Invention

542 60 57
                                    

Noong bata pa ako, hindi talaga ako makatulog tuwing hapon. Ewan. 'Yong mga kalaro ko that time, nasa bahay lang nila at tulog habang ako, nasa labas pa rin at nagliliwaliw. Kung hindi kumakain ng lupa, it's either naglalaro ako mag-isa or nag-i-imagine ng mga bagay-bagay.

At ito na nga. Tandang-tanda ko dati, may isang bagay akong sobrang weird na in-imagine. Nangyari ito noong may kung ano akong nilalaro sa lupa habang nakatingin sa langit sabay napasabi ako sa sarili na 'pag-laki ko, makaka-imbento raw ako ng tatlong sobrang hahalagang bagay.

Una, makakapag-imbento raw ako ng sabon na may kakayahang mag-cleanse ng mga kasalanan. Ang main ingredients:

a.) Atsara,

b.) Holy water

c.) Excess tubig kung saan binabad ang mga damit na dikolor.

Pangalawa, makakapag-imbento raw ako ng shampoo na makakapagwala ng mga negative thoughts. Ang main ingredients daw nito ay:

a.) Used oil ('yong gamit na gamit na) at,

b.) Abo na ginagamit tuwing Ash Wednesday.

c.) Ulan tuwing mahal na araw.

Pangatlo, makakaimebto raw ako ng mouth wash na magiging sanhi ng pagsasabi ng totoo sa kung sino man ang gumanit nito. Main ingredients:

a.) Inipon na plema ng mga may TB na pari.

b.) Mouthwash na expired.

c.) Pawis ni Papa P.

Panghuli, makaka-imbento raw ako ng feminine wash na makakapagbalik ng virginity. Main ingredient:

a.) Tubig na pinalamig tuwing alas tres ng madaling araw na may halong Latin na dasal. (Tapos kapag ina-apply daw 'yon, dapat binigbigkas din daw 'yong dasal na kasama sa ingredient.)

b.) Kahit kaninong regla, basta 'yong napkin.

c.) Am. 'Yong malagkit na tubig sa hindi pa lutong kanin.

Nong ni-share ko 'to sa nanay ko, sampal ang inabot ko. Hindi ko rin alam kung anong nangyari't hindi ko pa rin natutupad 'yong mga ideas ko dati. Siguro, dahil baka sa kakakain ko 'to ng lupa noong bata pa ako or baka nag-hallucinate lang ako at nakapag-siesta talaga ako sa mga panahong 'yon.

Sometimes When I'm Lonely I Pretend I'm a CarrotWhere stories live. Discover now