Kabanata 30: Pagsalakay

28 11 0
                                    

"Dumating na ang aking paghihiganti." wika ni Raven.

"Tama ka dahil tila nagbibigay ng senyales ang iyong marka sa mukha." dagdag ni Evi.

"At sa oras na madaig ko si Jelouse ay tinitiyak ko na magiging payapa na ang lahat kaya magsipaghanda kayo. Sasalakay kayo ngayong gabi at papaslangin ko si Jelouse." sabi ni Raven.

Ang mga kawal ng Greedia ay handa na. Nagpadala din ng ilang mandirigma ang Lavian upang tulungan si Raven.

"Arrho ipaabot mo sa iyong ama ang aking pasasalamat."

"Walang anuman Prinsesa kaya ika'y lumipad na papunta sa itaas ng palasyo."

Nagsimula na silang maglakbay at aabutin sila ng ilang sandali bago makarating doon. Samantala sa Maharlika ay magsisimula na ang kasiyahan sa saktong hating-gabi.

"Kay saya ko Fhang at wala na ang prinsesa."

"Mabuti kung ganon mahal ko. Ako din ay nagagalak sa iyong ginawa."

Tumunog na ang orasan.

"Simula na ang kasiyahan." sigaw ni Jelouse

Ang totoo ay si Jelouse at Fhang lang ang nagsasaya dahil malungkot ang mga mamamayan ng Maharlika.

"Sa tingin niyo si Prinsesa Raven talaga pumaslang sa hari natin gayong ang may galit lang sa kaniya ay si Jelouse."

"Si Jelouse marahil ang salarin kaya siguro pinaslang na nya din si Prinsesa Raven."

"Habang buhay nalang tayong alipin kung ganon."

"Tama ka wala nang magliligtas sa atin dahil patay na ang prinsesa."

"Bakit tila hindi nagsasaya kayo?! Magsaya kayo!" sigaw ni Jelouse.

Samantala sa hukbo ng Greedia.

"Tahimik na palibutan ang palasyo. Paslangin ang kakalaban sa atin. Kung narinig nyo na ang ingay ay sumalakay na agad." bulong ni Arrho.

Pinaligiran ng mga kawal ang palasyo ng palihim hanggang sa ibinigay na ang hudyat.

"SUGOD!" sigaw ng mga kawal patakbo sa palasyo.

Hinarangan sila ng mga kawal ni Jelouse at ito ay pinaslang ngunit hindi pinaslang ang mga hindi nanlaban.

"Bakit nagkakagulo?" tanong ni Jelouse.

"Sinasalakay tayo ng mga kawal galing Greedia!" sagot ni Fhang.

"Tayo na at tumakas!" wika ni Fhang.

"Saan ka patutungo aking ama? Ako ay kalabanin mo!" sabi ni Amber.

"Hindi kita pinalaking walang galang Amber!"

"Ngunit hindi naman ikaw ang ama na kinalakihan ko. Ang aking ama na malambing, maalaga, hindi sakim at higit sa lahat ay mapagmahal!"

Habang pinapakinggan ang mga sinasabi ni Amber at inaalala niya ang mga mabubuti niyang ginawa rito ay napagtanto niya na..

"Patawarin mo ako aking anak sa aking labis na kasakiman. Hindi ko inakalang ganoon ako magbabago na natukso ako sa kapangyarihan."

"Totoo ba ama? Upang makasigurado ako nais kong pagnilayan mo ang mga ginawa mo! Mga kawal igapos nyo muna ang aking ama upang makatiyak na wala itong gagawing mali."

"FHANG ANONG GINAGAWA- F-FHANG? IKA'Y NAKAGAPOS?"

"Oo Jelouse at nais kong magbago nais kong magbago para sa anak ko kaya ikaw din magbago ka para sa iba."

"HINDI AKO MAGBABAGO!"

"At bakit hindi ka magbabago? Nais mong magbago o nais mong mamatay?" tanong ni Raven.

"B-BUHAY KA?! H-HINDI BA'T PINASLANG NA KITA? MATIRA ANG MABUBUHAY."

"Kung ganon ay ako ang mabubuhay. Nais mo ng patayan? Ibibigay ko sayo!"

A/N
Thanks for reading!❤️

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Where stories live. Discover now