Kabanata 31: Ang Paghihiganti

32 10 0
                                    

"Ano Jelouse? Laban na!"

Naglaban muli sila ngunit sa pagkakataong ito ay hindi na sila nagpatagal pa.

Gamit ang kapangyarihan ay lumipad silang dalawa

"Nais kitang paslangin Raven dahil hadlang ka sa mga plano ko!"

"Ikaw ang nais kong paslangin dahil ikaw ang sumira sa buhay ko!"

Nasugatan ni Raven.

Napasigaw na lang si Jelouse sa sakit.

"Mas masakit pa kaysa sa mga sugat na iyan ang mga ginawa mo Jelouse! Nais pa kitang bigyan ng isang pagkakataon. Gusto mong magbago o gusto mong mapaslang?"

"Wala akong pipiliin basta akin lang ang kaharian mo!"

Sinaksak ni Raven si Jelouse.
"Bago ako mamatay, nais kitang bigyan ng pagpapahirap. Isinusumpa ko, sa oras na ika'y magka-anak ay magugulo ang buhay mo! Sa ika-pitong kaarawan niya ay malilimutan ng lahat na ikaw si Raven!"

"Manahimik ka nalang Jelouse!"

Bumagsak ang katawan ni Jelouse sa lupa. Tuluyan nang namatay si Jelouse ngunit hindi mawala sa isip ni Raven ang sinabi niyang sumpa. Hanggang sa tuluyan na nilang mabawi ang Maharlika.

"Mahal na Prinsesa tila nawala ang iyong marka sa mukha." wika ni Arrho.

"Isang tanda na tuluyan nang napaslang si Jelouse." sagot ni Evi.

"Dahil tapos na pala ang kaguluhan dito, maaari na muna kaming bumalik sa Greedia ni Amber." wika ni Parael.

"Doon ko na din ipapakulong ang aking ama. Hayaan ko muna siyang huwag gumawa ng masama doon. Kahit nakakulong siya ay ipapadama ko pa din sa kaniya ang aking pagmamahal." sabi ni Amber.

"Dahil tapos na ang kaguluhan dito prinsesa, maaari na ba?" tanong ni Arrho.

"Hindi pa! Marami pa akong suliranin gaya nang kung paano mapapa-unlad muli ang kaharian. Ngayon ay bumalik na muna kayo sa inyong tahanan. Ikaw Arrho, bumalik ka muna sa Lavian upang ibalita ang mga nangyari. Isama mo si Evi upang may kasama ka patungo roon." sagot ng Prinsesa.

"Kung ganon ay itatanong ko lang. Ano ang mga sinabi ni Jelouse bago siya mamatay?" tanong ni Evi.

"Bayaan niyo na dahil wala namang mga saysay." sagot ni Raven.

"Kung ganon ay tayo na at magsilisan dahil marami pa tayong tungkulin sa iba't-ibang kaharian." wika ni Amber.

"Ako na ang bahala dito sa Maharlika. Hindi ko ito pababayaan." wika ni Raven.

Umalis na sila matapos ang madugong labanan. Nabawi na nilang muli ang Maharlika at walang gulo.

"Aking mga magulang!" sigaw ni Arrho.

"Kumusta na ikaw?" tanong ni Zavia.

"Nabawi na namin ang Maharlika!"

"Mabuti kung ganon. Isalaysay mo pa nga sa amin ang ilan pang nangyari." -Naga

Nai-kwento niya ang mga kaganapan.

"Nais ko munang magpalipas ng ilang buwan dito. Pababalikin ko muna si Evi sa Maharlika. Nais kong makasama muna kayo at saka ko gagawin ang nais ko para kay Raven." wika ni Arrho.

"Mabuti kung ganon anak." tugon ni Zavia.

Sa Greedia...
"Ama, ito ang ilang makakain, nais kong pakainin kita." wika ni Amber.

"Maraming salamat anak dahil kahit napaka sama ko ay inaalagaan mo pa din ako."

"Ama nais ko mang palayain ka, kailangan mo munang maghintay ng ilang taon at buwan. Ngunit huwag kang mag-alala dahil ako mag-aalaga sa iyo!"

Lumipas ang ilang linggo matapos mabawi ang Maharlika ay agad pinakawalan ang mga alipin.

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon