Suitor (Chapter 3)

942 22 0
                                    

Kinaumagahan masarap ang gising ni William dahil sa pag-uusap nila kahapon ni Lucy. At dahil diyan gusto na niyang sabihin kay Lucy na liligawan niya na ito, pero si Lucy ay hindi pa pwedeng tumanggap ng manliligaw dahil ayaw ng kaniyang mga magulang. Pero pursigido si William na gawin ang lahat mapatunayan lang kay Lucy na seryoso at mahal niya ito kahit na strikto ang mga magulang nito. Kinalaunan napatawag si William kay Lucy para klaruhin ang kanyang nararamdaman.

WILLIAM: Lucy, pwede ba tayong magkita?
LUCY: Bakit? May problema ba?
WILLIAM: Ah wala naman, May sasabihin lang sana ako sayo.
LUCY: Oh cge, punta ka dito mamaya.

Makalipas ang tatlong oras ay dumating na si William sa bahay nila Lucy.

LUCY: (Binuksan ang pinto) Pasok ka. Huwag kang mahiya.
WILLIAM: Salamat.
LUCY: So, ano nga pala yung sasabihin mo sa'kin?
WILLIAM: Didiretsuhin na kita ha. Lucy gusto kitang ligawan.
LUCY: (Natulala kay William) Ha? Ano'ng sabi mo? Liligawan?
WILLIAM: Hindi naman kita minamadali pero Lucy kaya kong patunayan sayo na seryoso ako.
LUCY: William pasensya ka na, pero hindi pa ako pwedeng tumanggap ng ligaw dahil ayaw ng mga magulang ko lalo na't hindi ka pa nila nakikilala.
WILLIAM: Ah ganon ba, sige ganito nalang. Hihintayin kita hangga't sa payagan ka na. (Sabay ngiti)

Kinalaunan nilibot ni Lucy si William sa kanilang bahay at pagdating nila sa sala ay nakita ni William ang napakalaking litrato na nasa dingding, tinanong niya si Lucy kung sino ang mga iyan.

WILLIAM: Sino nga pala 'to? Parang pamilyar yung itsura ng lalaking yan sa'kin.
LUCY: Ah, yan? Mga magulang ko yan.
WILLIAM: Ano nga pala ulit yung trabaho nila?
LUCY: Ang tatay ko ay isang Kapitan ng Pulis at ang nanay ko naman ay isang CEO ng aming kumpanya. (Nagsimula ng kinutuban si William)
WILLIAM: (Nagkukunwaring hindi kilala ang mga magulang ni Lucy) Kaya pala, naiintindihan ko na ang higpit ng mga magulang mo sayo dahil mga propesyonal pala sila, ayaw lang nila na may mangyaring masama sayo.

Ang hindi alam ni Lucy ay pauwi na ang kaniyang mga magulang galing trabaho.

ALEJANDRO: (Binuksan ang pinto) Ano'ng ginagawa niyan dito?! (Pasigaw na pagsabi sabay bunot ng kaniyang baril)
LUCY: Kaibigan ko po! (Gulat na pagsagot sa ama)
ALEJANDRO: Taas mo ang mga kamay mo kung ayaw mong masaktan!
LUCY: Pa?! bakit?! Ano ang nangyayari?! (Aligaga na tanong nito sa ama)
ALEJANDRO: Hindi mo ba alam na anak yan ng Sindikato?! Nagdedeliver yan ng mga iligal na armas at nagbebenta ng mga Droga.!
WILLIAM: Siya ba yung tatay mo na nasa picture?!
ALEJANDRO: Tumawag ka ng Police (Sabi niya sa kaniyang asawa)
LUCY: Totoo ba? (Takot na tinatanong si WILLIAM)
WILLIAM: Patawarin mo ako Lucy (Sabay talon sa bintana)
ALEJANDRO: Okay ka lang anak? Sinaktan ka ba niya?
LUCY: Okay lang po ako pa (Habang nanginginig), hindi lang ako makapaniwala na pinapasok ko sa bahay natin ang anak ng isang Sindikato.

Fight for this Love (Short Story - Tagalog)Where stories live. Discover now