Love at First Sight (Chapter 2)

1.4K 27 0
                                    

LUCY: Nakakainis naman yung lalaking yun. hindi marunong tumingin sa dinadaanan niya. Pero infairness Cute siya ah (sabay ngiti si Lucy habang iniisip ang nangyari)

Habang si William naman ay hindi rin nawala sa isip niya ang nangyari. Agad naman sinabi ni William sa sarili na babalik siya kinabukasan sa lugar na kung saan nagkabanggaan silang dalawa at nagbabaka-sakali na rin na baka magkita sila ulit ni Lucy sa ikalawang pagkakataon.

Kinabukasan bumalik si William sa lugar kung saan niya unang nakita si Lucy ngunit hindi dumating si Lucy dahil mahigpit ang kaniyang Ama pagdating sa seguridad nila lalo na sa mga katulad ni William.

Hindi nagtagal ay naka-tiempo si Lucy na tumakas sa kanilang bahay dahil aalis ang kaniyang mga magulang ng ilang araw para asikasuhin ang kanilang mga trabaho. Dahan-dahan naman umalis ng bahay si Lucy para bumalik sa lugar na kung saan siya ay nagliliwaliw, di nagtagal ay dumating rin si William at nagkita ulit ang dalawa.

WILLIAM: Ikaw ba yung babaeng nabangga ko nung isang araw?
LUCY: Ikaw nanaman?!
WILLIAM: Teka lang, kumalma ka. Nandito lang naman ako para humingi ulit sayo ng tawad, hindi ko naman sinasadya na mabangga ka dahil nagmamadali kasi ako.
LUCY: Pasensya ka na rin dahil nasigawan kita.
WILLIAM: Okay lang, ako din naman yung may kasalanan. Ay ako nga pala si William.
LUCY: Hi William! Lucy. (Shake hands)
WILLIAM: Bakit ka nga pala bumalik dito?
LUCY: Dito kasi mas nakakapag-isip-isip ako sa mga bagay-bagay. Ikaw? Bakit ka nga pala nandito?
WILLIAM: Pumunta lang ako sa kaibigan ko, pero nung nakita kita nung isang araw bumalik agad ako dahil nagbabakasakaling makita kita ulit dito.
LUCY: Ha? At bakit mo naman ako gustong makita? (Sabay tawa)
WILLIAM: Ahahaha, wala. Gusto lang kitang kilalanin, para maging kaibigan ka at humingi na rin ng pasensya.
LUCY: Ah ganon ba. Eh ano nga pala yung trabaho mo?
WILLIAM: Ha?! Trabaho ko?! Ahh... (Natataranta na pagsabi nito kay Lucy) May ari ako ng isang kompanya na nagdedeliver ng mga package.
LUCY: Ah ganon ba, Mabuti naman.
WILLIAM: Umm, Aalis ka na ba?
LUCY: Bakit naman?
WILLIAM: Pwede ba tayo lumabas para magkape?
LUCY: In short, niyayaya mo akong mag-date? (Sabay tawa)
WILLIAM: Ahaha, Pwede ba? (Nahihiyang Pagsabi)
LUCY: Oh cge, pero friendly-date lang ha.

Pumunta sina William at Lucy sa isang Coffee Shop at kinilala ang isa't isa.

LUCY: So, gaano ka na katagal sa iyong trabaho?
WILLIAM: Uhmm, matagal-tagal na rin siguro mga 10 taon na. ikaw? Ano nga pala yung trabaho mo?
LUCY: Merong malaking kumpanya ang mga magulang ko at dahil diyan ako yung inaasahan nila na magpatuloy sa mga sinimulan nilang negosyo.
WILLIAM: Mabuti naman kung ganon.
LUCY: Pero sa totoo lang ayoko dahil ang gusto ko lamang ay mamuhay ng normal na kung saan malayo sa gusto ng mga magulang ko.
WILLIAM: Mahirap talaga magdesisyon lalong-lalo na kapag kasali yung mga magulang mo.

At di nagtagal ay umuwi na sina William at Lucy. Hinatid ni William si Lucy sa kanilang bahay.

LUCY: Salamat sa araw na ito, napasaya mo ako. (Sabay ngiti)
WILLIAM: Wala yun, kung gusto mo ng kausap tawagan mo lang ako ha.
LUCY: Tawagan?
WILLIAM: Buksan mo yung notebook mo
LUCY: Ahahaha! Bilis mo dun ah. Oh cge. (Habang nakangiti) sabay tanong, Magkikita kaya ulit tayo?
WILLIAM: Gusto mo ba ulit akong makita? (Sabay ngiti)
LUCY: Sige, pasok na ako. Mag-ingat ka.
WILLIAM: Sige, alis na ako.

Fight for this Love (Short Story - Tagalog)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon