Chapter 7

827 23 3
                                    

NASA may pool area na ang dalawang lalaki pagbalik namin ni Mars. Ang talim pa rin ng tingin at ang dilim ng mukha ni  Jason sa akin ng masulyapan ko ito. Para bang kakatay ito. Medyo kinabahan ako sa klasi ng tingin nito sa akin. I tried to ignored him, and make my self busy sa paglalaro sa pamangkin kong si Shawntel. Panay na kasi ang paglalambing nito sa akin.

"Tita Ina are you staying here na for good with us?" Tanong pa nito sa akin.

"No sweety, nagbabakasyon lang kami ni Tita Marcy mo. We're going back to State, naroon kasi ang trabaho naming dalawa." Sabi ko sa kanya.

"Bakit doon po kayo nagwo work ni tita Marcy, tita Ina. Bakit hindi po rito sa  Pinas?" Tanong niya ulit sa akin, she's trying to speak tagalog. Nakakatuwang pakinggan  ang pananagalog nito dahil may accent iyon.

"Alam mo kasi sweety malaki kasi ang kita namin ni tita mo roon, than here. Isa pa dream din kasi namin ang kapunta at makapagtraho don. And when the opportunity comes, kaya go na kami ni tita. You know opportunity knocks only ones." As I explained to her. Napatango naman ito sa sinabi ko. Ang cute talaga nito, girl version ng pamangkin kong si Shawn.

"Tita when you are going to stay here for good?" Napangiti nalang ako  sa tanong nito. Napakadaldal talaga nito.

"Siguro pag nakaipon na si tita." Nakangiting sabi ko sa kanya.

"Ahm sorry to enterupt you girls, Shai I really need to go. You know kailangan ko pang maghanda para mamaya. Mahirap na baka maiwan pa ako." sabi sa amin ni Marcy.

"Why tita Marcy where you going po?" Tanong naman ng pamangkin ko sa kaibigan ko.

"Tita  Marcy will going home, to Davao. Taga Davao kasi ako baby girl. And my parents are waiting for me, baka magalit na sa akin ang mga iyon pag hindi pa ako umuwi. I missed them so much too, it's been a long long time na kasi akong hindi nauwi roon kaya need na ni tita ang umuwi." Mahabang sabi ng kaibigan ko.

"Why tita? Bakit po hindi kayo umuwi sa inyo po?"

"Kasi po baby girl, Tita was very poor only. I cant afford to buy ticket before, and nag-aaral din kasi si tita rito. And working at the same time. In short, tita is a working student. My parents can't afford to send me in college kaya nagsikap nalang ako. Pinag-aral ko ang sarili ko." Sabi uli ng kaibigan ko.

"Why you didn't go home po when you graduated in college po."

"Nakahanap din kasi agad ako ng trabaho rito with your tita Ina. And I'm helping my parents too,  pinag-aral ko rin ang mga kapatid ko sa probinsiya. Kaya instead na bumili ako ng ticket para umuwi sa amin, ipinapadala ko nalang sa kanila. Alam mo kasi baby girl, ang mahal kasi ng ticket noon. Para sa akin. But now, kaya ko ng bumili balikan pa. Nakapagtapos na kasi ang dalawa kong kapatid sa college at may mga trabaho na rin, kaya sila naman ang nagpapaaral sa dalawa ko pang maliliit na kapatid. But I'm still helping them naman." Nakangiting sabi pa nito kay Shawntel.

"WOW tita Marcy you're so great!" Manghang sabi naman ng pamangkin kong si Shawn nakikinig din pala ito.

"Tita Marcy you're like a wonder woman." Nakangiting sabi naman ng pamangkin kong si Shawntel na nakataas pa ang mga braso like her favorate hero, wonder woman. Napatawa lang ang ang kaibigan ko sa sinabi ng dalawa kong pamangkin sa kanya.

"Alright kidds, I really need to go ok." Paalam nito sa dalawang makukulit. Nagpaalam na rin ito sa ate ko at kay kuya, pati na rin sa iba.

"Marcy thanks for coming, and for visiting us. Salamat sa pagsama sa kapatid ko rito, hmm ipapahatid na kita sa driver namin. Madalang  lang kasi ang taxi rito, kadalasan pagnahahatid lang ng pasahiro. Kaya mahihirapan ka." Sabi naman ng ate ko.

My Arrogant Patient ( On Going )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon