Kabanata 14: Kasalan

29 9 0
                                    

"Saan na tayo magtutungo?" tanong ni Zavia

"Tutungo tayo sa ibaba ng kabundukan, iyon ang sinabi ni Arrho bilin nya rin na sabihin na kapag hinarang tayo ay sabihin na pinahintulutan tayo niya." Sagot ni Naga.

"Ngayon gaganapin ang kanilang kasal hindi ba tayo pupunta?" tanong ni Evi.

"Hindi tayo pupunta, may plano ako. Sasabihin ko mamaya." wika ng prinsesa.

Samantala...
Nagalak si Amber sa kasalang gaganapin. Isa sa kanyang mga ugali ay ang pagiging madaling magtiwala kaya't walang naging pangangamba sa kaniya.

Maraming palamuti ay gayak ang buong palasyo. Makikinang na ilaw at makukulay na bulaklak ang nakapalibot rito. Si Amber ay agad nagbihis ganon din si Arrho.

"Makinig kayong lahat mga mamamayan ng Lavian. Ngayon din ay magkakaroon ng kasalan rito. Si Prinsesa Amber ay ikakasal kay Arrho, ang kaniyang iniibig. Prinsesa Amber, pumapayag ka ba na makipag-isang dibdib kay Arrho?" tanong ng taksil na Haring si Fhang.

"Oo, malugod ko itong tinatanggap." sagot ni Amber.

"Arrho, ikaw ba ay pumapayag na makipag-isang dibdib kay Prinsesa Amber?" tanong muli ng Hari.

"Oo kamahalan malugod ko itong tinatanggap." malungkot na sagot ni Arrho.

"Simula ngayong araw, kayong dalawa ay mag-asawa na. MABUHAY ANG BAGONG KASAL!" wika ng Hari.

"MABUHAY ANG BAGONG KASAL" sigaw ng mga mamamayan.

Habang sila ay nagkakasiyahan, pinag-uusapan nina Raven ang kanilang plano.

"Babawiin ba muna natin ang Maharlika?" tanong ni Evi.

"Babawiin muna natin ang kahariaang ito bago ang Maharlika dahil naghihirap rin dito ang mga mamamayan dahil sa kanilang pamumuno." wika ni Raven.

Sa paglubog ng araw ay nakahanap na sila ng matutulugan. Habang tulog ang lahat, tsaka tumakas si Arrho sa Palasyo.

"Saan kayo pupunta prinsipe?" tanong ng mga kawal.

"Lilibutin ko lang ang kaharian dahil hindi ko pa ito masyadong nakikita." sagot niya.

"Ngunit bakit gabi kayo mamamasyal?" tanong muli ng kawal.

"Iyon ay dahil upang hindi sila magkagulo at para wala akong magambala." sagot muli ni Arrho.

"Sige maaari kang lumbas." wika ng kawal.

Nagpunta siya sa bahay nila Raven at kumatok.

"Raven, Ina, Ama, Evi? andito ba kayo?" sabi ni Arrho.

Binuksan ni Raven ang pinto at nakita si Arrho.
"Buti naman at nahanap mo lugar namin." sabi ni Raven.

"Eh kasi sabi mo kapag may kulay asul na ilaw ang maliwanag." wika ni Arrho.

"Iyon nga sabi ko. Sige pasok ka hayaan kong makapag-usap kayo ng iyong ina." sagot ni Raven.

"Anak! Kumusta ka anak?" tanong ni Zavia.

"Opo ina, ayos ako ngunit ang tanong ko ay paano natin matatalo si Amber ng palihim?" tanong ni Arrho.

The Rise of the Fallen Princess (Raven Trilogy #1)Where stories live. Discover now