Kabanata 4: Anunsyo ng Hari

84 11 0
                                    

Tapos na ang digmaan at nawala na si Jelouse, masaya silang nagpahinga.

Habang natutulog ang hari ay may napaginipan siya.

"Giovan, malapit na tayong magkasama"

Nagising ang hari at
"Rasha, ano ang pinapahiwatig ng aking panaginip? Hindi maaari pagkat kailangan pa ako ni Raven. Hayaan ko nalang muna ito."

Naisip nya na dapat makoronahan na si Raven kaya kinabukasan...

"Ngayong wala na si Jelouse, tayo ay magdiwang" masayang banggit ni Haring Giovan.

"Ngunit itay tungkol at para saan pa ang pagdiriwang?"

"Anak, dahil matanda na ako, nais kong ikaw ang humalili sa akin bilang bagong pinuno ng Maharlika. Batid kong ikaw lang ang nararapat rito sapagkat nakikita ko sa iyong mga mata ang magiging kapalaran ng Maharlika."

Isang piging ang inihanda ng hari para sa paghahanda sa pagkokorona kay Raven.

"Mga mamamayan ng Maharlika, tayo ay nakalaya sa malupit na pamumuno si Jelouse! Nais kong tayo ay magsaya ngayong gabi sapagkat nakamit natin ang kalayaan! Dahil yan sa aking anak na si Prinsesa Raven!" Masayang sabi ng hari.

"Mabuhay si Prinsesa Raven! Mabuhay si Prinsesa Raven!" Sigaw ng mga mamamayan.

"Makinig kayong lahat, dahil tumatanda na ako, nais ko kayong anyayahan sa gaganaping koronasyon sa bagong mamumuno sa ating kaharian. Walang iba kundi si Prinsesa Raven! Kaya't nais kong kayo ay maghanda sapagkat may bago na kayong reyna! At alam kong magiging maayos ang pamumuno nya lalo't siya lang ang aking tagapagmana! Sa isang araw ang koronasyon." Banggit ng hari.

"May bago na tayong reyna! Mabuhay si Princesa Raven!" tuwang tuwa ang mga mamamayan sa inanunsyo ng hari.

Bumalik tayo sa naganap na pagsalakay. Sino ang lalaking tumulong kay Jelouse?
Siya si Arrho, ang anak ni Jelouse na ampon na lihim nyang tinago sa publiko. Sa anunsyo ng hari ay nandoon siya at balot na balot siya upang hindi mahalata. Bumalik siya sa Greedia...

"Kumusta Arrho! Anong balita? Anong sabi ni Giovan?" -Jelouse

"Ina ang sabi ng hari ay kokoronahan raw si Raven bilang bagong reyna iyon sa sapagkat matanda na raw siya. At magaganap ito sa isang araw." sabi ni Arrho.

"Hindi! Hindi maaari! Ako lang ang karapat dapat na reyna ng Maharlika! Lapastangan sila mga hayop! Humanda sila sapagkat may mangyayaring pasabog! Nakahanda na ang aking plano! Panahon na ulit upang manggulo sa Maharlika HAHAHAHAHAHA!!" naiinis na sambit ni Jelouse.

"Ngunit ina, bakit lagi nalang ang Maharlika ang sinasakop mo? Madami namang kaharian jan, bakit hindi mo nalang iwaksi sa iyong isipan ang iyong kasakiman sapagkat kay dami ng nasasaktan sa iyong kawalang hiyaan!" ang sabi ni Arrho.

"Huwag ka nang magreklamo Arrho iyon ay sapagkat para iyon sa iyong kapakanan!  Kaya Tumahimik ka at wag mong sirain mga plano ko."

Pagkatapos noon ay umalis si Jelouse.

Walang nagawa si Arrho. Ngunit anong dahilan ng kaniyang pagtutol?

"Kawal, tawagin mo ang aking kaibigan na si Parael."
-Arrho

"Bakit mo ako pinatawag kaibigan?" tanong ni Parael

"Iyan ay sapagkat noong masilayan ko ang prinsesa ng maharlika ay napaghanga ako sa kanyang ganda. Para siyang buwan sa isang madilim na gabi, isang bituin na nagniningning sa ganda at isang prinsesa na malinis ang puso." nahulog ang loob ni Arrho kay Raven kahit labag sa loob ng kaniyang ina

Kinabukasan...
"Ina ano ba iyong plano mo?" tanong ni Arrho

"Wala lang. Maglalakbay lang kami. At kung maaari huwag kang sumama."

"Ngunit-

"Magbabantay ka sa palasyo!"

At umalis na sila

PLEASE VOTE EVERY PART!❤️

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Where stories live. Discover now