Relief Goods

55 12 6
                                    

Nakakadurog ng puso ‘yong reaction ng mga taong tuwang-tuwa na sa relief goods na bigay ng isang local government unit dito bansa natin. Na ang laman lang naman ay iilang lata ng sardinas, iilang instant noodles at isa o dalawang kilo ng bigas na nilagay pa talaga sa sobrang cheap na plastik na sa totoo lang ay hindi naman talaga magtatagal ng isang linggo. Na parang akala nila, ‘yon na ‘yon pinaka-best na kayang ibigay ng government.  Guys, I just want you to know, na sobrang tinipid at winalanghiya po kayo ng government.

Dahil alam niyo ba, kayang maglabas ng libo-libo ng isang LGU sa catering ng bawat opening ng mga walang kuwenta nilang projects, kayang gumasta ng daang-daang libo ng isang LGU para para pang-tarpaulin at pang-greetings ni Mayor o Vice Mayor sa TV, kayang magwaldas ng milyones ng isang LGU para sa isang live band o live performance ng isang artista tuwing anniversary ng city nito. Sa hirap ng buhay, minsan, malaking tulong na ang iilang lata ng sardinas, iilang instant noodles, at iilang kilo ng bigas, pero huwag po sana tayong makontento sa ganito sa ganito ka-baboy at ka-dugyot na uri ng serbisyo. Huwag na huwag po nating ibaba expectations natin. Hindi po tayo dapat ang nag-a-adjust sa incompetence ng mga namumuno sa atin. Wala pong mahirap o mayaman pagdating sa binibigay na serbisyo ng gobyerno. Dahil sa totoo lang po, nagiging mayaman lang naman ang mga mayayaman sa tulong ng mga manggagawang mahihirap.

Kung deserve po ng isang politician ang isang malaking pakyu, pakyuhan po natin sila at huwag na huwag po natin silang halikan sa paa. Please lang po. Evil

Sometimes When I'm Lonely I Pretend I'm a CarrotWhere stories live. Discover now