CHAPTER 47

681 19 10
                                    

JASON's POV

Samantala, humahangos namang tumatakbo ang isang binatilyo pabalik sa kasiyahan habang nagsisigaw.
"Mang Mario, Mang Mario! Aling Celina! Aling Celina!" Tawag nito sa mag-asawa habang patakbong lumalapit, kaya naman napalingon ang lahat sa kanya.

At puno ng pagtataka ang mga mukha nila, para kasi itong nakakita at hinahabol ng mga multo. Agad ding napatayo ang mga-asawa ng marinig ang nagsisigaw na binatilyo.

"Oh Nitoy anong nangyri sayo at nagsisigaw ka diyan, daig mo pang nakakita ng multo ah. Ano bang problema, may nangyari ba?" Agad namang tanong ni Mang Mario sa binatilyo. Hindi naman ito makasagot agad dahil sa hingal sa pagtakbo.

"K-kasi p-po, M-mang M-Mario si ma'am Shaina po." Humihingal na sabi nito kay Mang Mario kahit na pautal-utal pa.

"Huh, bakit anong nangyari kay Shaina?" Kinakabahang tanong rin ni Mang Mario kay Nitoy. Kahit na ang mga tao na nasa kasiyahan ay ganon din ang tanong sa binatilyo.

"Sabihin mo na Nitoy anong nangyari kay Shaina? May nangyari bang masama kay Shaina? Huh Nitoy?" Hindi na rin nakatiis pa si Aling Celina at tinanong din si Nitoy, bakas na rin sa mukha niya ang sobrang kaba at takot.

"Si ma'am Shaina po dinukot." Humihingal pa rin na sabi nito sa mag-asawa habang nakayuko at nakatukod pa ang mga kamay sa tuhod nito.

"Ano!!!" Gulat ang lahat sa sinabing iyon ni Nitoy.

"Nitoy huwag kang magbiro ng ganyan, hindi ka na nakakatawa." Sabi naman ng isang ginang kay Nitoy, na nanay pala nito.

"Hindi po ako nagbibiro Nay, totoo po ang sinasabi ko. Kitang kita po ng dalawang mata ko, sapilitang isinakay po si ma'am Shaina sa itim na van po." Halos mangiyak-ngiyak na sabi pa ni Nitoy sa ginang, upang ipakitang hindi siya nagbibiro at nagsasabi siya ng totoo.

"Mahabaging Diyos!" Halos sabay  sabay na sabi nila ng mag-asawa, pati na rin ng mga tauhan sa manggahan.

"Namumukhaan mo ba ang kumuha kay Shaina Nitoy? Marami ba sila? Mga ilan sila Nitoy?" Natatarantang sabi pa rin ni aling Celina kay Nitoy.

"Hindi ko po nakita ang mga mukha nila Aling Celina, pero dalawang lalaki po ang bumuhat kay ma'am Shaina papasok po sa van, nakatakip din po kasi ang mga mukha nila tapos may isang babae din po." Mahinang sabi naman ni Nitoy.

"Diyos ko, anong gagawin natin ngayon Mario. Kakaalis pa lang nila Shakeera." Natataranta at nanghihinang sabi pa rin ni Aling Celina sa asawang si Mario. Bakas na bakas sa mukha niya ang pag-aalala at takot para kay Shaina, habang palakad-lakad ito.

"Teka Nay, si sir Daniel, tama, si sir Daniel Nay, tatawagin ko lang." Biglang sabat ni Marcory, bakas din sa mukha niya ang pag-aalala at takot. Saka mabilis na tumakbo papasok sa loob ng bahay.

"Diyos ko po, Shaina. Huwag niyo pong hayaang may mangyaring masama sa kanya diyos ko." Umiiyak ng sabi ni Aling Celina.

"Sir Daniel, sir Daniel!" Kaagad na tawag ni Marcory kay Daniel ng makapasok ito sa loob ng bahay. Mabilis namang lumabas mula sa kwarto si Daniel kasama si Marcy ng marinig nila ito, habang nakakunot noo pa.

"Marcory bakit, bakit ka nagsisigaw huh? May kailangan ka ba kay Christ, anong nangyari?" Agad namang tanong ni Marcy sa kapatid. Ngunit bigla na lang itong umiyak, na ikinapagtataka ng dalawang kaharap.

"Ate, ate si ate Shaina po dinukot." Umiiyak na sabi ni Marcory.

"Marcory huwag ka ngang magbiro ng ganyan, hindi magandang biro yan." Saway ni Marcy sa kapatid ngunit kinakabahan na rin siya.

"Ate totoo, hindi ako nagbibiro, si Nitoy siya ang nakakita kay Ate Shaina na sapilitang kinuha. Sir Daniel totoo po." Paliwanag niya sa kapatid.

"Diyos ko po, beshy." Sabi ni Marcy, at halos mawalan pa siya ng balanse at muntik ng matumba sa narinig ngunit mabilis naman siyang naalalayan ni Daniel.

My Arrogant Patient ( On Going )Where stories live. Discover now