Chapter 5: An Old Friend

73.7K 800 112
                                    

CHIRO'S POV

Hindi ako nakatulog ng maayos dahil nag-aalala ako na baka bangungutin nanaman si Ayumi. *Sigh*, naaalala kaya niya? Possible kay-- Argh! Para akong bakla kakaisip dito. "Uy Chiro, Bilis! Mala-late tayo" 

Tumayo na ako at kinuha ang susi ng kotse ko na nakapatong sa lamesa. Ang sigla naman ni Ayumi. "Naka-ilang capsule ka ba ng vitamins at ang likot likot mo?" Tanong ko nang makapasok na kami sa sasakyan ko. 

"Baliw! Excited lang akong makita si Yanna. Ay, Oo nga pala Chiro, pupunta ako sa bahay mamaya. May kailangan akong itanong kay Kuya" Sus, baka makikipagkita lang 'to sa lalaki niya. Sino kaya yung lalaki? Hindi ko masyadong nakita dahil pauwi na ako ng mga panahong yun. 

Pag nalaman-laman ko lang kung sino yun, sisiguraduhin kong hindi na sila magkikita ni Ayumi, Even if I have to deport him to Siberia. Ayoko sa lahat yung may kahati ako lalo na sa babaeng mahal ko. 

Pagkarating namin sa school, dumeretcho kami sa office ng Dean para kunin ang schedule ng klase. "Good Morning, meron nga pala kaming reminder sa inyo. Naging Block na ang sectioning this school year at magkahiwalay ang klase ng boys sa girls." 

"WHAT?!" Sigaw ko. Sh*t, wala 'to sa plano. Ang usapan same kami ng classes ni Ayumi, bakit biglang naiba? Papatayin ko talaga 'tong walang kwenta kong pinsan. 

"Kalma lang Chiro, hindi pa naman end of the world." Bulong sakin ni Ayumi. Binaling niya yung tingin niya sa Dean. "Uh Dean, Ano po ang section ko at section ni Chiro?" 


"Si Chiro ay sa Class III-A Boys at Ikaw naman Ayumi ay sa Class III-A Girls" 

Hinila ko na si Ayumi palabas ng office. Fvck, hindi ako pwedeng mawala sa tabi ni Ayumi. Masyadong maganda ang asawa ko para iwanan mag-isa. "Uy, Busangot mukha mo diyan."


"Tss" Sabi ko.

"Wag kang mag-alala, hiwalay nga ang girls sa boys diba? 'Di mo kailangang mag-alala kung may lalapit sa aking lalaki. Nakakatakot ka kayang magselos" 

"Sinong may sabing nag-aalala ako? Natatakot lang ako dahil baka hindi ka na makauwi ng buhay kapag binully ka nung mga mas magagandang kaklase mo."

"Asus, dineny pa. Sige na, pasok ka na sa klase mo. Nandito na ako o" Turo niya sa klase niya. 

Papasok na dapat siya pero hinawakan ko braso niya. 

"Oh Panget, may kailangan ka pa?" Tanong niya sakin.

Tss, Makakalimutin na asawa. "Oo"


"Ano yun?"


Arranged Marriage From HellTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon