Teachers

25 10 7
                                    

As much as there are teachers who are really considerate and loving, may mga teachers rin naman talaga na tough love, strict, and medyo disciplinarian na feel mo e nangangain sila ng tao. Pero trust me, pagkatapos mong mag-aral, you will look back at the days na naging under ka sa mga subjects nila at magpapasalamat ka ng sobra-sobra. Alam mo kung bakit?

Because those strict teachers of yours represents reality. Hindi playground ang buhay at kung akala mo monsters na ang mga teachers mo ngayon, may mga taong mas monsters pa sa kanila sa totoong buhay.

Hindi ka pinapasok dahil late ka? Subukan mong magpa-late sa trabaho, tignan natin kung hindi ka masibak.

Pinahiya ka sa harap ng klase dahil binabasa mo lang ‘yong nire-report mo? Tignan natin kung hindi ka batuhin ng table ng boss mo kapag nagbasa ka during a presentation.

Binagsak ka dahil bagsak ka naman talaga sa exams? Tignan din natin kung papa-suwelduhin ka ng employer mo kung palaging half-bake o maraming errors ang gawa mo.

Mahirap ang totoong mundo, magulo, riot. At isipin mo na lang kung ngayong nagaaral ka pa lang e hindi ka na maka-cope up? Ano na lang? “E magiging boss naman ako.” Talaga? Sa tingin mo susundin at rerespetuhin ka ng mga empleyado mo kapag nalaman nilang mali-mali at petiks-petiks lang ‘yong boss nila?

Your teachers are not stupid. Fetus ka pa lang, alam na nila ang takbo ng mundo. At matigas sila sa ’yo dahil gusto ka lang nilang iprepara sa totoong mundo. They don’t want you to live a life settling for less. But if you want less and you don’t want the best, so be it.

Walang magagawa ang teachers mo roon, tataas lang ang blood pressure nila. At isa pa, hindi magiging masaya ang buhay estudyante kung hindi ka mo naranasang mabato ng eraser, ng chalk, o ng pentelpen ng teacher mo. (Hello sa Grade 5 teacher kong sniper at sharp shooter. Sorry po kung kalaunan e natututo na akong umilag. Hahahaha.)

Hindi magiging masaya ang buhay estudyante kung hindi mo naranasang bumagsak sa exam o sa quiz, nag-sit in the air dahil walang assignment, pinagturo sa harapan dahil bungisngis at hindi nakikinig, nahuling nagbabasa ng pocketbook,o nahuling nakikipagusap sa katabi tungkol sa teleseryeng pinanuod kagabi.

Hindi magiging masaya ang buhay estudyante kung hindi ka napagsarhan ng pinto dahil 30 seconds kang late, pinagpulot ng dahon na minsan ay tae ang napupulot, o pinatakbo sa ground ng 666 rounds, tinampal ang mga kamay dahil maraming lupa ang kuko at may iba’t-ibang kulay ng cutix pa (eww), pinutulan ng buhok, pinutulan ng dila este bangs, piningot ang tainga dahil may tutuli, este, may earrings.

Akala ko rin noon nakaka-troma ‘yon. Trust me, ilang gabi pa nga akong binangungot dahil sa mga disciplinary actions na naranasan ko magisa o kasama ang mga kaklase ko. But looking back at those things right now, hindi ko mapigilang ngumiti dahil in some ways, they are all good memories and I can’t deny the fact that they helped me become a better person.

Oo, maraming lapses. At hanggang ngayon na sila na mismo ang lumilinang ng isipan ng iba ay araw-araw pa ring natututo. Maaring hindi lahat ay nagiging competent ngunit batas, training, karagdang sweldo, at panalangin na lang bahala sa kanila. Love your teachers especially the ones that and are doing their best for you to become a better person.

Sometimes When I'm Lonely I Pretend I'm a CarrotWhere stories live. Discover now