pa namang pasok diba? Maglinis ka rito." Hindi na ako sumagot at umakyat nalang sa kwarto ko.

Gusto ko na sanang matulog pero ayaw makisama ng isip ko. Para bang ayaw talaga akong patulugin at paulit-ulit sumasagi sa isip ko ang nangyari at maaaring mangyari. Napatingin ako sa paper bag at kinuha ko ang laman. May maliit na box yun, pagbukas ko ay napaluha nanaman ako.

Music box yun at Say You Won't Let Go ang tugtog. Habang pinipihit ko ay tumutulo ang mga luha ko. Ang sarap sa tenga pero ang sakit sa puso. Kung nagawa ko ba yung nasa list, pipiliin kaya nyang magstay? Kung puro check ba yun, mananatili sya? Siguro hindi rin. Sana hindi ko nalang sya pinayagan sa bar. Sana pinauwi ko sya. Sana....

Nagising ako na nakahawak sa pihitan ng music box. Medyo mataas na ang sikat ng araw kaya bumangon na ako. Nagtext agad ako kay Dave ng good morning bago ako bumaba. Dala ko ang cellphone ko dahil inaabangan ko ang tawag nya sa akin.

Habang kumakain ako ay saktong nagring ang cellphone kaya sinagot ko.

(Oh?)-ako

(Papunta ako sa inyo.)-sya

(Akala ko ba aalis ka na?)-ako

(Mamayang hapon.)-sya

(Sige, kain lang ako.)-ako

(Sige.)-sya

Pagkatapos kong kumain ay nagwalis ako at nasa labas na ako saktong dumating si Dave. "Pasok." Sabi ko at pinagbuksan sya ng gate.

"Sila tita?" Tanong nya. "Wala eh. May ginagawa nanaman sa company." Sagot ko. Naupo sya sa sofa at nagcellphone.

"Hoy! Bat di ako makaconnect sa wifi nyo?" Tanong nya. "Nagmamagaling nanaman kasi eh, binago ko yung password, bumabagal daw kapag nakaconnect ka." Sagot ko. "Akin na, icoconnect ko." Kinukuha ko ang cellphone nya pero ayaw nyang i-abot sa akin. "Bakit?" Tanong ko.

"Sabi mo bumabagal eh. Wag na, nahiya na ako." Sabi nya at hindi tumitingin sa akin. "Hoy, joke lang. Icoconnect nga kita." Pilit kong kinuha ang cellphone nya at sinet ang password.

"Patugtog tayo." Sabi nya. Tinulungan nya ako sa paglilinis ng bahay. Nagpapagpag sya ng alikabok sa mga cabinet habang ako ay nag-aayos ng ibang gamit.

"Bat kasi ayaw mong mag-ayos? Ako nalang magpapagpag." Sabi ko. "Maalikabukan ka, baka hikain ka pa. Tasha, sa ating dalawa, mas matibay immune system ko." Nagkibit balikat lang ako at nagpatuloy sa ginagawa.

Bandang 2:00 pm ay nagpaalam syang aalis na sya. "Babe, alis na ako." Sabi nya at niyakap ako. Pagtalikod nya ay hinila ko sya sa braso. Agad ko syang hinalikan sa labi. "I love you, ingat ka." Sabi ko at nag-iwan sya ng matamis na ngiti sa akin.

"Tsaka pala, babe! Ichat mo ako pag nakarating ka na." Sigaw ko sa kanya. Pagkalabas nya ay naupo muna ako sa sofa. Nanonood lang ko sa Youtube nang magchat sa akin si Nana.

Oy!-sya

Bakit?-ako

Nagchat sa akin si Ashlyn.-sya

Anong sabi?-ako

Hinihintay ko ang reply nya pero sobranh tagal kaya pinagpatuloy ko ang panonood ko. Papunta ako sa kitchen nang may pumasok. Kinuha ko ang frying pan at nakahanda na akong hampasin ang pumasok pero nasangga nya agad yun.

"Kalma, ako lang to." Sabi nya habang tumatawa. Binalik ko muna sa kitchen ang frying pan at sumunod sa kanya sa sala.

"Bakit?" Tanong ko. "Eto na, si Ashlyn."

"Wag kang pabitin, ano yun?" Tanong ko. "Feeling nya buntis daw sya."

•••••
Eh sorry na kung matagal, wag kayong magalit. Patapos na nga eh... Anyway, please wag kayong magsawang abangan yung updates. Thank you pala sa mga nagfofollow sa akin, thank you also for those who gave effort na hanapin yung story at isearch ako mismo (di ko alam kung ako ang hinanap). Kasi nagpopromote din kami sa tiktok. So ayun lang, sana ma-enjoy nyo. Comment din kayo kung nagugustuhan nyo mangyayari. I also need your opinions kung naiinis na kayo kay Ashlyn, char.

Vomment
Support
Follow

10 Ways How to Make Him StayWhere stories live. Discover now