Ambag

70 15 1
                                    

Kailangan bang mag-ambag muna bago mag-reklamo? The mere fact that you are a Filipino, ‘yon na ang pinakamalaking ambag mo. Hindi pa kasali roon ang tax na maya’t maya mong binabayaran nang hindi mo napapansin. Ganoon na rin ang mga mabubuting bagay na maidudulot mo sa lipunan pagdating ng araw. Kaya sana, ngayon pa lang, ‘wag mo nang gawing isang malaking liability ang existence mo. (Teka? Alam mo na ba kung ano ang ibig sabihin ng liability?)

May mga nagrereklamo na nagrereklamo lang para umani lang ng relevance, kaya sige, may karapatan kang sitahin sila. Pero kung ang nagrereklamo ay galing na sa mga taong nanganganib na ang buhay, ‘wag mo sana silang agawan ng pagkakataong makapagsalita. Kung may kakahayan kang mas palakasin o i-amplify ang boses nila, huwag mahihiyang gawin iyon. Pero kung labag ito sa loob mo dahil sa mga dahilang ikaw lang ang nakakaalam, puwede ka rin namang bumawas sa ingay at gulo nang sagayon ay mas marinig sila ng nakakarami.

At paalala lang ulit, iwasan mong gawing prerequisite ang “ambag” sa pagbibigay ng “reklamo”. Hindi iyon magandang pakinggan lalong-lalo na kung ang “ambag” na tinutukoy mo ang iyong mismong “ambag” na naayon lang sa limitadong konseptong alam mo. Kasi kung palakihan lang din naman ang “ambag” ang paguusapan, e ‘di mas lamang na ‘yong mga magsasaka, mangingisda at mga ordinaryong manggagawa na siyang may pinakalaking papel sa bansa natin. Gulat ka no?

At bago pa tayo lumayo sa  pinaka-punto, gusto ko lang malaman na mo na minsan---labag man sa loob mo o hindi---nagiging isang malaking ambag sa kapakanan ng karamihan ang pagbibigay ng constructive na mga hinaing.

Sometimes When I'm Lonely I Pretend I'm a CarrotTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon