Kabanata 17: Pagdakip

29 9 0
                                    

Dinakip ng mga kawal si Arrho habang hinahanap sina Raven. Nagtungo naman sa piitan si Fhang.

"Kay lakas rin ng loob mong pakasalan ang anak ko ngunit nais mo lang naman pala siyang gamitin!" sigaw ni Fhang.

"At ikaw, kay lakas rin ng loob mo upang labanan ang aking ina!" sagot ni Arrho.

"At bakit? Hindi mo alam kung bakit kami nag-aklas. Alam mo ba na malupit ang kaniyang pamumuno? Hindi mo alam dahil wala ka rito upang ipagtanggol mo siya!" wika ni Fhang.

"Isa kang tampalasan! Alam kong ginamit mo ang kayamanan ng Lavian upang kumbinsihin ang mga mamamayan na mag-aklas!" dagdag ni Arrho.

"Saan mo iyan nalaman? Bakit ganyan ang mga sinasambit mo?" tanong ni Fhang.

"At bakit? Totoo naman diba?" sagot ni Arrho.

"Lapastangan!" *Sinuntok ni Fhang.

Nanghina si Arrho matapos siyang saktan ni Fhang habang umiiyak naman si Amber sa kaniyang likod.

"Ama itigil nyo ang pananakit nyo nasasaktan siya!" wika ni Amber.

"Sinaktan ka din niya hindi ba? Kaya ito ang dapat sa kaniya!" sagot ni Fhang.

Samantala, nahanap na ng mga kawal ang lugar kung nasaan sina Raven na wala namang ka-alam-alam.

"Saan nyo kami dadalhin?" tanong ni Raven.

"Sa piitan dahil may pagkakasala kayo sa mahal na prinsesa at sa hari. May mga plano kayo sa kanila" sagot ng Kawal.

"Raven ang kapangyarihan mo!" bulong ni Naga.

Napaaway sila sa mga kawal habang nagkikipaglaban ay ginamit ni Raven ang kapangyarihan upang makalipad at nakita sila ng mga mamamayan.

"Tingnan nyo may mga taong lumilipad" sigaw ng mga mamamayan.

"Kamangha-mangha." dagdag pa nila.

"Raven sa tingin ko pinag-uusapan tayo ng mga mamamayan dahil sa iyong kapangyarihan." wika ni Evi.

"Doon sa bundok tayo titigil at pag-uusapan ang ating plano." sagot ni Raven.

Nagtungo sila sa bundok at pag-uusapan ang kanilang bagong plano.

"Narito na tayo at sa tingin ko ay napapahamak na si Arrho sa loob ng palasyo dahil nalaman nila ang ating mga plano." sabi ni Zavia.

"At sa tingin ko ay nakakulong na siya roon." dagdag ni Naga.

"Huwag po kayong mag-alala. Papalayain natin si Arrho." sagot ni Raven.

"Paano ang palasyo?" tanong ni Evi.

"Maharlika." wika ni Raven.

"Ha? Bakit mo nabanggit ito?" tanong muli ni Evi.

"Ah wala lang, kailangan natin munang mabawi ang kahariang ito bago ang Maharlika. Aakitin natin ang mga mamamayan sa ginto at pilak. Pati narin ang mga kawal." dagdag ni Raven.

"Paano at saan tayo kukuha ng mga ginto?" tanong ni Naga.

"Sa Maharlika ay punong-puno ng ginto." sagot ni Evi.

"Kailangan ko talaga munang bawiin ang Maharlika. Maaring naghihirap na ang mga tao doon." wika ni Raven.

"Iyon ang mainam nating gawin. Diba kaya ka nga nagsanay sa kapangyarihan upang bawiin ang maharlika?" sabi ni Naga.

"Ngunit pakawalan muna natin ang aking anak at maaaring mapahamak siya." wika ni Zavia.

"Ako na ang bahala. Tutungo ako doon mag-isa." dagdag ni Raven.

A/N
Stay Tuned For Upcoming Chapters and Upcoming Stories by FOLLOWING ME and VOTING EVERY PARTS! Thanks!😘

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Där berättelser lever. Upptäck nu