Chapter 17: Found You

Start from the beginning
                                    

Ang labo ng panget na 'to. Minsan Mabait, Madalas hindi. =.= Bipolar, letche. 

"Sige, wag kang sumama. Bubuntisin talaga kita mamayang gabi." Sabi niya sa akin.

"Hindi ako uuwi sa mansyon mamaya, Bleh!" Belat ko.

"Edi bubuntisin na kita ngayon." Sabi niya habang palapit ng palapit sa akin ay may isang mapaglarong ngiti sa kanyang mga labi.

Ehh?! "WAAAH! Masamang espirito, lubayan mo ako! Nasa publikong lugar tayo, magtigil ka!" Tumakbo ako papalayo sa kanya pero nakahabol parin siya sa akin.

"I don't care! Tss. Kapag hindi ka sumama, bubuntisin talaga kita. Right here, Right now." 

"OO NA! SASAMA NA PO T.T" Tumakbo ako papunta sa Passenger's seat ng kotse niya at nag-seatbelt. Nakangising pumasok ng kotse ni Chiro. "Bwisit! Manyak! Perv!" 


"I know." Sabi niya bago siya nag-drive patungo sa Mall.

***

MIKEL'S POV

"Cheers to Mikel's great escape!" 

"Cheers!" Tinaas namin ang aming mga baso at ininom sa isang tungga yung beer.

"Pare, saan mo ba kasi napulot yung stalker mo na yan?" Tanong ni Glynn.

"Nagkakilala kami sa Korea. Tinulungan kong makabalik sa Mansyon nila kasi na-sprain yung ankle at simula nun, 'di na niya ako tinantanan. Hanggang sa pagpunta ko sa New York, sinundan parin ako." Paliwanag ko.

"May maganda rin namang naidulot eh. Na-reunite kayo ng One and Only Yanna mo." Singit naman ni Xavier. Sabagay, pwede na rin. Kung 'di dahil sa kanya, 'di ko maiisip na umuwi ng Pilipinas ng ganito kaaga. 

"Pero pre, maganda ba yung stalker mo?" Sabat nung Gagong kaibigan ko na si Light. 

Maganda? "Hindi." Deretchong sagot ko.

"Gago ka Light, pinapairal mo nanaman yang kalandian mo! At wag mong tanungin si Mikel, 'di yan sasagot ng matino dahil si Yanna lang ang maganda sa paningin niyan!" Batok ni Xavier kay Light.

"Kailangan may batok? Gago ka ah." Binigyan rin ni Light ng isang batok si Xavier.

"Aish, parang tanga 'tong dalawa. Ako na nga lang magde-describe tutal nakita ko na naman." Sabi ni Glynn. "Maganda mga brad. Maputi, makinis ang balat, matangkad. Maganda ang katawan. Parang ramp model kapag naglakad at tila singer kapag nagsasalita sa ganda ng boses." 

Arranged Marriage From HellWhere stories live. Discover now