Chapter 17

91 4 3
                                    

Napakunot noo si Cassy ng pagdating niya sa bahay ay may isang magarang sasakyan na nakaparada sa bakuran nila.Wala naman silang inaasahan na bisita sa pagkakaalam niya.

Dumaan siya sa likod kaya sa kusina siya pumasok.Inabutan niya ang kasambahay nila na naggagagayat ng mga sangkap sa lulutuin nito.

"Anong meron?May bisita ba tayo?"Tanong niya sa batang kasambahay na si Mitas.Halos magtatatlong taon na ito sa kanila dahil nagretiro n ang mga may-edad nilang kasambahay dati.Disi-sais pa lang ito ng pumasok sa kanila.Mahirap ang pinanggalingan nitong pamilya kaya kahit sinasabihan nila itong mag-aral ng kolehiyo at sasgutin nila ay humindi ito.Mas prayoridad daw nito ang makatulong sa mga maliliit nitong kapatid.

"Opo Ate.Nasa sala po. Apo daw ng dating Mayor Neilsen.Nagulat nga kami biglang dumating.Ayon po kalaro si Sandy doon."

Sa narinig ay agad siyang kinabahan.Anong kailangan nito sa kanila.At sino ang sadya nito.Agad niyang pinuntahan ito.Pagdating niya sa sala ay naabutan niya itong nasa lapag at nakatingin sa anak niyang nagda-drawing sa pad nito.

Agad siyang napansin ng anak kaya napatayo ito at tumakbo ito palapit sa kanya.He looked at her too.Kinabahan si Cassy sa tingin ng lalaki.Parang may nalaman ito na hindi nito alam noong magkita sila kahapon sa bahay ng lolo nito.

"Where's your Lola anak?"

"She went upstairs with Lolo."Simpleng sagot ng anak saka muling bumalik sa ginagawa.

"I need to talk with you."Matigas na sabi ni Neil.

"A-anong pag-uusapan natin?Wala naman sa pagakakaalam ko."

He sighed. "Would you rather I say it infront of Sandy?"

"Mommy are you angry?"Singit ng anak na kanina pa pala nakikiramdam sa kanila.

"N-no,hindi anak.Can you please go upstairs na lang.I'll call you when it's time to eat."Agad namang tumalima ang bata sa sinabi niya,ngunit bago umakyat ay nagpaalam ito sa lalaki.

Iginiya niya ang lalaki sa labas para walang makarinig sa kung anumang pag-uusapan nila.

"Spill it?Anong sasabihin mo?"Sinipat niya ang orasan at nakitang alas singko trentay siyete na.

"Can you be honest with me this time?I deserve to know the truth.Is Sandy my child?"

She was expecting this.She visualize this for how many times.Prinactice na din niya ang sasabihin kung sakaling dumating ang panahon na ito,but nothing could have prepared her for this moment.Her knees turned jelly.Napakapit siya sa isang iron chair na malapit sa kanya.Napansin iyon ni Neil dahil napatingin ito sa kamay niyang nakakapit sa upuan.

"No!She is not yours.Huwag mong aangkinin ang anak ng iba.Isa pa,why are you even asking?Anak ko siya sa isang foreigner.Kita mo naman siguro sa features di ba?Saka ang kapal naman ng mukha mo,iiwan mo ako bigla tapos bigla kang susugod dito at sasbihin mo na ikaw ang ama ng anak ko."Humihingal na sabi niya.She was fighting the urge to cry.She needs to relax.

Natahimik si Neil at nakatingin sa kanya.

"Please tell me Cassy...I know we didn't end well but do you think she deserves to know the truth about her father?I saw the birth certificate,she was conceived months before we broke up.I saw her birthday,my God Cassy,for once,be honest with me.I know she's mine,I can feel it..."

Napatalikod si Cassy.Nabagbag ang kalooban niya sa pagsusumamo ni Neil.Hindi dapat dahil iniwan siya nito ngunit hindi niya mapigilan.Tears started falling. Deep breathing Cassy...

"Umalis ka na Neil,she is not yours..."

"Cassy,don't do this...O baka naman gusto mo pang mag-pa-paternity test kami?Come on!"Bumalik ang tigas sa ekspresyon nito.

"Why do you have to do this Neil?Bumalik ka na lang ng Manila...Doon ka naman talaga di ba?Doon ang buhay mo kaya wag mo na kaming guluhin dito ng anak ko!"

"I'm giving you once last chance Cassy,I'll
let you think it over tonight.Pero bukas
ng umaga,babalik ako.Kapag hindi mo pa sinabi ang totoo,mag-di-DNA kami bukas
mismo.I'll call someone from Manila.Bibiyahe na ang mga iyon mamayang gabi,bukas ng bago magtanghalian darating na sila.Pag-isipan mo,you don't want to expose our child to unnecessary procedures."Seryosong sabi nito saka ito umalis ng walang paalam.

Cassy sat down.Nanginginig na talaga siya.Could he be bluffing her?

———————————

Cassy looked at her bedside clock,it is four am.Halos wala siyang tulog dahil sa kakaisip sa mga banta ng dating karelasyon.Nakapagdesisyon na siya, sasabihin na niya sa lalaki ang totoo.Ayaw niyang kung ano ano pang test ang pagdaanan ng anak niya.She had seen some cases like these,it always ends up bad.Isa pa,nagtatanong na rin ang anak niya.Iisa lang ang sisiguruhin niya,hindi nito makukuha ang anak niya.
Just like that and she dozed off.

Nagising siya ng may kumatok sa pintuan niya.
"Cassy,bangon na diyan,alas otso y medya na.Isa pa andyan sina Neil,may kasamang isang lalaki."Sinusuri siya ng tingin ng ina.

"Opo Mama,magsa-shower lang po ako tapos baba na ako."Dali dali siyang bumangon at papasok na ng banyo ng magsalita ang ina.

"Cassy,nanahimik lang kami ng Daddy mo pero may idea na kami kung sino ang ama.Sana maging maayos ang pasya mo para sa ikakabuti ng lahat."Iyon lang at lumabas na ang ina.

Halos limang minuto lang siyang naligo. Ten minutes to nine ay bumaba na siya.Naabutan niya sa sala ang mga bisita.Hindi mukhang kukuha ng sample ang lalaking kasama ni Neil.He looks like a rocker because of his long hair.

"Magandang umaga sa inyo.K-kumain na ba kayo?"Iyon ang unang lumabas sa bibig niya.

"We're done thank you. So can we proceed to the test?"Deretsahang sabi ni Neil na nakapagpataas ng kilay ni Cassy.

She cleared her throat. "H-hindi na kailangan.Let's talk outside.Tayong dalawa lang."Nagpatiuna na siya sa hardin.

Napa-igtad pa siya ng magsalita ang lalaki.Nakatalikod kasi siya. "So,she is mine."Sigurado ito sa binitawan nitong mga salita.

Tumango lang si Cassy habang nakatingin sa pader.

Napatingin siya sa lalaki na natahimik.Nakikita niya ang paghinga nito ng malalim.She knew he was relaxing himself.Nanatili silang tahimik ng ilang sandali.

"W-why did you not tell me?"

Napangiti si Cassy ng mapait. "Paano ko sasabihin sa iyo?Iniwan mo ako....Nagpalit ka ng numero.Sa tingin mo,sinong matinong babae ang hahabulin pa ang lalaking bigla na lang nang-iiwan sa ere?"

"Imposibleng hindi mo nalaman bago pa ako magpalit ng numero."

"Noong huling tawag ko sa iyo,nung pinapaakyat kita ng Baguio.I just found out then.H-hindi ko alam ang gagawin ko ng mga panahong iyon.Natatakot ako kina Mama kaya tinawagan kita,akala ko pag tinawagan kita magiging okay na lahat.You promised to take care of me,pero hindi pala...."muling pumatak ang luha niya.

"I-i'm sorry...If I have known it,things would have been different."

"Tapos naman na,wala na tayong nagawa.Kinaya ko namang mag-isa.Isa lang sana ang ipapakiusap ko sa iyo.Pwede mo siyang bisitahin at hiramin pero dito lang sana sa Cabun.Hindi sanay ang anak ko na malayo sa akin.Isa pa,she grew up here,this is where her confort zone is.Isa pa,kung pwede,kakausapin ko muna si Sandy mamaya.Kung gusto mong magpakilala,kahit mamayang hapon na sana.Para ma-process lang niya kahit kaunti."

My summer loveOù les histoires vivent. Découvrez maintenant