Chapter 12: The Truth

49.4K 549 32
                                    

KIEL'S POV

Bakit ba napaka-malas ko sa pag-ibig? Una, iniwan ako sa ere. Ngayon naman tali na yung babaeng mahal ko. Shitness lang ha. Buti nalang mahal na mahal ko talaga 'tong si Ayumi. 

Makapaglakad lakad nga muna tutal Vacant Period naman namin. May emergency meeting lahat ng staff ngayon. "Girls, Narinig niyo na ba yung balita?" Tss, chismis nanaman.

"Hell Yeah! Mag-aaral daw sa school natin ang isang sikat na Broadway actress." 

Broadway Actress? Naalala ko tuloy Siya. Pangarap niya ang maging isang sikat na actress noon at dahil sa pangarap niya na yun, nagawa niya akong iwanan. Ang bait sa akin ng tadhana noh?

"Kiel!" Napangiti ako ng marinig ko ang boses niya. Agad ko siya nilapitan at binigyan ng smack sa lips. Wala namang tao kaya okay lang. "Baliw ka! Baka may makakita." Sabay hampas sa braso ko.

"Na-miss kita" Sabi ko habang nakatitig ng mabuti sa kanyang napakagandang mata. 

"Na-miss din kita" Pinisil niya yung cheeks ko. "Alam mo ba, umuwi na ng Pilipinas yung kapatid ni Yanna."

"May Kapatid si Yanna?" Ngayon ko lang nalaman yun ah.

"Yep, Fraternal Twin Sister. Kaso War silang dalawa." -Ayumi

"Ah, Kaya siguro hindi nababanggit ni Yanna sakin." Sabi ko.

"Mmm, Sige Kiel, Una na muna ako. Baka malaman nung mahal na prinsipe ng kadiliman kung nasaan ako. I Love you." -Ayumi

Binigyan niya ako ng isang halik sa pisngi bago siya umalis. 

Naglakad ako patungo sa Field. Dati Rati, malaya kong nakakasama si Ayumi sa school kasi magulang lang naman niya ang hindi nakakaalam tungkol sa amin pero ngayon, pati asawa niya tinataguan namin.

Nagulat ako nang biglang tumugtog yung kantang kinasusuklaman ko. Tungkol ito sa isang lalaking nainlove sa bestfriend niya. Nyeta. 

Now Playing: Best Friend - Jason Chen // Click the Video --->

*FLASHBACK*

"Kiel! Kiel! Kiel! Uwaah! Pumasa ako sa audition!" Sigaw niya habang tumatalon talon.

Napangiti ako. "Talaga?! Congrats Best! Sabi sayo 'eh, walang makakatanggi sa ganda mo." 

"Aigoo, Nambola pa! Tara na at mag-celebrate, Ikaw ang gusto kong makasama ko sa espesyal na araw na ito. Dali best!" 

*END OF FLASHBACK*

"But I don't wanna ruin what we have, Love is so unpredictable." Bigla akong bumalik sa realidad. Yang boses na yan. Lumingon ako at nakita ko ang isang babae na nakapikit habang kumakanta.

Arranged Marriage From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon